Chapter 27: Iwasan (Part 2)

19 0 0
                                    

Silver's POV

Papalabas ako ngayon sa subdivision para bumili ng isang case ng softdrinks.

"24!" lumingon ako sa likod ko, at nandon sya papalapit sa kaibigan nya.

Binalik ko nalang yong tingin ko sa dinadaanan ko.

"Akala ko naman ako." bulong ko. May 24 din kasing nakasulat sa damit ko sa likod. Kaya akala ko ako yong tinawag nya. Hindi ko nalang sya ulit pinansin at naglakad na papalabas.

Pagbalik ko sa bahay ay tumambay muna ako sa terrace. Naglatag ako ng kumot at humiga para matulog.

He's POV

Paglabas ko sa terrace nakita ko agad si Silver na nakahiga habang natutulog sa terrace nila. Kinuha ko yong phone ko at pinicturan ko sya.

"Pang wallpaper na to."

Tumambay muna ako doon ng ilang minuto bago umalis. Baka makita nya pa ako na binabantayan ko sya, baka mas lalo syang mailang sakin.

"Hoy!" Lumingon ako sa kanya.

"I delete mo iyon!"

"Huh? anong idedelete ko?"

"Yong picture! idelete mo iyon!"

"Ayoko nga, tsaka akala ko ba natutulog ka?"

"Bakit hindi ba pwedeng nagtutulogtulogan lang?"

"A.Y.O.K.O."

"Buiset kang loko ka!! walang hiya ka!!" 

Silver's POV

Nakakainis naman! Ang sarap nyang sapakin eh! kung malapit lang sya sakin baka nabatukan ko na sya!

"Kakain na nga lang ako!" pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain.

Dumating si kuya sa kusina at parang nakakita sya ng multo pagkakita nya sakin.

"Silver! wala kabang alam gawin kundi ang kumain? mag diet ka oy! puro ka kain eh!" inagaw nya sakin 'yong cake na kinakain ko.

"Waaahh! Nanay si kuya inagaw 'yong pagkain ko!" kasi naman eh! akin na 'yon eh!

Umalis nalang ako don sa kusina at umakyat ulit para isumbong si Kuya. Lagot ka kay Nanay ngayon! inagaw mo pagkain ko.

"Jerson! bakit mo naman inagawan ng pagkain ang kapatid mo?"

Nakapameywang ako habang nasa likod ni Nanay. Ha! ano ka ngayon? that's what you get for stealing my food!

"Nanay, kaya lumalapad 'yan lalo eh! pinapabayaan nyo sa kusina!" psh! palagi nalang nila akong nilalait. Hindi ba nila ako mahal? siguro nga, hindi. Chos lang! haha.. hindi ako mahilig magdrama noh! kaya wag nyong seryosohin. Joke lang 'yon.

"At ikaw taba! sumama ka sakin bukas mag gym. Dapat kang magpapayat para mapansin ka naman nang kapit-bahay natin!" literal na nanlaki 'yong mata ko, bakit naman nya nasabi 'yon?

"Huh? anong sinasabi mo?"

"Wala! basta bukas sumama ka sakin bukas. Ako bahala sayo."

Lumabas muna ako ng bahay para makapaglibang. Nakita ko si Tina na nakaupo sa bench sa tapat ng bahay nya.

"Hi Ate Silver! tara samahan mo ako dito."

Nagkwentuhan lang kami ni Tina tungkol sa mga bagay bagay. Naikwento din nya ang mga nangyari sakanya at kay Dwight. Ano kayang meron sa kanilang dalawa?

"Tina! tawag ka ni Mom." napaangat ako ng ulo ko at nakita ko si Loko sa harap ko, wala akong magawa kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Naramdaman ko namang umupo sya sa kaninang pwesto ni Tina.


"Galit ka ba sakin? sorry sa sinabi kong 'yon. Kung nagagalit ka dahil don.. patawad, sinabi ko lang ang totoo." I heard him sigh. Anong totoo ang sinasabi nya? na gusto nya akong maging girlfriend?? pero.. hindi naman ako galit dahil don e. Hindi ako galit! naiilang lang ako.


"Hindi ako galit." Hindi ko parin sya tinitignan.


"Kung ganun.. bakit ka umiiwas? kung hindi ka galit.. bakit hindi mo ako kinakausap this past few days?" Alam kong nakatingin sya sakin kaya naman sa paa ko nalang ako tumingin.

"Ewan ko. Siguro kasi baka nabigla ako don sa mga sinabi mo sakin." I heard him sigh again.

"Ano naman ang ikinabigla mo don? wala kang dapat na ikagulat dahil hindi naman kagulatgulat ang katotohanang gusto kitang maging girlfriend ko." Ewan ko kung bakit pero.. napangiti ako sa sinabi nya. I bit my lip to avoid my smile gets more wider. Baka makahalata. Pigil pigil muna.


"Kahit na. Nabigla parin ako. Tsaka naiilang rin kasi ako. Hindi ko na kasi alam kung paano pa makipag-usap sayo simula nong gabing sinabi mo 'yon." I pouted my lips.


"Na ano??" Halata sa boses nyang tinutukso nya ako. Gusto nyang sabihin ko ang mga sinabi nya. Kaya hindi ko sya sinagot!

"Na ano nga Silver? anong sinabi ko sayo nong isang araw? pakiulit naman, hindi ko na kasi matandaan."

O_O ano sya may amnesia? at ako pa talaga pasasabihin nya? A.Y.O.K.O

"Hey.. Silver still with me? sabihin mo na kasi, ano bang sinabi ko sayo?" I know he's just teasing me but hell! I congratulate him! he's doing it! I'm teased already!

"Come on Silver.. tell me--"

"Na kung pwede mo akong maging girlfriend! langya naman oh!" He laughed out loud. Hindi ako makatingin dahil nahihiya ako.

"Pwede ba??" biglang sumeryoso ang tono ng boses nya. Mas lalo akong nahiya!

"A-anong pwede ba sinasabi mo dyan? tigilan mo na nga ako." nagkunwari akong tumawa pero sya seryoso lang na nakatingin sakin.

"And now your making fun with my feelings. Katawatawa ba ang kagustuhan kong maging boyfriend mo? 'yon ba ang dating sayo ng pag-amin ko? katawatawa? sana pala hindi ko nalang sinabi ang mga 'yon. Tatawanan mo lang pala ako." natigil naman ako bigla. O-okay..

"Hey.. sorry, hindi naman sa ganun--"

"Pero ganun 'yong dating sakin."


Napayuko ako. "Sorry."

"Hindi. Wag kang magsorry. Hindi mo naman kasalanan na nakakatawa pala ang pag-amin ko. Wag kang magsorry natawa kalang. Wala ng iba." may sumibol na pekeng ngiti mula sa kanyang bibig.

Naguguilty tuloy ako. Bakit mo naman kasi tinawanan Silver?


Tumayo sya. Nakaharap sya sa bahay nila at nakatalikod sya sakin. "Wag kang mag-alala, simula ngayon, hindi ko na sasabihin sayo ang nararamdaman ko. Para naman wala ka nang pagtawanan. Kung alam ko lang.. sana hindi ko nalang ginawa. Nakakahiya.. nagmukha pa akong clown sa harap mo." saka sya naglakad palayo sakin.



Now what Silver?? ano ng gagawin mo ngayon??




I shook my head. Hindi ko alam.

New Year, New Love.Where stories live. Discover now