Chapter 5: i miss C or Mr. L?

16 1 0
                                    

                                         *-*-*-Chapter 5-*-*-*

                                      -i. m.i.s.s. C. o.r. M.r. L.?-

~Paradise POV~

It is just a matter of two hours since

I said goodbye to Mr. L,

(yeah! May endearment agad ako! WA-HA-HA!)

And left that memorable hotel.

And now,

Nandito ako sa bus papuntang North Luzon.

Nakaupo ako syempre dun sa malapit sa bintana para makita ang magandang view.

Is Sagada familiar to you?

Doon kasi ako pupunta eh.

Yun pa naman yung lugar kung saan ko unang na-appreciate ang nature,

Unang binigyang-pansin ang kakaiba nating katutubong kultura

at

Unang nakilala si Cloud.

And speaking of cloud, parang nanunudyo pa tong mga ulap sa kalangitaan na nag-form ng heart.

“Haaaay.” Hindi ko napigilang buntong-hininga.

Heto na naman kasi ako at nare-reminisce.

(Sus! Porket wala na naman si Mr. L naalala mo naman yang pesteng Cloud na yan?)

-_-

Shut up! Ano yun, panakip-butas ko si Mr. L?

(Eh ano pa ba ang appropriate word para sa kanya base sa nagagawa niya sa’yo?)

Savior. Tama! Savior ko siya parang si Cloud dati.

(Sows. Namiss mo naman agad?)

Oy hindi ah!

(Eh sino ba talaga ang nami-miss mo? Si Cloud ba o si Mr. Lance? Ang gulo mo kasi eh!)

>_<

“Tantanan mo nga ako! Peste ka!”

“Sino? Ituro mo at babanatan natin!”

Ow. No. Napalakas yata yung pagkakasabi ko.

Nakalimutan kong may katabi pala ako.

Nakakahiya. >_<

Ganunpaman, tiningnan ko yung katabi ko.

Nakasmile siya sa akin.

WAAAAA. Nakakahiya talaga.

Pero syempre, ginantihan ko rin ng ngiti

yung

babaeng katabi ko.

“Hi! I’m Irish. Handa akong samahan kang banatan sa kung sinumang poncio pilatong nagpapakunot sa noo mo.” Sabi niya at inilahad yung kamay sa akin. Syempre with her dashing smile on her face.

^>^ Ang friendly niya!

Ang ganda pa niya!

Feeling ko nga, Japanese to eh!

Kaya kahit nahihiya pa rin ako, inabot ko yung nakalahad niyang kamay.

“Konnichiwa. Watashinonamaeha Paradise-desu.”  Oh ha! Multi-talented yata to! ^__^

Translation ng sinabi ko:  Hi. My name is Paradise.

“Hah? Paradise lang yung naintindihan ko sa sinabi mo.” Nakakunot-noong sabi niya.

Ay patay! Hindi ba siya Japanese?

Ow. No. I’m dead!

Sablay talaga ang pagiging feelingera ko.

“Sorry, Irish. Akala ko kasi Japanese ka. Singkit kasi yung mga mata mo, straight ang super black mong buhok at ang puti pa ng balat mo. Malakas din ang feeling ko na magkakasundo kayo ni Sadako kung ilaladlad mo lang yang hair mo nang parang sa kanya. Kaya akala ko talaga kalahi ka ni Sadako.” Speech ko sa kanya. Hindi ko na kasi talaga mapigilan yung pagiging taklesa ko.

“Ha-ha-ha! I like you na, Paradise! Parehas tayong praning!  Nako! Meron pa palang katulad ko dito sa mundong ibabaw! Pero I’ll take as a compliment yung sinabi mong kalahi ko si Sadako. Pure Filipina kasi ako eh.” Sabi niya nang hindi napupuknat ang pagngiti.

“Ako rin akala ko wala nang pagala-galang nilalang na may kapraningang tulad ko. I thought kasi nasa mundong ilalim ko pa matatagpuan ang mga kalahi kong diyosa. As in Diyosa ng Kagandahan at Kasexy-han.” Oh yeah! Sulitin na ang pagiging baliwag ko ngayon! Tutal naman at magkalahi kami ni Irish. Sure akong hindi papalag to.

“Ay! True iyan! Diyosa talaga tayo ng Kagandahan at Kasexy-han! Apir tayo dyan mare!”

“Yeah! High-five!”

“High-Six!”

At dyan  nag-umpisa ang walang katapusan naming kwentuhan ng kanya-kanyang escapade sa buhay.

Pero sa hindi malamang dahilan,

Napatingin uli ako sa langit.

Wala na yung ulap na nag-form ng Cloud.

At for the first time,

Hindi ko inaasahan ang nakita ko sa kalangitan.

Dahil kahit wala si Mr. L sa paligid ko,

Hindi na si Cloud ang nakikita ko

Kundi ang gwapong mukha ni Lance.

Napangiti ako nang maalala ko kung ano ang ginawang pagtitig ng mga matang iyon sa akin.

Kaya ngayon, hindi na ako magdadalawang-isip kung tatanungin uli ako ng aking sarili KUNG SINO BA TALAGA ANG NAMI-MISS KO – SI C O SI MR. L.

Syempre. Sino pa ba?

Alam mo na yun.

So, you want assurance?

Oo na! Si Mr. L na!

Ok na?

T. Heroine:  ewan ko. Basta na lang akong sinipag na mag-update eh. ^___^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE HEROINE: Ms. Writer - WandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon