Chapter 3; Ano bang paki mo? huh?

40 2 0
                                    

Silver's POV

Natulog ako ng halos kalahating araw, bakit? eh kasi gusto ko. Di joke lang, eh kasi napagod ako sa kakahanap kay Magic kahapon eh.

Habang naka higa pa ako sa kama, may narinig akong ingay mula sa may bintana.

Tok! Tok!

Mabilis akong bumangon at tinignan yong sa may bintana. Nakita ko si luko na nakangiti sakin. Binabato nya pala yong salamin ko sa bintana gamit ang maliliit na bato.

Kumuha ako ng notebook at nagsulat.

[Anong kailangan mo?] pinakita ko sa kanya.

[Bumangon kana dyan.] Ngumiti na naman sya, aba naman si luko, ngumingiti? ows?

[Ano bang paki mo? eh gusto ko pang humiga eh!] Nakakainis tong ugok na to eh! nakakabadtrip!

Hindi na sya sumagot. Tumawa nalang sya at kumindat sakin.

Sa sobrang inis ko, bumalik nalang ako sa pagkakahiga. Kagigising ko palang badtrip na agad.

Pinikit ko ulit yong mata ko.

I'll be..
You're crying shoulders,
I'll be..

Agad kong hinanap yong cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown number?

[Hello? sino po to?] ang galang ko noh? hahaha, ganun talaga pag hindi ko kilala kung sino ang tumatawag.

[Si Silver ba to? ang galang naman ata?] huh? ugok na to! sya lang naman pala gumamit pa ako ng po.

[Ulol!!] sabay baba ng cellphone. Bwesit!

"Silver! bumangon kana dyan at kakain na tayo!" sigaw ni Mami mula sa baba.

At dahil usapang pagkain, bumaba agad ako, gutom na ako eh!

"Hoy! hoy! Silver, mag dahan-dahan ka nga ang dami mo nang kinakain eh!" pinalo ni kuya ang kamay ko, nung tinangka kong kumuha pa ng isang fried chicken.

"Anong *munch* madami *munch* ?"
sabi ko habang puno yong bibig ko.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos na pagkatapos kong kumain, lumabas muna ako ng bahay kasama si Magic.

"Arff! Arff!" tumakbo si Magic papalapit sa isang aso, shitzu din sya.

"Magic!" hinabol ko yong aso ko

"Lily!" may narinig akong sumigaw

"Aray!" pareho kaming napahawak sa noo namin. Nagka banggaan kasi kami habang pareho naming hinahabol ang mga aso namin.

"Ikaw na naman?" tinuro ko sya.

"Hi!" sabay kindat.

Bwesit! agad kong kinuha yong aso ko at naglakad palayo.

"Hoy! sandali! saan ka pupunta?" naramdaman kong sumusunod sya sakin, kaya huminto ako at hinarap sya.

"Ano bang paki mo?" tinaas ko yong isa kong kilay.

"Wala," nag grin lang sya habang nakatingin sakin.

"Che!" tinarayan ko sya. "Ewan ko sayo!" tinalikuran ko na sya.
.
.
.
.
Bumalik kami ni Magic sa bahay para kumain. Bakit ba? gutom na kami eh!

Habang may hawak hawak akong sandwich, lumbas ako para magpahangin.

"Palagi ka nalang kumakain." lumingon ako sa likuran. Nandon si luko.

"Hehehe, gutom na ako eh." lumapit sya.

"Kaya pala." tumango tango sya habang nakatingin sakin.

"Anong kaya pala?" sabi ko sabay kagat sa sandwich.

"Kaya pala ang taba mo." Aba naman!

"Ay grabeh sya oh." tumawa naman sya.

"Pero ok lang," biglang nag bago ang mood nya.

"Meron ka ba ngayon? ba't ang moody mo?" tukso ko sa kanya.

"Huh? wala ah!" nag pink ang cheeks nya. "You're crazy." tumatawang sabi nya.

"Wow naman, nahiya ako sayo at hindi ka baliw." turn ko naman ngayon para tumawa.

"Ok were crazy! hahahahaha!!" humagalpak kami sa tawa. Baliw nga sya,  hahahaha!

"Aper! hahaha--" tumigil ako sa tawa nong inalok ko sya ng aper. Anong ginagawa mo Silver?

Imbes na tanggapin yong alok kong aper,tinignan nya lang ako. Awkward, huhuhu...

Bakit hindi nya tinatanggap? tanggapin mo na putcha! mapapahiya ako neto eh!

"Anong aper?" tanong nya.

Mag-isip ka Silver! anong magandang palusot?

"Huh? ah, Ang sabi ko, aper kami ni lily. Oo tama aper kami, hehehe."

Nilapag ko yong palad ko sa noo ni lily. Muntikan na yon ah! wew! Pinagpawisan tuloy ako.

"Sige, uwi na kami." Binuhat ko si Magic, tumalikod na kami para sana umuwi na pero,

"Uhmm, wait!" Pigil ng luko. Huminto naman ako at hinarap sya.

"B-bye." nahiya pa ang luko.

Ngumiti ako bago sumagot. "Bye."

Naglakad na kami papuntang bahay ni Magic.

New Year, New Love.Where stories live. Discover now