Chapter 21; Gusto na kita

20 0 0
                                    

He's POV

"Kuya, ba't hindi mo pa nare-realize?" biglang tanong ni Tina. Tinignan ko lang sya, ano ang dapat kong marealize?

"Na gusto mo sya." nakangiting sabi nya.

Huh? sino ba?

"Hay naku, hindi mo pa talaga kayang iadmit na you have feelings for her." lumabas na sya ng kwarto ko.

Humiga nalang ako sa kama. Sino ba ang sinasabi ni Tina? sino ba ang gusto ko?

*Beep*Beep*

Kinuha ko yong phone sa side table ko  sino kaya yong nagtxt?

From: Silver
Psst! Luko. Lumabas ka nga.

Hindi ko alam pero bila nalang akong napangiti.
.
.
.
.
"Ang bigat naman neto!" langya! ang bigat!

"Bigat agad? eh isang sako pa nga lang ng bigas yong nahahakot mo eh!"

"Bakit? ilan ba dapat?"

"Tatlo!"

Takte! bakit pa kasi ako bumaba eh! yan tuloy heto ako naghahakot.

"Saan to ilalagay?" tanong ko. Pangalawang sako na tong nahahakot ko.

One more to go.

"Ah, dyan mo ilagay malapit sa lababo."

Pagkalagay ko non, nag inat muna ako. Ang sakit na ng likod ko, kaya nga hindi ako nagkargador para hindi ako magbuhat eh!

"Hoy! bilis na! heto pa isa oh!" sigaw ni Silver mula sa labas.

"Yes Ma'am!" pag ako nakaganti sayong babae ka, humanda ka sakin!

Mabilis natapos ang pagbubuhat ko nang tatlong sakong bigas. Andito kami ngayon ni Silver naka tambay sa labas ng bahay nila, gabi narin pala.

"Luko, sino si Steph?" biglang sabi nya. Sa daming pwedeng itanong, bakit yan pa? psh.

"Kaibigan ko lang sya." tinignan ko sya at tumango lang naman.

"Eh ba't sabi ni Tina, head over heels ka daw don ky Steph?"

"Well, noon yon. Hindi na ngayon, may iba na kasi akong gusto." sabay tingin sa kanya.

Pasensya na Silver kung natagalan bago ko marealize na ikaw na pala ang gusto ko at hindi sya.

Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin sayo na... Silver, gusto na kita.

"Sino? sabihin mo sakin. Dali!!" excited nyang sabi.

Sa tamang panahon malalaman mo rin.

"Wag na..."

"Ay grabeh sya oh!" nagmamaktol na sya. Bakit ba ang kulit nito? baka gusto nyang itapon ko sya? hahahaha! joke lang.
.
.
.
.
Mag bandang 10 narin nong naisipan naming umuwi sa kanya-kanyang bahay.

"Ang torpe mo." sabi ko nalang sa sarili ko habang nakatitig sa ceiling.

Tss.. makatulog na nga lang!

After 8 hours...

"Good morning sunshine!" nakangiting bati ko sa sarili ko. Ang agap kong magising ngayon, tss.. pabayaan na nga!

Naligo na ako nong nadatnan kong nanood si Tina ng favorite nyang cartoon na Paw Patrol. Favorite nyang aso si Skye.

"Ang tanda na nanonood pa ng cartoons." bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpla ng kape.

"Paki mo?" tumingin sya sandali sakin bago muling binalik ang atensyon sa tv.

"Alam mo Silver, tama ka."

Tumabi ako sa kanya sa sofa. Hindi lang umiimik pero alam kong nakikinig sya.

"Gusto ko na nga sya." naalala ko lang yong kagabe.  Aaminin ko na sana eh, pero na Torpe lang ako.

"Ows? talaga?" hindi pa sya naniniwala. Bahala nga sya.

"Kung ayaw mong maniwala, edi wag." sabay irap.

"Aaahhh! kuya! I'm happy for you!" niyuyuyog nya ako. Nakalimutan ata nyang may kape akong hawak hawak?

"Tina pag ako natapunan ng kape, sasapakin talaga kita!" tumigil naman sya pero panay parin ang tili.

"Aaaahh! kinikilig ako!!"

Tsk. Nahawa na ata to kay Silver eh! baliw na rin. Hahahaha!!

"Tara kuya sabihin muna sakanya! samahan na kita!" tumayo sya at hinila ako papalabas ng bahay.

"Huh? ano kaba? ayoko nga!" hinila ko sya pabalik sa upuan. Hindi naman ata sya masyadong excited?

" Ay? ang torpe!" umupo sya.

" Hindi ako torpe, humahanap lang ako ng tyempo." sabay kindat sa kanya at tumayo na ako kasi kailangan ko nang mag cr. Naiihi na ako eh! siguro dahil to don sa paginom ko ng kape. hahahaha!!

Kailan ba ang tamang pagkakataon para magtapat sa kanya? hmm.. makapag isip nga.

New Year, New Love.Where stories live. Discover now