Chapter 1: the encounter

53 1 0
                                    

                                         *-*-*-Chapter 1-*-*-*

                                        -t.h.e. e.n.c.o.u.n.t.e.r.-

~Lance POV~

"Aw sh*t! Male-late na ako nito!"

Halos isang oras ako naipit sa traffic sa Imus, Cavite kaya paniguradong late ako sa family gathering na gaganapin sa Tagaytay.

Hindi na talaga mawawala ang traffic dito sa demokratikong bansa natin no? Kaya dapat pala nagpasundo na lang ako sa company chopper ng daddy ko sa halip na magmaneho ako. -_-

Maluwag na ang kalsada dito sa Silang kaya medyo binilisan ko na ang pagpapatakbo.

Nang biglang....

"EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEKK" Sa bigla kong preno, sumagitsit ang gulong ko sa sementadong daan.

"Sh*t! Bakit ngayon pa? Bakit hindi na lang bukas?" galit kong bulalas.

Pagbaba ko ng kotse, nakita ko ang may kagagawan ng lahat. May babaeng nakaputi ang ngayon ay nakahiga sa mismong lugar katapat ng kotse niya. Ang babaeng nasagasaan niya!

Handa na siyang buhatin ito papunta sa kotse niya ng bigla itong tumayo! Hinarap siya nito.

"WALANG HIYA KAYONG MGA LALAKI! BAKIT NIYO NAGAGAWANG SAKTAN ANG GANITO KAGANDANG BABAE?! HA! SUMAGOT KA!" sigaw ng babae sa akin habang umiiyak.

"Hindi ko na - ..."

"SINABI KO BANG NGAYON KA SUMAGOT?! HA?! HINDI PA AKO TAPOS!"

"WALA NA KAYONG GINAWANG MATINO KUNDI SAKTAN KAMING MGA BABAE! WALANG HIYA KA CLOUD! BAKIT KAILANGAN KO PANG MASAKSIHAN MISMO SA HARAPAN KO ANG KABALASTUGAN MO? NAWALA LANG AKO NG ILANG ARAW DAHIL SA PAGPUNTA SA KUNG SAAN-SAAN DITO SA PILIPINAS, PINAGPALIT MO NA AKO?! KELAN PA?! HA?!"

"I'm not Cl -..."

"WALA NGA TALAGANG PERFECT PRINCE CHARMING! MAS MAGANDA NA NGA LANG TALAGA NA MAKONTENTO AKO SA MGA LALAKING NILILIKHA LANG NG IMAHINASYON KO. BUTI PA NGA ANG MGA NOBELA KO MAY HAPPY ENDING ANG MGA LOVE STORY! SAMANTALANG ANG LUMIKHA SA KANILA, WALA! " walang tigil na sigaw ng babae habang wala ding tigil sa pag-iyak. At ngayon, sinusuntok na rin ang dibdib ko. I really saw that she's hurting. Pero iba ang sinasabi nitong pangalan.

"Miss hindi ako si - ..."

"CLOUD, ANG SAKIT! SOBRA! WALA KANG KARAPATANG SAK -.."

"Miss ano ba?! Sabing hindi ako ang Cloud na yon!" niyugyog ko siya habang sinasabi iyon. Hindi ko na napigilan. Ayoko nang makarinig ng kung anu-ano samantalang hindi naman para sa akin ang mga paratang niya.

Natahimik yung babae. Tumingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na maganda ito. Maamo ang mukha niya ngunit nababalot ng lungkot at galit ang mga mata. Ang ganda niya tala -...

"AWWW! Bakit mo ako sinuntok?!" sabi ko habang sapo-sapo ang mukha ko. Oo. Sa mukha na niya ako sinuntok.

"NAGSESENTI AKO DITO TAPOS IISTORBOHIN MO ANG DRAMA KO?! MASAMA BANG MAGLABAS NG HINANAKIT SA BUHAY?!"

Grabe. Ewan ko kung maiinis ako o maaawa sa babaeng to.

"Miss, kung pagbubuhusan mo lang din ako ng hinanakit mo sa buhay, aalis na lang ako. Tutal mukhang wala ka namang damage. At hanapin mo na lang ang Cloud na kanina mo pa binabanggit o kaya sa nobela mo na lang ibuhos ang sama ng loob mo. Halata naman kasi na isa kang writer."

"Sorry..."

Nabitin ang pagtalikod ko sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Lalo na nang makita kong unti-unti na siyang babagsak sa lupa. Mabilis ko siyang sinalo.

Ang babaeng akala kong nasagasaan ko...

Ang babaeng nagsisigaw sa akin habang umiiyak...

Ang babaeng hindi lang dibdib ko ang sinuntok kundi pati rin ang gwapo kong mukha..

Ang babaeng tiyak na lagalag, I mean loves to travel kaya pinagpalit ni Cloud...

Ang babaeng halatang binigo na naman ni Kupido...

Ang babaeng walang magandang wakas ang love story pero nagsusulat ng nobelang happy ang ending....

Ang babaeng ngayon ay tila anghel habang nasa kanyang mga bisig at walang malay...

Ako si Lancellot Hedelfuego III.

Hindi ko masasabing malas ako ngayon kahit pa marami akong natanggap na mura mula sa mga driver. Nakalimutan pala naming nasa kalsada kami.

Who knows?

Baka may special reason si God kung bakit nagkrus ang landas namin ng babaeng manunulat na may mukha mang anghel, halimaw naman pag nagalit at nasaktan.

LOVE HEROINE: Ms. Writer - WandererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon