Kabanata 5

15.1K 248 13
                                    

Bonding

Habang naghihintay sa iba pa naming kamag-anak, naka-upo lang ako sa isang tabi. Masaya silang lahat na parang ngayon lang ulit nagkita-kita. Lahat kasi ng kapatid ni Daddy ay nandito na, hindi ko lang alam kung sinu-sino pa ang hinihintay. Andito rin si Uncle Kristopher na kapatid ni Mama  kasama si Aunt Alex at apat kong pinsan na anak ni Uncle.

Private Party ito at para sa Pamilya lang namin. Siguro dahil para sa akin na naman. What would I expect. I'm a sh*t here.

Tatayo na sana ako para kumuha ng maiinom nang lumapit sa akin ang isa sa mga pinsan ko. Naupo ulit ako kaya tumabi naman siya sa'kin sa pag kakaupo. Nasa mahabang table kami naka-upo sa gitna ng Hall nitong Attic. No cameras or something na makapaglalabas ng kahit anong info sa akin. Private Catering din, may Chef naman kami dito sa bahay at maraming maid kaya hindi na nag-abala pa na kumuha ng iba. Alam ng lahat ng nandito ang sitwasyon ko, of course they are my own Family.

"Congrats.." Panimula niya. Ngumiti ako kaya ngumiti rin siya. "Tama nga ako.." napatawa siya tsaka pinagmasdan ang bawat sulok ng kwarto.
Napakunot noo lang ko, hindi ko siya maintindihan. Ganun naman siya lagi e, pa-misteryoso. Pagtapos niyang titigan ang lahat ibinalik niya ang titig sa akin. Tinitigan ko rin siya, wala ang earphone niya o kaya yung headphone na laging nasa tenga niya. Formal Attire kaya siguro hindi niya naisipang magdala. "in the near future or soon? Hindi ko alam na mas mabilis pa sa inaakala ko." Nagkibit balikat siya.

"Ano ba yun? Ate Isha." Nilapitan niya ako para pag-isipin ng malalim. Grabe naman.. kailangan ko ng kausap or kahit sinong tao na pwedeng kausap tapos ang ihaharap sa akin ay siya? Ang pinsan kong napaka-hirap sabayan sa pag-iisip.

"Wala.." Tangi niyang sagot. Sumandal siya at nagtuktok gamit ang daliri niya sa mesa na gumagawa ng ritmo. Musika nga talaga ang bumubuhay sa kanya.

Sumandal na rin ako at humarap sa lahat ng bisita, ang pamilya ko. May kanya-kanya silang ginagawa. Ang mga pinsan kong lalaki nagtatawanan, of course.. they're talking about girls. Yung ibang mga babae naman nagtatawanan at yung iba seryoso habang nag-uusap. Ganito naman talaga kami.. magkalayo at hindi magkasundo. Kaya heto si Ate Isha lang ang tangi kung kausap, hindi kasi niya trip ang trip ng mga pinsan ko. One Family. One Blood. But far from each other. Dahil siguro.. hindi namin nabibigyan ng pansin ang isa't isa.

Nakauwi na nga pala kami mula sa Limang araw na bakasyon--Limang Araw na Oplan sa Korea. Tapos na ang Oplan at ang lahat, pasukan na lang ang hinihintay. Kaya rin may ganitong pagpupulong ng Pamilya. Lalabas na ako at haharap sa maraming tao.. pero bilang ibang tao. Ito na rin ang HULING pagkakataon na itatago at lalabas naman bilang ibang ako.

Sa sobrang tahimik namin dito bigla namang umingay dahil sa paglapit ng kaninang mga lalaking pinsan namin na nagtatawanan. Umupo sila sa bakanteng upuan dito sa mahabang mesa na inuupuan namin ni Ate Isha. Maingay talaga sila pagsama sama.

Katabi ko ngayon si Tyrone.. ano pa ba ang gagawin niyan kundi mangulit. Nasa harapan naman namin ang isang batalyong lalaki na pinsan namin, kulang pa rin 'yan dahil wala si Kuya Apollo na busy sa Trabaho at Kuya Vonn naman na hanggang ngayon may pasok pa rin sa U.S.

"Piarra.." Tawag sa'kin ni Kuya Gavin. Pangatlong anak ni Uncle Kristopher. Kahit kaming magkakapatid lang talaga ang pinsan niya dito close pa rin siya sa ibang pinsan namin dahil na rin siguro sa iisang eskwelahan ang pinapasukan nila.

"Hmmm?" Tumingin ako sa kanya, katabi siya ni Joao na nasa harap ni Tyrone.

"Pakabait ka bukas huh." Anong tingin niya sa'kin bad girl? Ibang klase talaga ang topak nila. Yeah.. bukas na pala ang pasukan ibig sabihin bukas na rin ako papasok sa Montgomery, kinakabahan ako.

✔ || Mysterious PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon