************
~CHAPTER 4~ (The Thugs)
Hello! muling nagbabalik! Hahaha Okay, ano ba ngayon? November 7! Sabado! MAY PASOK. -________- Pisti.
Pero dahil uwian na ngayon... its time to party! hahaha.
Ako lang mag-isa uuwi. Naglalakad lang ako eh. Ung kasabay ko kasi lagi na si ZINC! eh magdodota daw!
Oo, magkasabay na kami lagi. Siya nagrequest nun eh. -/////-
Ang nakakainis lang ngayon! Mas inuna niya pa yung Dota kaysa sa akin! Pano pag naaksidente ako? Pano kung anong mangyari sa akin?
Sino na lang magproprotekta sa akin? Madalas pa naman akong nahaharang at napagtritripan ngayon ng mga schoolmates kong Goons. Ngayon lang ah. Mga last week lang nagsimula. Nakakatakot. Kung hindi dahil kay ZINC, malamang patay na ako ngayon.
Oo, mga nakakapatay ng tao ung mga Goons sa school namin. Sila ung tipo ng mga estudyante na hinding hindi mo dapat banggain.
Hindi ko nga alam kung anong naging atraso ko sa kanila eh.
Buti na lang nandyan si Zinc. Malaki ang utang na loob ko sa kanya sa totoo lang. Twing napapahamak ako, siya lagi tagapagligtas ko. Kawawa nga siya eh. Laging bugbog. Ang dami niya ba namang kalaban eh.
Pero at least, napapatakbo niya sila. Nakakaguilty nga eh. Parang nadamay pa siya sa kung anumang nagawa ko.
Pag ginagamot ko ung mga sugat niya, habang tinitignan ko siya, parang naiiyak ako. Masakit sa puso. Parang nararamdaman ko kung gano kasakit at nakakapanghina ung mga pasa at mga bugbog at mga suntok na nasalo niya.
Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao, ayaw mo siyang makitang nasasaktan, kasi masakit rin sayo.
Huh? Ano daw sabi ko? O__________O Gulp
Erase erase erase. Ano bang pinagsasabi ko?
Aaargh! Siguro... siguro... aah NAAAWA lang ako! Oo tama! Epekto lang to ng sobrang guilty at awa.
Hindi ko siya... hindi ko siya.... aaargh! I can't even say the word!
Basta kaibigan ko lang siya at savior ko lang siya. No more. No less. Hanggang dun lang. Kung ano man tong nararamdaman ko, awa lang to.
Simapal, sampal ko pa ang sarili para mahimasmasan.
*slap*
"Naaawa ka lang"
*slap*
"Naaawa ka lang"
Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Maya maya...
Nakaramdam na naman ako ng sumusunod sa akin.. O_____O
Di pwede! Wala dito si Zinc!
*panic*
*panic*
Unti-unti kong binilisan ang paglalakad. Mas nilakihan ko ang bawat steps ng paa ko.
Hindi rin nagtagal, naramdaman kong binilisan din nila ang paglalakad.
This time, agad-agad na akong tumakbo ng mabilis. Wala ng paliguy ligoy pa.
Kailangan kumilos na ako agad. Walang magtatanggol sa akin ngayon kaya kailagan kong proteksyunan ang sarili ko.
Naririnig kong tumatakbo na rin sila
Habang tumatakbo, sumisigaw ako, humihingi ng tulong...
"Tulong! Tulong! Please tulungan niyo ako!"