Chapter 9 - Shopping

41 8 1
                                    

[Amber's POV]

||Mall||

"nako I'm so excited! Madami na kong nakitang damit na bagay sayo, tsaka ibahin din natin yang hairstyle mo!"

Nagmamadaling pumasok sa loob ng mall si Jade habang hatak-hatak ako at with matching pa bounce-bounce pa!

"ah Jade kasi, ano--"

"--wag ka na magdahilan para hindi kita maibili ng damit! Nako wa epek lahat ng sasabihin mo. Tsaka wala ka bang bilib sa taste ko?"

"ah hindi naman sa ganun. Ang akin lang kasi, ikaw lahat ng damit na isuot mo babagay sayo kasi ang galing mo mag dala, samantalang ako, ang kaisa-isa lang atang bumagay na damit sakin eh itong uniform natin. Tsaka hindi naman kasi ako palabaslabas ng bahay kaya baka hindi ko magagamit"

"ano ka ba girl!" umakbay siya sakin "hindi lang pang school uniform ang beauty mo no! tsaka magagamit mo yang mga yan swear! Nako lalo na next month!"

"next month? Ano meron next month?"

"hay nako basta! But before that, ihuli na natin yung sayo. Samahan mo muna ko mamili ng mga clothes ko"

hinila na ko ni Jade papasok sa unang boutique na nakita namin.

||after three hours||

Nandito kami ni Jade sa isang ice cream parlor nagpapahinga. Hay grabe pala mag shopping tong si Jade! Ang tindi! Kada isang boutique ata na papasukan namin, bumibili siya! And take note ha, sa loob ng three hours, hindi pa niya nabibili yung sinasabi niyang 'welcoming gift' sakin. Buti na lang napagod na siya! Baka mag bago na ang isip niya sa pag bili sakin ng damit. Ahihihihi

Umupo si Jade sa harap ko dala-dala yung inorder niyang ice cream para samin.

"tada! Chocolate chip ice cream. Nako try mo yan, super sarap. Ayan yung madalas naming orderin ni King pag pumupunta kami dito."

"thank you Jade ah. Nahihiya talaga ko sa inyo. Hindi niyo naman kasi kailangan gawin to eh."

"ano ka ba! Nag eenjoy rin naman ako no. tsaka for sure pati yung iba! Kaya mag ready ready ka na sa mga susunod na araw kasi lahat kami may welcoming gift na hinanda para sayo. Ako nga lang ang nauna."

Ibig sabihin lahat sila ide-date ako? paran nae-excite ata ako sa idea ah! Ano kaya hinanda sakin ni labanos? Eh si Cain kaya?

Waaaaaah! Ano ba yan! Asa naman ako na hahandaan ako ng welcoming gift nun no! eh mukha ngang hindi ako welcome sa kanya eh. Ewan ko ba, magaan naman ang loob ko kay Cain kaya lang hindi ko talaga maintindihan kung bat ang sungit-sungit niya sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya! Tsaka to think na mag ka-partner kami sa dance fest! Susme! Nag scoop ako sa ice cream ko then sinubo ko.

"nga pala, next na nating bilhin ang welcoming gift ko sayo"

bigla kong nakagat yung spoon ng ice cream ko kaya nangilo ako dahil sa sobrang lami

"ah!"

Hay! Akala ko limot na niya! Naman eh!

"ok kalang ba?"

"ah. hehe oo ok lang!"

"hay nako! Basta leave it to me! Naka ready na ang lahat para sayo."

"uhmm. talaga bang kailangan kong mag make over? Ok lang naman talaga sakin ang itsura ko eh"

"ano ka ba! Mas pagagandahin pa kita no! tsaka wala ka atang bilib sakin?"

Fall for You [On-Going/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon