************
~CHAPTER 8~ (After 3 years)
Wooosaaah! Haggard! Hassle kung hassle!
*stretch* *strech*
Thank you Lord! At sa wakas! Tapos na rin lahat ng trabaho sa ngayon.. Wuuuu! Hirap maging President!
Nandito nga pala ako sa *******College, nagpapakamatay sa daming trabaho.
Congratulations! College na! 3 taon ba naman ang nakalipas eh..
Kamusta kayo? Ako? Okay lang. Nag-improve kahit papano. Huwag kayo, President na ako ng Council sa Campus. Hahaha
Dahil tapos na lahat ng trabaho ko, uuwi na ako. Kinuha ko na yung bag ko at yung picture frame na lagi kong bitbit.
Bago umalis, tinignan ko pa isang beses ung picture. Hinalikan ko ito isang beses at saka ako umalis.
Alam niyo ba kung sino yung nasa picture?
Gusto niyo malaman?
Si Zinc....
Si Zinc yung nasa picture....
Yung lalaking laging nang-aasar sa akin 3 years ago, yung lalaking lagi akong binabanatan ng "HINDI IKAW KAUSAP KO SI MAM" line, 3 years ago, yung lalaking unang nagpakilig sa akin 3 years ago, at higit sa lahat, yung lalaking unang nanakit at nang-iwan sa akin 3 years ago.
Alam niyo bang sa loob ng 3 years na yan, may nalaman ako?
Oo, nalaman kong MAHAL ko na pala siya.
Siya na laging bwiset pero nandyan kapag kailangan ko, siya na ang hangin hangin pero gusto lang mapansin, siya na madalas kong laitin pero hindi nagagalit, at SIYA na tinuring kong peste sa buhay ko, pero nakapagpabago ng buong pagkatao ko.
Nalaman kong mahal ko siya nang mga panahon na iniwan niya ako. Lecheng pag-ibig ito! Ngayon lang nagpakilala kung kelan wala na.
Yung tipong araw araw hinihintay ko pa rin siya kahit alam kong wala na, yung tipong tinatadtad ko ng messages yung inbox niya, yung tipong gusto ko ulit marinig yung paborito niyang line, yung tipong namimiss ko lahat ng tungkol sa kanya, at yung tipong sa lahat na lang ng bagay, mukha niya yung nakikita ko.
Nakakadepress, ilang beses akong nagpabalik balik sa bahay nila, nagbabakasakali na baka bumalik siya, pero wala eh.
Hanggang sa yun.... tinigil ko na. Nagmumukha na akong tanga eh.
tsk tsk tsk. Kaya ayokong pag-usapan siya eh, tignan niyo, magdradrama na naman ako niyan.
(Song: One last song)
*flashback*
"I LOVE YOU"
Ang lakas ng pagkakasabi niya, ung tipong buong room dinig ung boses niya, kaya sumagot ako agad , kahit hindi pa nagsisink-in ung sinabi niya sa utak ko, baka mapahiya diba? sabihin nababaliw na siya, wala siyang kausap. XD
"Oh? sige ok-"
Biglang naputol ung sinasabi ko ng sa wakas ay lamunin na ng utak ko ang sinabi niya..
I love you...
I love you...
I love you...
I love you...?
I LOVE YOU??!!!! O_____________________________O
Tama ba? Di ba ko nagkamali ng dinig?! Sabihin niyo?! Sinabi niya ba talag.. OMG! Anong gagawin ko?! Ano bang sasabihin ko?! Ano?! ANO?!! AN-
Teka nga! Teka! Florine! Ano bang pinagsasabi mo?! Bat parang ang saya mo pa?!! Argh! Wag kang maniwala sa kanya! Alam mo naman na isa siyang.....
Pero hindi eh! Dapat... dapat... dapat sigaraduhin ko... mabuting ng magtanong.
Kaso..... WAAAAAAH! Pano na ako magtatanong nito.... Biglang tumahimik.... tapos....tapos....
Waaaah T_________T lahat na ng mata nakatutok sa akin.
This awkward moment. Y__Y
....
"Ayyyiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeee!"
Yan na nga ba sinasabi ko! yan tayo eh! Wala kailangan na talagang magtanong... Y__Y
"A-anong s-sinabi mo? M-Mahal mo k-ko?"
Mautal-utal kong tanong. Eh ano ba? Pano kung hindi? Pano kung.....
"PFFFT! BWAHAHAHA! ANO....
...HINDI IKAW KAUSAP KO! SI MAM! HAHAHAHA DI BA MAM?! I LAB YOU! HAHAHa"
-_________________________- Biglang bagsak ng mukha ko sa sinabi niya. Parang biglang nawala lahat ng kaba ko kanina, napalitan yata ng inis? GRRR.. Sabi ko na eh. Bwiset talaga.
*End Of Flashback*
Ano ba yan, lumabas lang ako ng campus, nakwento ko na buong buhay ko. Haha. Sigh.
Sa totoo lang namimiss ko na talaga yung mokong na yun. Nasan na kaya un? Sana naman pag bumalik siya dito, siya pa rin yung dati. May girlfriend na kaya siya sa California?
Sana wala... Kung magkaganon man.... siguradong aray yun.
Hehe natatawa talaga ako sa sarili ko, laging hindi ko namamalayan na tumutulo na pala yung luha ko haha. 3 years din yun noh, nahirapan din ako.
Hinanap ko yung tissue ko nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Huh?
"Mam! Mam! Ms. President! May gusto pong kumausap sa inyo."
Sabi ng isang batang lalaking mukang freshman sa palagay ko.
Pinapatawag na naman ako. Ang saya lang. Pauwi na ako eh! Andun na eh!
"Haaaay! Saan daw?"
Kainis! Papansin naman yung damuhong yun!
"Sa office daw po"
"Haru jusko!"
Napasapo na lang ako sa noo ko. Babalik na naman ako dun. KAPAGOD HA!! KAYO KAYA MAGLAKAD!
Bumalik ako sa office kasama yung freshman. Nakakinis. Wala naman akong magagawa, President ako eh.
And napansin niyo bang Mam ang tawag nila sa akin? Hehe ganun talaga. Sosyal ako eh. Charotera!
Pagapang akong lumakad papunta sa office.. ?? Charot! Hahaha OA ko.
Pagkabukas ko ng pinto.....
O________O
**************