I gave my all and nailed that position, pero di ko talaga ineexpect na magiging ganito ang kalabasan. Hindi siya bagay sa lifestyle ko, pero hindi ko rin siya pinapansin. Pasok lang ako ng pasok sa school. Ang gusto ko lang talaga ay maging kasama ang mahal ko. Pero parang mali ang decision ko. Grabe, mali nga. Ngayon, nag-aaral ako sa Royal Academy, isang sosyal na school. Isang simpleng babae lang ako, di katulad ng mga mayaman doon, at alam mo ba, ako lang ang commoner dun. Laging binu-bully at inaasar ako ng mga tao dahil sa pagkaiba ko. Pero tanggap ko na lang 'yon, HAHAHAHAH. Parang special ako sa kanila. Sikat din naman ako, kung di mo pa alam. Sikat sa pagiging bully magnet.
Gusto ko sana ng memorable na high school memories, pero ang naalala ko na lang ay 'yung mga panahong binu-bully ako. At 'yung love interest ko, ano na nga ba? Akala ko tapos na, pero hindi pala talaga. Sa puso ko, alam ko na mahal ko pa rin siya. Argh, ayoko na talaga sa school na 'to. Mula sa air-conditioned classrooms hanggang sa mahal na pagkain.
Lalo na 'yung mga students na tawag nila sa sarili nila ay "Elite Six." Sila 'yung grupo ng mayayaman at sikat sa school. Parang mga artista sila, eh. (maliban sa akin) Lahat ng tao, idolize sila. Nakakainis 'yung aura nila at 'yung trato nila sa ibang tao. Pero ang pinakainis ko, 'yung pagpaparamdam nila sa'kin na sobrang iba kami ng mundo, pati ng mundo nung taong mahal ko.
Oo, alam mo ba? Isa sa kanila 'yung mahal ko, kaya nagdesisyon akong sumuko na. Ang plan ko na lang, hanggang sa graduation, maging loner. Successful naman ako sa tatlong taon. Last year na rin ito bilang high school student, last year ng suffering.
Para s'yang Prinsipe, at ako lang isang normal na teenager lang, na hindi kumpleto ang alaala ng high school, tapos may questionable history pa siya. Sa isa't isa, strangers kami. Pero isang araw, biglang mangyayari ang mga di-inaasahang pangyayari.
------------
A/N:NAKUHA KO PO SA IBANG STORY YUNG NAMES DITO SA STORY NA ITO. ESPECIALLY PO SA SINCLAIRE ACADEMY, DOON KO PO NAKUHA YUNG IBANG NAME :>
Sorry sa typographical errors!
This is work of FICTION. Names, Characters, Places and Events are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely COINCIDENTAL.
"PLAGIARISM IS A CRIME"
Enjoy reading!

BINABASA MO ANG
Fall for You [On-Going/EDITING]
Teen FictionShe's a commoner and He's a prince, she doesn't have a good highschool memory and he doesn't have a good past. They're strangers to each other. Until one day, unexpected things happend. --------- TEEN FICTION. VOTE. COMMENT. BE A FAN. I'M CURRENTLY...