~Chapter 7~ (Transfered Out </3)

27 0 0
                                    

***********

~CHAPTER 7~ (Transfered Out </3)

(Filipino time.)

"So klase, aminin ma't ,sa hindi, sino ba namang makakatiis makatabi ng isang pulubi diba? "

Tanong ni Mam, tungkol dun sa kwentong uhhh ano nga ba yun? Pasensya di ako nakikinig.

"Walaaaaaa poooo."

Sagot ng mga kaklase ko. Naputol ang discussion nang biglang may nagtaas ng kamay. Si ICARUS.

"Mam alam ko po kung sino."

Sabi niya, nagtaka naman ang lahat. kaya nagtanong sila.

"Sino?"

Agad na sinagot ni ICARUS ang tanong ng klase..

"Mam, si Joan po."

Tas saka siya tumawa. Baliw.

Dahil siya lang ang tumawa, nagtinginan kaming lahat kay Joan, kung bakit ba naman nasabing si Joan yung makakatagal makatabi ang isang pulubi...

Maya maya.....

"Hahahaha Nice Icarus!

Hahaha Ang sama niyo

Grabe kayo! Hahaha"

Nagsitawanan ang lahat... Aaaah siguro nagets na nila yung joke.

Gusto niyo malaman kung bakit?

Kasi, katabi lang naman ni Joan si Ken, alyas, kilala bilang LES-GA, sa upuan. Kaya nasabi nilang si Joan un. So pinapalabas nilang pulubi si Ken. Ang sama nila noh? Ganon talaga diskriminasyon dito.

"Ayan po Mam oh! Patunay! Ang tagal na nga pong katabi ni Joan si Ken eh Hahaha Buti nakakatagal ka Joan!"

*Kriiiiiiiiiiiing*

Natigil ang kasiyahan nila nang tumunog ang bell. Time na ofcourse, last subject na.

Lumabas si Mam. Filipino at saka pumasok si Mam. AP.

Good afternoon, good afternoon blah blah blah. Hindi na ako nakikinig nang kalabitin ako ng kaklase kong nagngangalang si Louise at sinabing may announcement daw si Mam.

"So class, gusto ko lang sabihin sa inyo na may nagtransfer out na sa section niyo."

Transfer? Eh graduating na ah? Ang bobo naman non.

Dahil sa announcement ni Mam, marami ang nagulat, kaya agad silang nagtanong kung sino.

Obviously, wala akong pakialam sa kung sino man yun, unless siya si.......

"Si Mr. Zinc Argon."

Si Zinc argon....

Si Zinc Argon....

Si Zinc Argon.....

Paulit-ulit na nagecho yung pangalan niya sa utak ko. Automatic na napatayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Para akong nabato.

Unang lumabas sa bibig ko?

"Weh?"

Hindi ako naniniwala, last week lang, hindi, last last week lang, andito siya. Nakikinig, binabanatan ako ng "HINDI IKAW KAUSAP KO, SI MAM" line niya, tapos ngayon, sasabihin niyo sa akin na umalis na siya? Hindi. Imposible. Imposible.

"Please sit down Ms. Elemente."

Napaupo ako bigla, parang bigla akong nanghina. Kaya ba... kaya ba ilang araw na siyang wala? Kaya ba ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam? Kaya ba.... pakiramdam ko kinalimutan niya na ako?

Biglang tumahimik ang lahat..

"Hindi... Hindi pwede yun.. Hah! Hindi totoo yun. Baka... Baka.... Baka tinatamad lang yun pumasok. O kaya... baka may sakit... Hindi niyo pwedeng sabihin yan. Hindi siya aalis nang hindi ko alam."

Yung dalawang linggo na yun, wala akong nareceive na text, ni balita sa kanya wala. Tapos ngayon, malaman, laman ko na lang na wala na siya?

"Ms. Elemente, Everyone, Im sorry to say na last last week pa siya nagmigrate to California. I tried to stop them kasi sayang, graduating na, and supposed to be gragraduate siyang valedictorian, kaya lang Mrs. Argon really wants him to transfer. I think sa isang Catholic School sa California, just to straighten up his attitude daw."

Mrs. Argon?

Maya-maya bigla na lang nagflash sa isip ko ung time na narinig ko ung conversation ng principal at ng kung sino man sa loob ng office...

That time...

*flashback*

Lakas lakad lakad

Lakad lakad lakad

Haaay, naalala ko na naman ung kanina, aaargh nakakahiya talaga. As in mukha akong tanga!

Kasalanan ito ni Zinc eh! Grrr Bweset talaga.

Sa sobrang pag-iisip ko, di ko namalayan, madadaanan ko na pala ang office. Well, ganon talaga kalayo ang CR dito.

Pagdaan ko sa office....

Nakita kong bahagyang bukas ang pinto at maririnig na may nagtatalo sa loob. May kaaway ang principal? XD

"Mam, I really want to say sorry for the behavior of my son, that's why ililipat ko na siya ng school! I don't care kung ano pang rank niya dito. Im after his attitude not some idle things like getting medal or something."

Sabi ng kung sino man yun. Hahaha Galet na galet?

"I was just saying na sayang yung mga naachieve na ng anak mo dito, yung attitude, magagawan pa yan ng paraan, just think about it......

.....MRS. ARGON"

*End of flashback*

Oh my God.... I should have known... Bakit? Bakit hindi ko naisip na they were talking about Zinc?.. Im so stupid...

.....Hindi ko alam kung ano bang emosyon dapat ang maramdaman ko...... Samantalang ang iba, nalulungkot.

Maya maya bigla na lang akong kinakalabit ni Louise, katabi ko...

"pssst.. Florine... Ano.... Basa na yung notebook mo..."

Sabi ni Louise. Tinignan ko agad ang notebook ko at nakitang basa nga ito...

Umiiyak pala ako ng hindi ko alam.. haha parang bigla akong nawalan ng pakiramdam ahh...

Pero.....

Isa lang ang alam kong nararamdaman ko ngayon... Bukod sa naninikip ang dibdib ko.....

Nasasaktan ako... </3

************

&quot;Hindi Ikaw Kausap Ko, Si Mam&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon