Chapter 5- Oh what a day...

86 2 3
                                    


Amber's POV

Ang sarap ng tulog ko. Nakangiti akong gumising. Naligo ako at nagbihis. Simple Floral dress and sneakers lang naman. Tas cinurl ko lang buhok ko.

Bumaba ako para magbreakfast. Ang sarap ng pagkain ko!! Bacon and Eggs with a fluffy pancake.

"Madam Amber gusto niyo pa po ba kumain? Magluluto pa po ako." Sabi ni Yaya Kulit.

"No need yaya. Bibisita rin ako kay dad kaya pupunta na lang ako ng coffee shop. See yah!" Sabi ko saka umalis.

Nga pala. Weekends ngayon kaya makakapag shopping ako. Syempre dahil may company si dad meron pa siyang ibang establishments. Meron ding ibang buildings. May mall kami coffee shop hospital and restaurant.

Nagpunta muna ako sa hospital. Binisita ko si dad. Gising na pala siya.

"Good Morning Dad!! I missed you so much!!" Pagkasabi ko nun ay yinakap ko siya ng mahigpit.

"I missed you too baby girl ko." Bumusangot naman ang mukha ko.

"Dad!! Big girl na ako!! Mamaya dad babalikan kita okay? Punta lang ako ng coffee shop breakfast lang ako. Bye Dad! I Love You." Nakangiti kong sabi.

Lumabas na ako pero hindi nila alam nasa pintuan lang ako. Pinakinggan ko sila. At tumagos sa puso ko ang mga sinabe nila. Dahilan para maluha ako.

"Ngayon ko na lang uli narinig mag i love you ang anak natin. Ang sarap sa pakiramdam. Miss na miss ko na talaga siya." Sabi ni dad.

"Buti ka pa sinabihan niya ako hindi. Hmp!" Nagtatampong sabi ni mom.

"Hahahaha kahit kelan talaga hindi ka magbabago kristine. Namana yata ng anak natin pagka brat mo." Natatawang sabi ni dad.

Napangiti naman ako. Ganun pala ang pakiramdam kapag nagmamahal ka. I know parents ko sila but matagal na kasi ako ulila sa pagmamahal nila. Im so happy that they're back.

"I Love You Both!" Sigaw ko sa pinto saka umalis.

Nagulat naman ako ng may sinugod na bata sa hospital. Babae siya. Kamukha siya ni dustin.

"Ally!! Lumaban ka!! Andto lang kami ni nanay!!" Sabi ng isang pamilyar na boses.

Teka..... Si dustin iyon diba?! Sinundan ko sila at nakita kong siya nga!! Hinabol ko naman siya.

"Dustin anong nangyari? Kapatid mo ba yun?! Kamusta siya? Kamusta ka?" Sabi ko napapraning.

Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito pero wala akong pake nagaalala ako sa kaibigan ko.......

"Oo Amber kapatid ko yun. May sakit kasi siya sa puso inatake nanaman siya. Wala akong pera para ipanggamot sakanya. Ayoko naman mangutang dahil nakakahiya." Sabi niya sakin ng lumuluha.

Makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya ang kapatid niya.

Naawa naman ako sakanya. Kaya gusto ko siyang tulungan. Oo alam ko. Mataray ako masama ang ugali. Pero kapag sa ganitong sitwasyon ibang usapan na. Manira kung manira wala akong pake.

"Magkano ba ang kailangan?" Kalmado kong sabi.

"Mahigit 150,000. Di ko alam kung saan ako kukuha ng ganung kalaki." Nagulat naman ako.

At dahil hospital naman namin toh ay sinabe ko sa cashier na libre na iyon.

"Di mo na kailangan gawin yun Amber. Nakakahiya. Pero salamat. Babayaran ko na lang yan kapag nakaluwag kami.

You're Mine, I'm Yours Where stories live. Discover now