*-*-*-Chapter 2-*-*-*
-m.i.s.t.a.k.e.n. "s.a.n. p.e.d.r.o."-
~Paradise POV~
"ANOOOO?" napatayo ako sa kinauupuan ko ng dahil sa sinabi ni Cloud.
"Paradise, calm down. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito."
Lumingon-lingon ako. Oo nga. Pinagtitinginan na kami ng ibang kumakain dito sa restaurant. Kaya umupo na lang uli ako. Pero..
"Anong calm down??! Grabe ka, Cloud! Ito pa ang ibubungad mo sa 'kin? Ilang araw lang akong nawala dahil sa pagpunta sa Korea - ..."
"Yan! Nang dahil sa Korea na yan at sa iba mo pang pinupuntahang lugar para makapagsulat ng nobela, nakalimutan mo nang may boyfriend ka! Kung nagawa mo akong ipagpalit dyan, nagawa rin kitang ipagpalit sa iba!"
"I-ipagpalit sa iba?"
"O-oo! Kasalanan mo naman yun eh! Kung hindi ka -.."
"GRABE KA RIN NO?! AKO PA ANG SINISISI MO SA GINAWA MONG KALOKOHAN. KUNG TOTOO MO AKONG MAHAL, NAINTINDIHAN MO SANA KUNG GAANO KAHALAGA SA AKIN ANG MGA PANGARAP KO. KUNG TOTOONG MAHAL MO AKO, HINDI MO AKO IPAGPAPALIT SA IBA DAHIL LANG SA ISANG MABABAW NA DAHILAN!" Sigaw ko sa kanya habang unti-unting nanlalabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak.
"Paradise, can you lower your voice? Nakukuha mo ang atensyon ng mga tao dito. And please... huwag kang gagawa ng eskandalo dito."
"WALA AKONG PAKIALAM! MAS OK NGA IYON NA MALAMAN NILANG MAY LALAKING KATULAD MO NA PAGALA-GALA DITO SA MUNDO!"
"AT ANONG ESKANDALO NAMAN ANG SINASABI MO? SA TINGIN MO BA HAHABULIN PA KITA AT MAGMAMAKAAWANG BUMALIK SA'YO? ASA KA PA!" Tuluy- tuloy kong sigaw sa kanya sabay walk-out.
Pero paglabas ko ng restaurant, doon na lumabas ang kanina ko pang pinipigilang mga luha.
Cloud, bakit sa akin mo pa 'to ginawa?
Ang pangarap ko bang makapagsulat ang hadlang sa buhay ko?
CLOOOOOUUUUD!
Nagising ako na humihingal. Bakas din sa akin na totoong lumuha ako kahit nananaginip lang.
WAAAAAAAAAAAAAAAAA!
Pati ba naman sa panaginip, paulit-ulit kong makikita ang eksenang iyon?
Nararamdaman ko na naman ang sakit. Pati mga mata ko ay ipinagkakanulo ako.
~Lance POV~
CLOOOOOUUUUD!
"Yung babaeng "nasagasaan" ko!"
Dali-dali akong pumunta sa kwartong pinagdalhan ko sa babaeng iyon. Noong nahimatay nga pala siya, sa hotel ko siya dinala kasi yun yung una kong nakita. Mahirap naman kasing maghanap ng ospital sa hindi kabisadong lugar.
At alam kong sa kanya galing ang sigaw na yun. Tsk tsk. Cloud na naman. >_<
Pagbukas ko ng pinto at ilaw ng silid, nakita ko siyang naka-upo sa kama at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Nilapitan ko agad siya.
"Ok ka lang ba? Ano ang nangyari sa'yo at sumigaw ka? Nanaginip ka ba ng masama? Huwag mong sabihin na pati sa panaginip eh yang Cloud na naman yan ang kasama?"
Hay ewan ko ba. Pero kumukulo talaga ang dugo ko dun sa "Cloud" na yun! Tsk. Pangalan pa lang pang-bakla na. Bakit ko nasabing bakla? Eh sino ba naman kasi ang matinong lalaki na magpapaiyak at sasaktan ang babaeng katulad nito?
I saw how hurt she was kanina pa lang na una ko siyang nakita. And I'm very sure about it.
Tsk. Bakit ba masyado akong apektado?
Nako! Ano ba naman 'tong mga pinag-iisip ko! Eh hindi ko naman kilala yung Cloud na 'yun!
So, tiningnan ko uli yung babae. Tsk. Hindi man lang gumalaw at nagsalita para sagutin yung mga tanong - .. Wait! Umiiyak yata siya! Ang adik ko! Bakit ngayon ko lang nahalata?!
Aysh. Hindi pa naman ako marunong magpatahan.
Guys, paano ba magpatahan ng babaeng umiiyak? Nanghihina pa naman ang puso ko kapag may nakikita akong umiiyak na babae.
Isip. Isip. Paganahin ang utak para solusyon ay mahagip! (Ayos yung chant ko 'no?)
Ah! Alam ko na! Yung tulad ng ginagawa ng mga heros sa heroines nila sa t.v.!
Uhhhmmm.
Kaya kahit medyo naiilang ako....
Tumabi ako sa kanya....
At niyakap siya.
~Paradise POV~
O.O
Nananaginip ba uli ako? Kasi biglang tumigil ang pag-iyak ko ng may yumakap sa akin.
Ow.Em. Am I in heaven? S-si San Pedro ba tong yumakap sa 'kin para aluin ako?
"Sssh. Huwag mo na isipin yung Cloud na yun." Sabi ni "San Pedro" Sabi niya sa akin habang inaalo ako.
Gosh! Ganito ba kagwapo ang boses ni San Pedro? Eh pano pa kaya yung mukha niya?
Kaso...
Bakit....
Hindi ko maidilat ang mga mata ko?!
A-ang sakit. Yung tipong namamaga yung mata ko dahil sa kakaiyak.
Wait! Namamaga yung mata ko? Gaano na nga ba katagal ako umiiyak?
Pilit kong inalala. Hanggang sa.....
Shocks! Doon pa lang sa restaurant umiiyak na ako...
Hanggang dun sa maglakad-lakad ako...
At hanggang dun sa....
May muntik nang makasagasa sa akin!
Halaaaaaaa!!!
Yung lalaki!
Pero parang....
Parehas ng amoy ni "San Pedro" yung lalaki.
Opo. Matalas po ang memorya ko pagdating sa amoy kahit pa anong kabaliwan ang gawin ko at lalo na kung masyadong mabango yung naamoy ko.
But..
This only means na...
Yung lalaking yumayakap sa akin ngayon, si "San Pedro" at yung muntik ng makasagasa sa akin ay iisa!
OK! MINUS 10000000 POGI POINTS! Nananantsing to eh! Yumakap ba naman sa akin!
Pero....
PLUS 10000000000000000000 POGI POINTS rin! Ang bango niya eh! Tsaka parang heaven talaga yung pakiramdam. Yung tipong sa isang iglap eh nakalimutan ko kung ano ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Haaay. Pwede kayang forever na lang niya akong yakapin?
Walang malisya! Nagtatanong lang! ^____^
T.Heroine: yay! nakapag-update rin! thank you po sa mga nagbasa at magbabasa pa ng mga updates ko. hasta la proxima vez. ^___^
BINABASA MO ANG
LOVE HEROINE: Ms. Writer - Wanderer
RomanceParadise Entiara is a brokenhearted writer-wanderer. At her worst day, si Lancellot Hedelfuego III ang nakatagpo sa kanya. Will Lance fix her broken heart or just worsen it?