Mysterious Princess

39.2K 537 44
                                    

PROLOGUE


PIARRA

Habang naglalakad sa hallway ng eswkelahang aking pinapasukan, hindi ko lubos maisip na hanggang ngayon ay tila celebrity pa rin ang tingin nila sa akin. Even if it's not.

I really want it to stop.

"Hi, Princess Phoebri"

"Ang ganda ganda mo talaga"

"I like your bag today"

"I wish to be perfect like you."

Binigyan ko lang sila ng ngiti, ngiti na magbibigay ng sagot sa bawat pagbati nila. Pero hindi ko mapigilan na huminto sa batang babaeng pumukaw sa aking atensyon. Ang batang babaeng hiniling na maging katulad ko.

Ngumiti muna ako sakanya bago nagsalita.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko, maganda siya at hindi maitatanggi na galing siya sa marangyang pamilya.

Tila nabiglang ekspresyon pa ang ibinigay niya nang kausapin ko siya, nanginginig at hindi makapagsalita. I tapped her shoulder. Masyado siyang nate-tensyon sa ipinapakita niya.

I'm not that kind of girl na manamakit kapag kakausapin.

"Don't be so nervous. I'm just asking your name." Nakangiti at tila may halong kaba kong wika.

Nakakatakot ba ako?

"I-I don't. I'm just happy you notice me." Kinakabahan at hindi mailabas ang gustong sabihin.

She's cute. Para siyang manika na may mapupulang pisngi.

"You're so cute." Pinisil ko pa ang pisngi niya, medyo may katabaan siya pero hindi nito tinatago na may maganda siyang mukha.

"T-Thank you," nauutal pa rin siya.

Pero mukhang nakukuha na niya ang gusto kong mangyari, na wag siyang mahiya kapag kaharap ko.

"So, anong pangalan ng cute na batang kaharap ko?" muli akong ngumiti, medyo mangalay rin pa lang ngumiti.

"Ayesha po, your number one fan." Lumabas ang malaki niyang pisngi sa pag-ngiti.

Omg! She's so cute. I want her to be my baby. Siguro freshman pa lang siya.

"Nice to meet you, Ayesha." Kumaway ako sa kanya, kumaway rin siya bilang sagot. "Gusto ko pa sanang makipag-usap ng matagal ngunit may klase pa ako. Maaari na ba akong mauna sayo? Don't worry mag-uusap ulit tayo," paumanhin ko.

"Okay lang po, Ate Phoebri, bye-bye po." She waved her hand to say goodbye.

"See you around, Ayesha." I waved my hand too.

I like her, she's cute and charming.

Male-late na nga ako kaya nagmadali na akong nagtungo sa main building ng Piarra Academy.

Nakakahiya man na sabihin pero pamilya ko ang nagmamay-ari ng eskwelahang ito. It's our property, and it's all girls school.

Dahil sa nag-iisa akong babae sa aming magkakapatid kaya sa'kin siya ipinangalan. At dahil na rin sa pag-iingat nila sa'kin ginawa na rin siyang 'All Girls School'. Wala rin naman akong magagawa kun'di sumunod sa lahat ng gusto nila, kahit na hindi ko talaga gusto na manatili sa eskwelahang ito.

Nakarating ako ng classroom na hindi gumagawa ng kahit anong ingay sa bawat dinadaanan ko. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi sila magambala sa pakikinig sa Teacher nila.

✔ || Mysterious PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon