Chapter 6-A date?!

75 2 3
                                    

Dustin's POV

Umaga pa lang ay nagising na ako. Ginising ko na rin si nanay para siya ay makaligo at makapagbihis na. Nasa hospital padin kami hanggang ngayon dahil bukas pa pwedeng makalabas si ally.

Magsisimba kami ni nanay. Pagkatapos nun ay pupunta naman ako sa bahay nina amber para magpasalamat. Binilihan ko nga siya ng necklace eh. Pero bago yun pinagawa ko muna yun.

Pinalagyan ko yun ng pangalan. Ang nakalagay ay my angel. Dahil biyaya siya ng langit. Napakabait niya kahit minsan ay maldita at mataray siya. Hehehehe crush ko siya. Tinamaan na ata ako sayo. Hehehe. Nu ba!! Keleg ako. Uy di porket lalaki ako di na pede kiligin. Hehehehehe.
.
.
.
.
.
Natapos na kaming magsimba ni nanay. Ngayon ay papunta na ako sa bahay ni amber.

*ding dong*

Ay kalabaw ka!! Ang lakas ng doorbell nila!! Siguro naman bubuksan nila yung pinto ano? Hehe....

"Sino po sila?" Sabi sakin ng isa sa mga kasambahay siguro nila.

"Ah eh ako po si Dustin kaibigan po ko ni Amber. Magpapasalamat lang po sana ako sakanya sa pagtulong niya sa akin."sabi ko ng medyo kinakabahan pa.

"Maniwala ako sayo aber! Ikaw?! Pasalamat?! Tulong?! Hah! Luma na yang style mo!! Kahit kelan hindi tumutulong si madam amber noh! Mataray yun! Wag mo kong lokohin! Sabi niya na ikinagulat ko naman.

Ganun ba talaga kamaldita si Amber? Hindi siya tumutulong? Ako pa lang natulungan niya?! Wahhhh kilig na ako hhehe surrryy...

"Promise po!! Tinulungan niya ako sa hospital bills! Diba po sila yung may ari ng hospital na Hylton Medical Center? Tinulungan niya po yung kapatid ko. Ginawa po niyang libre yun." Sabi ko naman.

"Osige na nga! Gwapo ka naman at mukhang mapagkakatiwalaan. Sige iho pasok ka na at gigisingin ko lang si madam amber." Sabi nito at tuluyan na akong pinapasok.

Habang hinihintay ko si amber ay tinititigan ko ang kwintas na aking ipinagawa. Mahal siya oo pero para sakanya oks lang yan. Hehe.

Bigla ko namang narinig ang boses ni amber. Sigurado ay nagtataka na yun. Sinabe ko pa naman kay yaya ewan na wag sabihin kung sino ako.

"Ano ba yan yaya! Sino ba yang peste na yan na nanira ng umaga ko!! Alam namang tulog yung tao eh! Uggghh!!" Sabi niya

Nakooo galitt ang mahal na prinsesa este si Amber.

"Sorry Madam nagpumilit talaga siya eh." Sabi ng maid

Infernes ang laki ng bahay nila. Paranag isang malaking palasyo. Ang kanilang hagdan ay nasa gitna. Agaw pansin talaga.

Nakatalikod ako.. Hehe para surprise.

"Hoy ikaw lalaki! Sino ka ba ha?! Panira ka ng umaga eh!" Sabi niya.

Dahan dahan akong humarap sakanya.

"Surprise Amber!! Hehehe sorry nasira ko ata ang umaga mo." Sabi ko ng kasabay ang pag kamot sa ulo kuno.

"Dustin?! Waaahh!" Nagulat naman ako sa sinabe niya.

At mas nagulat ako nang..... TUMAKBO SIYA PAPUNTA SAKIN AT YINAKAP AKO!!! WAAAHHHH

"Ah eh so-sorry dustin. Hehe natuwa lang akong makita ka. Nga-nga pala bakit ka ba nandito?" Sabi niya ng namumula.

Ang kyot niya. Hehehe kaya gustong gusto ko siya eh.

"Ah eh okay lang amber. Nandto lamg naman ako dahil gusto kong magpasalamat sa pagtulong sakin. At saka ibibigay ko pala sayo ito." Sabi ko saka inabot yung maliit na box.

You're Mine, I'm Yours Where stories live. Discover now