Kabanata 1.2

19.9K 309 25
                                    

Yaman

"Good Afternoon po."

"Good Afternoon din po, Manong Peter." Si Manong Peter, Janitor ng Academy. Simula ng pumasok ako dito, nagtratrabaho na siya bilang Janitor. Dahil matagal na rin siya dito at maaasahan, kinausap ko si Daddy na bigyan ng Scholarship ang mga anak niya tutal dalawang babae 'yon. Kaya lang hindi niya 'yon tinanggap dahil kontento na daw siya sa sahod na nakukuha niya tsaka masyado daw kilala ang Academy para ipasok ang mga anak niya. "Sige po Manong Peter mauuna na po ako." Nagpaalam na ako kay Manong Peter. Oras na para umuwi e.

Naghihintay ako ngayon sa may Gate ng Academy, dito naman lagi ako nagpapasundo at dito rin ako nagpapahatid. Ayoko ng madagdagan ang problema ko.

"Miss Phoebri sino po ang magsusundo sa inyo?" Tanong ni Manong Guard, si Kuya Rey.

"Hindi ko pa nga po alam Kuya Rey e." Hindi ko kasi natanong kay Tyrone e.

"Gusto niyo po na itawag ko sa Mansyon?"

Agad akong umiling. "Wag na po, sigurado naman po ako na may magsusundo sa'kin. Kung hindi si Tyrone baka isa mga driver namin."

"Ah sige, pero mamaya po pag wala pa po kayong sundo itatawag ko na po sa inyo." Tumango ako tsaka ngumiti. Ano ba 'yan bakit kasi bawal ang Cellphone dito. Kainis.

Number 1 rule ng Academy, No Gadgets Allowed.

'Yan ang isa sa mga usap-usapan dito, bawal magdala ng kahit anong gadgets. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan kailangan mo talagang gumamit lalo na sa mga importanteng oras. Meron naman kaming Telephone Room dito para sa Emergency, pero syempre iba pa rin yung Cellphone na nadadala mo kung sakaling kailangan na talaga.

Limang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin.

"Miss Phoebri itatawag ko na po ba?" Bumaling ako kay Kuya Rey.

"Hmm... Maghihintay na lang po ako, baka paparating na rin po yun." Tumingin ako sa Wrist Watch ko. Maaga pa pala, hmp.

"Maupo po muna kayo." Ini-abot niya sakin ang upuan niya. Kinuha ko 'to, medyo mangalay na e.

Marami pa namang Estudyante, napa-aga lang ang labas namin ngayon.

Twenty Minutes na ang nakalipas. Labas pasok na ang mga Kotse para sa pagsusundo ng mga Estudyante. Siguro parating na rin yun.

Biglang may huminto na kotse sa harapan ko, hindi naman siguro ito yung magsusundo sa'kin kasi palabas na ito ng Academy.

Bumaba ang bintana nito sa likuran at iniluwa ang Cute na bata na si Ayesha.

"Ate Phoebri, Hello po." Kumaway siya sa'kin. Tumayo ako tsaka siya nilapitan.

"Hello Ayesha." Kumaway rin ako sakanya. "Uuwi ka na?" Hinaplos ko ang buhok niya mula sa labas.

"May Dinner po ang Family namin. Gusto niyo pong sumama?" Bumitiw ako sa pagkakahawak sa buhok niya.

"Ah-hindi, ano... Family Dinner 'yon Ayesha, hindi pwede na sumama ako."

"Sayang naman." Nag sad face pa siya.

"Don't worry baby next time sabay tayong kakain sa Cafeteria."

"Talaga po? Yehey." Masigla niyang sabi.

"Oo naman. Sige Baby baka ma-late ka na sa Dinner niyo. Babye. See you." Nag wave na ako para sa pagpapa-alam.

"Bye Ate." Nagwave rin siya sa'kin pabalik. Lumayo na ako ng konti sa sasakyan nila. Nag wave ulit ako habang papa-alis na sila.

Bumalik ako sa inuupuan ko kanina.

✔ || Mysterious PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon