Chapter 4: parting ways

23 1 0
                                    

                                         *-*-*-Chapter 4-*-*-*

                                        -p.a.r.t.i.n.g. w.a.y.s.-

~Paradise POV~

Naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto. Aysh. Porket wala si Lance magpapaka-emo uli ako?

Si Cloud kasi….

Cloud na naman?! WAAAAAAAA. Ayoko na! Pagod na ang mga mata ko sa kakaiyak…

-_-

Ayan! Back to zombie mode uli ako. 

Bumalik na naman kasi yung nakakamanhid na sakit dulot ng heartache na mula kay Cloud.

Pero nung nandyan si Lance, akala mo kung sino kang nakawala sa kwadra…

K. Fine! I admit! Eh kaso ako mismo hindi ko alam kung bakit ganun ang inaasal ko pag nandyan yung hudyong yun. 

ARGGGGG!

NAKAKAPRANING!

NAKAKABALIW!

NAKAKATULIRO!

Nasa ganoong state of mind ako nang bumukas yung pinto. 

“Iniisip mo na naman yung Cloud na yun kaya ganyan ang hilatsa ng mukha mo no?” Tanong niya sa akin o mas tamang sabihin na “pang-aasar niya sa akin” habang nilalapag yung pagkain sa ibabaw ng katabing cabinet ng kama.

“Ano naman sa’yo? Inggit ka no? Eh di isipin mo rin si Cloud para parehas na tayo ng hilatsa ng pagmumukha!” Oh ha! Kala mo ikaw lang marunong mang-asar ah! :P

Kaso mukhang hindi niya pinansin yung “pang-aasar” ko.

Seryoso kasi siyang nakatingin sa akin.

As in eye-to-eye contact!

Harujusme! Itigil mo ang ginagawa mong pagtitig sa akin at baka ma-rape kita!

Joke lang. Sadyang dine-destruct ko lang aking sarili kasi baka nga hindi ko mapigil ang aking sarili at baka kung ano nga ang magawa ko.

Oy! Baka kung ano ang iniisip mo tungkol sa sinabi kong “baka kung ano ang magawa ko sa kanya” ha!

Nako. Inosente pa po ako.

Natigil ang pagtakbo ng malupit kong imagination 

nang magsalita siya.

“Kung ano man ang ginawa sa’yo ng Cloud na yun, he did not deserve any single tear from you. Because no man has the right to hurt someone who loves them a lot, like Cloud did you. Alam kong hindi sapat ang obserbasyon ko pero sapat na ang nakita kong sobrang sakit na mababakas sa mukha mo nung unang magkita tayo. And as a concerned citizen, I think you better forget that CLOUD-NOTHING-BUT-A-BASTARD and meet someone that will treasure you and will never hurt you.”

“Like you?” Ooops! Nadala lang ako sa speech niya. Tsaka parang yun lang yung bagay na feedback sa sinabi niya.

Tsaka malay mo makalusot. ^____^

“Huwag kung anu-ano ang iniisip mo, Paradise. Naghahalucinate ka na. Gutom lang yan.” Sabay batok sa akin. >_<

Siguro nga tama siya. Baka nga napapraning lang ako sa gutom kasi nung tiningnan ko yung pagkain na dala niya, bigla kong naramdaman ang pag-aalburoto ng tiyan ko. 

At biglang nagningning ang mga mata ko! *.*

Pagkain! Pagkain! Pagkain!

“WAAAAAAAAAA! Namiss kita!!” At iyon ang naging hudyat ng pagsunggab ko sa pagkain. 

LOVE HEROINE: Ms. Writer - WandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon