Chapter 7 - Kidnap?!

37 8 11
                                    

[Amber's POV]

Three weeks narin ang nakalilipas. Lagi na kong kasama ng E6 ngayon. So far nag eenjoy ako sa company nila. Hindi rin naman pala sila ganun ka sama tulad ng iniisip ko. Sa totoo lang, nakakaaliw nga sila eh. Nakonsensya tuloy ako na jinudge ko sila agad.

Oo nga pala, may secret admirer ako. Hehehe what I mean is, may nagpapadala parin sakin ng pink notice with matching ribbons pa na may nakasulat sa likod na "prepare to die" three weeks narin akong nakakatanggap nun pero mukhang nananakot lang naman kasi I'm still alive and kicking pa naman hanggang ngayon. But I wonder kung sino ang nagpadala nun?

||Music class||

"ok class, malapit na ang school dance festival. Ang theme for this year's dance fest is ballroom dancing. As your music teacher, kailangan ko na kayong i-pair up and kailangan ko narin mamili ng mag choreo sa class na to."

"wow masaya yun!" nagpapalakpak naman si Jade

Every year kasi, meron dance festival sa school na ito. Mag bibigay sila ng theme then maglalaban-laban each class. Isa rin namang fair sa school na to, kahit biased sila sa sectioning, hindi sila biased pagdating sa mga competition. Kahit elite section kailangan mag-effort para manalo. Last year nga third place lang ang elite section eh. Last year ang theme ng dance fest is hiphop dancing. Ngayon naman ballroom dancing.

"I wish isa sa E6 ang maka-partner ko."

I wish si labanos ang makapartner ko.

"Mr. John Carlo Enrile will be the choreographer of the class because he is the class president and also he is good in dancing. As for the pairing, may list na ko dito. I'm going to announce it now."

"ayan na!"

Sana naman si labanos ang makapartner ko. Nako please!

"baby King, for sure tayo ang magka partner." kinindatan ni Jade si King

"sana hindi!" sagot ni King sa kanya. 

Ina-announce ni sir isa-isa yung magkakapartner. Hanggang sa maubos na ang students ang E6 at ako na lang ang hindi natatawag.

"Ano ba yan hindi E6 ang kapartner ko!"

"look oh, yung dukha sure nang isa sa E6 ang partner niya. Kaasar!"

"may lahi atang mangkukulam yan!"

Ako ba yung tinatawag nilang dukha at may lahing mangkukulam?! Kung dukha ako sana hindi na ko kumakain more than three times a day! at ako? as in ako? mangkukulam? sa ganda kong to?!

"ok class please be quiet!" tumahimik naman sila.

"ok Ms. Eloi Nicole Esperanza and Mr. Lowel Kingsley Martinez"

"alright! Partners tayo Nics!"

"let's do our best!" nag hi-five naman silang dalawa.

"Mr. Ash Grey Mendoza and Ms. Sapphire Jade Rivera"

"WHAT?!" sabay na sabi ni Jade at Ash.

What?! Hindi ko partner si labanos. *sniff* huhuhuhu

"bat ako ang pinartner niyo sa makulit na yan?!" tumayo si Ash at tinuroturo si Jade.

"bat kapartner ko yang matakaw na yan?!" ganun din ang ginawa ni Jade kay Ash.

Hay. Mukhang magkakagulo na ang elite section. Sa E6 kasi, yang dalawa na yan ang pinaka-makulit at pinaka maingay sa kanila. Si Carlo naman ang dakila nilang tagasaway.

Fall for You [On-Going/EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon