**********
~CHAPTER 6~ (BITTER!)
(PS. Maikli lang po itong Chapter 6. Parang Special Chapter lang.)
Next day sa school...
Isang eksena sa tapat ng room ang aking nasaksihan.
"Eeeeh, wag ka nga, nakikiliti ako eh. Hahaha"
Nakita ko lang naman ang classmate kong si Gail na sweety sweety chums sa kanyang famous boyfriend sa school. Talk about PDA.
At dahil umagang umaga pa lang eh nag-iinit na ang ulo ko sa di ko malamang dahilan. Patay tong dalawang to.
"I love you Xian..@3@"
"I love you too."
May pout pang nakakaloka kaya nagsalita na ako.
"According to rules and regulations of the school, ang PDA o Public Display Of Affection ay mahigpit na ipinagbabawal sa ating paaralan. Ang mahuhuling lumabag sa batas ng paaralan ay mapapatawan ng parusa."
Sinabi ko lang naman ang golden rule dito sa paaralan. Ewan ko ba kung bakit. Dati rati naman wala akong pakialam sa dalawang yan. Bahala sila. Care ko ba?
Pero ngayon, naiimbyerna ako ng hindi malaman laman kung bakit.
After kong sabihin yun, umalis na agad ako sa harap nila at saka walang pakialam na pumasok sa loob ng room. I don't feel well today.
Bago ako tuluyang makaalis, narinig ko pang nagpaalam na yung dalawa sa isat-isa. Saka nagsalita si Gail.
"Anong problema nun?"
Pagtataka niya.
"Ewan ko dun bebe. Parang bitter. Mala-ampalaya lang ang peg."
Narinig kong sagot ng kaklase kong malaki ang pisngi. Si Angel.
Bitter? Sinong bitter? Hmph!
"Bitter? Si Florine? Bakit may lovelife ba yun? Eh alam ko, tie kami niyang zero ang love life eh"
Sabat naman ni Chrissy. Tama yan, pagchismisan niyo ako.
"Zero? Ikaw lang yun! Dahil si Florine, ay may Zinc na."
Ngumiti pa ng nakakaloko tong si Angel. Kala nila di ko sila naririnig, eh nasa likod lang nila ako nakaupo. -___________-
At sino daw sabi niya? Si Zinc? Arrrgh! Yung lalaking yun! Yan na naman! Nabibwiset na naman ako! Nadedepress ako sa kanya! Nasan ba siya? Ilang araw na siyang wala. Hindi mahagilap! Sino bang matinong bestfriend ang hindi man lang nagtetext sa bestfriend niya? Malay ko ba kung ano ng nangyayari dun? Wala man lang akong kaalam-alam! Nakakainis!
"Talaga?! Sila na ba? OMG bakit di ko alam?!"
Sabay na sabi ni Chrissy at Gail. Hindi na ako nagsalita. Wala ako sa mood.
Bahala sila dyan. Isipin nila ang gusto nila isipin.
"Ewan ko, parang, hahahha kaya nga siguro bad trip yan, kasi ang tagal ng hindi nagpapakita ni Zinc."
Sira-ulo talaga tong si Angel. Kung anu-anong pinagsasabi.
"Baka nga, kaya yan BITTER kasi wala dito yung love of her life niya hahha"
"Oo tama tama hahaha"
Umub-ob na lang ako sa arm chair ko. Bwesit talaga yung lalaking yun.
Maya maya di ko alam kung bakit, pero, nagkakaroon ako ng urge na sulyap sulyapan yung upuan ni Zinc na hanggang ngayon eh bakante pa rin. Tapos titingin ako sa oras.
Tingin ko nga, parang.... ewan, nalulungkot ako. Feeling ko hinihintay ko siyang umattend ng class. Parang gusto ko siyang makita, gusto kong marinig yung "HINDI IKAW KAUSAP KO, SI MAM" line niya.
Ahhhh siguro nasanay lang ako. Tama tama.
Maya maya, narinig ko na lang na biglang sumigaw tong si Angel.
"CLASSMATES! MAY BITTER!"
Narinig kong sigaw ni Angel. Ano na namang pinagsasabi neto?
"SINO?!"
Sabay sabay na tanong ng mga classmates ko.
After nun, inangat ko ung ulo ko mula sa pagkakaub-ob.
And there, nagulat ako ng lahat ng mata ay nakatutok sa akin.
"What?!"
Naiinis kong tanong, ang awkward kasi.
"Ahhh bitter nga."
"Oo, Kawawa naman."
"Wag kang mag-alala, tetext ko si Zinc para sa yo"
Seriously?
"Ano bang pinagsasabe niyo? Hindi ako bitter."
Bitter.. bitter.. sapakin ko sila eh.
"ahh kaya pala kanina ka pa nakatitig diyan sa upuan ni Zinc. Baka matunaw yan ha, mahirap na."
Sabi ni Kath.
"Hahaha oo nga, di pala bitter? Eh anong drama yan? Taray tarayan? Mag-aaudition lang girl? Wag kang mag-alala, pasok ka na."
Sabi naman ni Roxy
Loko tong mga to ah! Pagkaisahan daw ba ako?
"Hindi nga sabe ako bitter! Wala akong pakealam dun sa lecheng Zinc na yun! Wag siyang magpakita kung ayaw niya! Hindi ako affected!"
Leche talaga yun. Mahigit dalawang linggo na siyang hindi nagpaparamdam. Ni ha ni ho, nganga. Magtetext na lang, tinamad pa siguro. Psh.
"WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHHH????!"
Nice. -_________-
***************