Chapter 8- Thinking of you...

102 1 3
                                    

Amber's POV

2:00 am na gising pa din ako. Ewan ko ba. Hindi kasi ako makamove on sa nangyarisa school. Buhatin ba naman ako ni dustin at tawaging mahal na prinsesa hindi ka ba mapapaisip? Haysss.

Pero aaminin ko masaya siyang kasama. Ayokong mawala siya sa tabi ko. Nabanggit niya sa akin na kapag sa bakasyon ay uuwi sila ng probinsya nila. Ayokong mangyari yun huhuhuhu. Ayokong iwan niya akoo!! Ay tange ka amber ano pinagiisip mo? Ay ewan matutulog na lang ako.

Ilang beses na akong umikot ikot sa kama ay hindi padin ako makatulog. Kulang na lang ay mahulog na ako sa kama.

Binuksan ko ang phone ko at nakita kong 3:30am na. Aba kung sinong pesteng taong nagiisip sakin ay madulas sana siya.

Peste may pasok pa ako mamaya noh!! Baka mamaya pumanget ako. Uggghh!!! Sana nandto si dustin para patulugin ako. Ay ano ba yan!! Ano ba itong iniisip ko?!

Dustin's POV

4:00 am na hindi parin ako makatulog waaaahhh!! Paano na yan baka malate ako sa pagsundo kay amber mamaya.

Tumayo muna ako sandali tas nagtatalon hanggang sa.....

*sliipppp* (a/n: isipin niyo na lang po tunog yan ng pagkadulas hehehehe :) )

Nadulas ako!! Una pwet ko!! Ang saket!! Nakoo lalo pa tuloy akong nagising!! Pero okay lang iisipin ko na lang si amber para makatulog ako.

Humiga ako sa higaan ko at sinimulan kong matulog. Ngunit kahit anong pwesto ay gising na gising padin ang diwa ko. Hindi ko alam kung bakit pero waaahh!! May nagiisip sakin. Gwapo ko talaga. Di na bago na maraming nagiisip sakin. Hehehehehe.

5:30 am

"Kuya? Kuya!! Gising na umagaa na may pasok ka paaaa!!! Yuuhooooo!! HIYAAAAHH!!" Sabi ni ally habang inaalog alog ako at biglang pinalo ako.

"Ouch ally!! Huhuhuhu sinaktan mo si kuya. Masakit yun. Di na kita love wala kang pasalubong mamaya." Pagarte ko.

"Hala kuya sorry na poo!!! Hindi ko sinasadya!! Sorry pooo!!!" At yinakap ako

Umupo naman ako sa kama at tiningan siya.

"Gusto ko gawin mo para mapatawad ka ni kuya ay bigyan ako ng sobrang daming kisses at isang sobrang malaking hug" sabi ko ng nakangiti

"Sige kuya!!! Mwaah mwaaahh mwaaaahhh!!" Sabi niya at hinalik halikan ako sa pisngi.

Namiss ko ang pagiging masigla niya. Sana palagi na lang siyang ganyan. Walang dinadama na sakit palaging masaya at comportable.

"Ayan kuya ang dami na niyan ha?" Sabi niya

"Halika nga dito hug kita uli!!" Sabi ko

At agad naman siyang lumapit sakin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit!! At saka binuhat siya.

"Aray naman kuya hindi ako makahinga!!" Sabi niya

"Namiss lang kita ally tandaan mo ah love na love ka ni kuya tsaka ni nanay okay?" Sabi ko

"Opo kuya" sagot naman niya sa akin

"Oh nandyan na pala kayong magkapatid. Ang saya niyo tingan. Sana palagi na lang ganyan. Payakap nga ako." Sabi ni nanay na nasa pintuan lamang

Tumakbo naman agad ako kay nanay habang buhat si ally at niyakap siya ng sobrang higpit.

Hayy. Sana ganito na lang talaga palagi. Masaya kami. Buo kahit walang ama. Okay lang. Siya naman ang tanga eh. Iniwan niya ang tunay na nagmamahal sa kanya. Namahinga siya ng mabilis. Haysss emote nanaman ako.

You're Mine, I'm Yours Where stories live. Discover now