Chapter 17; Pinsan ko lang sya, ano ba?

29 1 0
                                    

Silver's POV

Malapit na yong Basketball tournament dito sa subdivision. At excited na ako para don. Mag ka grupo si Dwight at Luko, Si Steph ata yong muse nila eh. Pero hindi pa ako sure, sana nga ako nalang eh! di hamak na mas maganda naman ako don. Joke! hahaha!!

Ang feeling mo din eh noh? sabi ng boses sa ulo ko. Hindi naman ako feeling, proud lang ako.

"Ay jus ko lord!" nahinto yong pagde-daydreaming ko nong may bumato sakin ng papel.

"Masyadong malalim yong iniisip mo." nakita ko sya na nakangisi sa tapat ng pinto nila. Ugok na 'to, wala atang magawa sa buhay nya at ako ang pinagdidiskitahan ngayon.

"Alam mo ikaw," tumayo ako at tinuro sya.

"Ako?"

"Ay hindi hindi, sya. Ulol karin noh? sino pa bang ibang tao dito?" nakakabadtrip ng umaga tong lalaking to!

"Malay ko ba kung may nakikita kang hindi ko nakikita." ayan na naman yong smirk nyang yan.

"Tumigil ka nga sa pag smirk mo. Hindi bagay sayo!" bumalik ako sa pagkaka-upo ko sa sahig.

"Smirk? diba yon yong tawag sa maliliit na tao na kulay blue?" ha? sino?

The smurf, tanga! grabeh naman kong makatanga, bakit ikaw matalino ka ba huh? gusto mo suntukan tayo? ano laban ka?!

"Yuck, waley! hahaha!!" sabay hagalpak sa tawa. Marunong palang mag joke tong gagong to? hahaha!!

"Tumayo ka dyan, madumi dyan." seryoso nyang sabi, bakit ba biglang nag-iiba ang mood nito? moody!!

"Ayoko nga, tinatamad ako eh!" inirapan ko lang sya. Bahala sya dyan.

"Pag hindi ka tumayo dyan, isusumbong kita sa boyfriend mo, sige ka!" tumingin lang ako sa kanya. Naniniwala talaga syang may boyfriend ako?

"Pinsan ko lang sya, ano ba?!" natatawang sabi ko. Bigla namang nagbago ang expression ng mukha nya.

"Wait, what? p-pinsan mo l-lang sya?" nagtatakang sabi nya. Tumango lang ako bilang sagot.

He's POV

Putcha! pinsan lang pala tapos kong maka bakod kay Silver daig pa ang tatay. Tss.

Bigalng gumaan yong pakiramdam ko nong sinabi nyang pinsan nya lang.

Coz it's you and me...
And all of the people,
And I don't know why,
I can't take my eyes off you..

__________________

A/N:

sorry kung mali mali yong lyrics, pakiintindi nalang po. TY!

___________________

Kinuha ko yong cellphone ko mula sa bulsa ng pants ko.

Hindi na ako nag abalang tignan kong sino yong tumatawag.

[Hi Babe. Can I see you tonight?] sa boses palang alam ko nang si Steph to.

[No. I'm busy.] tinignan ko si Silver na busy sa ginagawa nya.

[But Babe!-] I curt her off.

[Pwede bang itigil mo na yong pagtawag mo sakin ng Babe? hindi maganda pakinggan.] tumawa lang sya sa kabilang linya.

[Bakit? ang ganda kaya. Babe.] sa inis ko, pinatayan ko sya ng cellphone.
.
.
.
.
.
Nagpaalam mo na ako kay Silver at pumunta sa loob ng bahay.

Bukas na pala yong tournament, at ready na ako. Si Silver sana ang kukunin kong Muse kaso si Mama sinabi nya na daw kay Steph na sya yong muse, kaya ayun. Wala na akong nagawa.

"Bwesit! nakakabadtrip! ugh!" sigaw ng sigaw si Tina pagkapasok palang ng bahay. Ano kayang nangyari dito sa dugong na'to?

New Year, New Love.Where stories live. Discover now