Chapter 10; Nakakahiya!

22 2 0
                                    

Silver's POV

Mag de-december na, ito talaga yong panakahihintay ko, sa wakas!

"Silver, pinapapunta tayo ni Ate sa Cavite ngayong Christmas break." bungad agad sakin ni Kuya galing sa school.

"Sige! sasama ako!" excited na ako! yey! makakabalik ako!
.
.
.
.
.
Nakahiga ako ngayon sa kama, nakatingin sa dingding.

Sa pagbalik ko dyan,

luko, sana walang magbago...

Natulog ako mga bandang 10:30 na, bakit? wala lang. Trip ko lang ang magpuyat. hehehe.

Excited akong gumising kinabukasan, Huling linggo nalang kasi ngayon bago magsimula ang Christmas break.
.
.
.
.
.
Nasa school na ako ngayon ng salubungin ako ng isang studyante.

"Ate Silver, pinapapunta ka ni Ma'am Leyah sa classroom."

Ate talaga? eh mas matanda pa nga sya sakin eh! Badtrip!

Agad akong pumunta sa classroom ni Nanay. Nakita ko syang nakaupo sa may teacher's table, nag tatablet.

"Nay pinatawag nyo daw po ako." umupo ako sa katapat nyang upuan.

In-off nya yong tablet at tumingin sakin.

"Sasama kaba sa amin papuntang Cavite?" tanong nya.

"Syempre!" matagal ko nang hinihintay ang araw na to eh! sasama ako wether you like it or you like it! hahahah.

"Good. Maghanda kana kasi next week na tayo aalis." tumayo ako at tumango.

Pumasok ako sa classroom namin at nakita ko si Alondra na nakaupo sa sahig habang baglalaro ng Jack's stone. Uso pa pala to? hahaha, makapaglaro nga.

"Oy, sali ako!" umupo ako sa tabi ni Alondra.

"Sige partner tayo, si Justine at Darylene naman.," sabi nya, umusog sya ng kaunti para bigyan ako ng space.
.
.
.
.
"Hoy! madaya to," sabi sakin ni Justine ng makita nyang tinago ko yong isang bato sa likuran ko.

Eh paanong hindi ako mandadaya? kanina pa sila tumitira, kami ni isa hindi pa nakakalaro. Tumatanda na kami ni Alondra sa kahihintay pero hindi pa sila nagpapatalo.

"Eh! palaruin nyo kasi kami! kanina pa kami nagaabang dito oh!"

natawa sila sa sinabi ko. Ano ba yan! kainis naman, pumuputi na mata ko dito eh! hindi lang pala ako, pati si Alondra pala. hehehehe...

"Hoy! tumayo na kayo dyan, nandito na prof natin!" sigaw nong president ng classroom. Paki ko?

"Huh? hindi pa nga kami nakakapaglaro eh! kabadtrip!" inis na tumayo si Alondra. Natawa nalang ako, humahaba kasi baba nya pag ganyan ang itsura nya. Hahahaha!

Tumingin ako sa may pinto at nakita ko si Ma'am na papasok sa classroom.

Filipino ang subject namin ngayon. Ang pinakaayaw ko sa lahat.

"Class, sinong may alam na tula sa inyo?" umupo sya sa harap.

Biglang may naalala ako sa sinabi ng prof namin.

Flashback:

"Silver, may sinabi sakin yong kaibigan ko." pumasok si Ate Rona sa kwarto ko.

Umayos ako ng upo sa kama bago ngasalita.

"Ano yon Ate Rona?"

"Nagtula daw sya sa classroom nila."
Masayang sabi nya, ano kaya yong tula nayon? curious ako.

"Ano naman ang tula nya?"

"Alam mo ba yong, Ako'y tutula, mahabang mahaba, ako'y uupo tapos na po." sabi nya sakin.

"Huh? tula ba yon?" parang hindi naman? ang ikli pa.

"Oo tula yon, sabi pa nga nya pinalakpakan daw sya ng mga kaklase nya eh!"

End of Flashback:

"Ma'am ako, may tula ako." tinaas ko yong kaliwang kamay ko.

Sigurado akong papalakpakan din ako neto. Read and learn, hahahaha!

"Ako'y tutula, mahabang mahaba, ako'y uupo, tapos na po." masayang sabi ko. Diba ang galing ko? ha! ako pa.

"Uh, uhmm." tahimik lahat nong tumingin ako sa mga kaklase ko. Si teacher naman, halata sa muka nya na hindi alam ang sasabihin.

Lahat ng mga kaklase ko, parang nagpipigil ng tawa, maski si Alondra.

"Uhmm, sa pagkakaalam ko Silver, joke yong sinabi mo at hindi tula."

BOOM! at ayun hindi na napigilan ng mga classmates ko ang pagpigil ng tawa nila, si Ma'am naman, halatang pinipigil ang tawa. Umupo ako dahil sa kahihiyan,

Langya! hindi ako makatingin sa kanila.

Nakakahiya! huhuhu...

Lupa? pwede bang kainin mo ako ngayon kahit ngayon lang, please.. nakakahiya grabe.

New Year, New Love.Where stories live. Discover now