Chapter 3: Lance, Eraser of my Heartache

22 1 0
                                    

                                           *-*-*Chapter 3-*-*-*

                       -l.a.n.c.e., e.r.a.s.e.r. o.f. m.y. h.e.a.r.t.a.c.h.e.-

~Lance POV~

“Ok ka lang ba? Ano ang nangyari sa’yo at sumigaw ka? Nanaginip ka ba ng masama? Huwag mong sabihin na pati sa panaginip eh yang Cloud na naman yan ang kasama?” Sabi ko sa kanya habang hinihimas yung likod niya.

Kaso….

>_<

Wala na naman akong narinig ni isang salita sa babaeng to na ni pangalan eh hindi ko alam. 

Ano ba to pipi?

Pero naramdaman kong tumigil siya sa pag-iyak.

Eh di tiningnan ko ang mukha niya na nakasandig sa akin. Baka naman kasi tinulugan na ako nito. Wala ng imik eh.

O.O

Bakit nakangiti siya? 

Aba! Aning-aning yata to eh! 

Nilayo siya sa akin. Nako! Mahirap na ‘no!

Binatukan ko siya at sabay sabing,

“Oy! Ano na namang nangyayari sa’yo? Diba umiiyak ka kanina? Bakit nakangiti ka na ngayon? Baliw ka ba?”

O.O

Mas lalong lumapad yung ngiti niya. 

Pero….

Nakapikit pa rin!

Aysh. Abnormal nga yata to!

But in fairness, ang ganda niya kapag nakangiti.

Pero mas gaganda pa siguro siya kung hindi nakapikit no?

>_< 

Goodness! Ano ba tong iniisip ko? Grabe! Nakakahawa na pala ngayon ang pagiging baliw!

Naiinis tuloy ako! ARRRRG!

Kaya by instance, pinalo ko siya ng nahagip ko na rolyo ng papel sa ulo.

“Aray! Bakit mo ako pinalo sa ulo? Sheesh. -___-“ Sabi niya habang hinihimas yung ulo niya.

Akala ko hindi gaganti.

Nakakuha siya ng maliit na bola na hindi ko alam kung saan galing at ilang beses pinukpok sa ulo ko bago binato.

ARGGGG! Mukhang childish tong babaeng to! Mas lalo tuloy sumasakit ulo ko! >_<

Pero.....

Biglang napatulala ako sa kanya nang mapansin kong...

hindi na siya nakapikit ngayon.....

Mas lalo ko tuloy nakita kung gaano siya kaganda kahit pa namamaga ang mga mata niya.

AYSH! Ano ba tong pinag-iisip ko! Bigla tuloy akong tumalikod sa kanya.

“Aning-aning ka ‘no? O sadyang adik ka?” Tanong ko na labas sa ilong. Ang layo-layo naman kasi sa itsura niya yung mga accusations ko. Tsaka para ma- destruct din ako sa tinatakbo ng utak ko.

“Sino ba namang taga-lupa ang hindi maaadik sa amoy mo?” Bubulong-bulong na sabi niya.

Pero rinig ko naman. >_<

“ANOOO?!” Sabi ko na lang without facing her. Tsaka para kunwari hindi umabot sa tenga ko yung sinabi niya. Baka naman kasi akalain nito na natutuwa pa ako sa sinabi niya.

LOVE HEROINE: Ms. Writer - WandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon