Kabanata 4

17.3K 269 26
                                    

Make all over

Ilang linggo ang lumipas at papalapit na nang papalapit ang pag-aaral ko sa Montgomery University. Ilang araw na rin ang nag-daan ng magtapos ako sa Academy. Mahigit sampung taon akong nag-aral sa Academy at hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng nangyari sa'kin  kahit na hindi naman ganun kasaya ang mga memories ko sa Academy. Masaya naman kahit papaano.

Inilabas na rin sa publiko ang kasinungalingang pag-aaral ko sa ibang bansa. No exact country for my safety, again.

Hindi ako galit at never akong magagalit. Naghirap silang itago ang katotohanan at hinding hindi ko sisirain 'yon sa maling desisyon. Maging maayos sana ang pag-aaral ko sa University na 'yon.

"Baby, are you ready?" Tanong Mama na abala sa pag-aayos ng mga dadalhin namin sa pag-alis ng bansa. Naka-upo ako ngayon sa couch sa harap niya, hindi magkanda-ugaga si Mama sa pag-aayos e.

"Katherine, bakit hindi mo na lang ipagkatiwala ang mga 'yan sa mga maid? Masyadong kang natetense." Ani naman ni Daddy na busy sa pag-aayos ng neck tie niya. Ngayong araw din kasi ang pag-alis namin. Nagmamadali ang lahat.

"Paanong hindi ako matetense? Babalik tayong muli sa Korea. Sa Korea kung saan tayo nagkakilala.. take note kasama nating muli ang mga anak natin, kaya lang wala si Apollo." Masaya na sana wala lang si Kuya. Bakit kasi ang tagal-tagal ni Kuya.

"Oh ano Piarra? Tapos ka na ba?" Muling humarap si Mama sa'kin.

"Kanina pa po nasa baba ang mga gamit ko." Sagot ko. "Pati sina Kuya at Frollo nasa baba na rin, kayo na lang po ang hinihintay." pagpapa-alala ko. Biglaan rin kasi ang pag-alis namin dahil nagkaroon din ng biglaang Meeting si Daddy sa Korea.

Pagtapos ng pag-aayos ni Mama at Daddy bumaba na rin kaming tatlo para maka-alis na. Private Plane naman ang gagamitin namin kaya lang naghahabol din si Daddy ng oras.

Sinabi na rin sa'kin na ang pag-alis namin ngayon ang magiging hudyat sa Publiko na lalabas na nga ako sa bansa para sa pag-aaral ko which is malaking kasinungalingan.

"Daddy, ilang araw po tayo sa Korea?" Tanong ni Frollo. Magkakasama kami ngayon sa iisang sasakyan, Limousine. May limang kotse pa ang nakasunod sa'min at dalawa naman ang nasa unahan, kung iisipin parang Presidente lang ang pino-protektahan. Tsk.

"Limang araw lang mga anak. Kailangan pa kasi nating maghanda para sa selebrasyon ng buong Pamilya." Para ipaalam ang pag-aaral ko sa University, yeah. "Pupuntahan ko pa ang Kuya niyo sa France."

Naging tahimik muli kami hanggang makarating sa 'Piarra International Airport' isa sa pagmamay-ari ng Pamilya namin.

Nagsilabasan na ang mga Bodyguards at Maids na makakasama namin patungong Korea. Ang mga kasama ko naman sa sasakyan ang nagsilabasan.

"Baby, wait for my signal bago lumabas. Maraming tao ang nag-aabang sa'yo dito sa labas." Paalala ni Daddy.

Sumilip ako sa labas mula dito sa loob ng Limousine, marami nga sila. Dito sa paliparan na kasi kami dumiretso kasama ang pitong kotse na kakaalis lang. May mga sasakyan naman daw kami sa Korea sabi ni Daddy.

Hinihintay pa kasi ang paglabas ng Plane na gagamitin namin. Sa pagkaka-alam ko ipinangalan ang mga Eroplano sa aming magpipinsan na Maniego, ibig sabihin twenty one  ang bilang ng mga Eroplano ngayon dito. What a fantastic thing. Tsk.

Sa paghihintay ko ng ilang minuto mula dito sa loob ng kotse, sa wakas.. lumabas na ang magagamit naming Eroplano na nag-ngangalan na 'Shayne' , Aunt Chanel daughter.

Bumukas ang pintuan ng Kotse at iniluwa ang nakakatakot kung Kuya, Kuya Claude.

Hindi naman ito gaanong naka bukas para hindi ako makita ng mga taong naghihintay sa'kin sa labas.

✔ || Mysterious PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon