"Celine, ano na naman 'yang mga 'yan?" tanong ni Sofia nang makalapit siya sa gawi ko.
Tinignan ko ang locker ko sa aking harapan. Alam kong ito ang tinutukoy ni Sofia. Napuno na naman ito ng mga sulat, bulaklak, stuff toys at chocolate. Ang iba ay alam ko kung kanino galing ngunit ang iba ay hindi dahil walang nakalagay na pangalan.
Nagkibit ako ng balikat. "As usual. Halos araw-araw yatang may naglalagay ng ganyan diyan." wala sa sariling sambit ko.
Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob ang kung sino mang naglalagay ng mga 'yan dito sa locker ko. Pakiwari ko ay nakamasid lang naman sila sa paligid lalo na kapag binubuksan ko na ang locker ko. Ano kaya ang kanilang pakiramdam kapag nakikita nilang tinatapon o ipinamimigay ko lamang ang binigay nila? I hate chocolates, I don't wanna get fat.
"So, anong plano mo sa mga 'yan?" tanong niya.
Tinignan ko siya at ang tinging ipinupukaw niya sa akin ay alam ko na ang ibig sabihin.
"Iyo na lang kung gusto mo. Tutal mahilig ka naman sa mga chocolate." wika ko.
Simula noong grade seven ako ay nakakatanggap na ako ng mga ganyan dito sa locker ko ngunit ni isa ay wala akong kinain sa mga chocolate. Hindi ko kasi talaga hilig iyon. Ang ibang stuff toys, bulaklak at sulat naman ay inuuwi ko sa bahay at nilalagay sa isang malaking kahon. Kapag naman tinamad akong iuwi ay itinatapon ko. Nakakadalawang malaking kahon na nga ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga iyon dahil hindi ko naman pinag-aaksayahan ng oras para basahin ang mga sulat na nandoon. At hanggang ngayong grade ten na ako ay nakakatanggap pa rin ako. Seryoso? Hindi ba sila titigil?
"Sure. Akin na." natatawang sabi ni Sofia habang dinudungaw ang loob ng locker ko. "Wala kasing nagkamaling maglagay ng ganyan sa locker ko, e."
Natawa na lamang ako at napailing. Isa-isa kong kinuha ang mga chocolates na naroon. Lagpas sampu ang narito at karamihan ay mamahalin pa. Si Sofia lang naman ang nakikinabang ng mga 'yan.
"Celine." tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya na nasa likuran ko lang. Hindi pa nga ako tapos kuhanin ang lahat ng nandito sa locker ko, e.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Bigla siyang may nginuso banda sa aking gilid kaya napataas ang isang kilay ko. Muli siyang ngumuso kaya tinignan ko kung ano ang nginunguso niya o mas maiging sabihing sino.
Biglang kumalabog ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang tinutukoy ni Sofia. Natigilan ako sa aking ginagawa at parang na-estatwa ako nang makita ko siya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito.
Pumuwesto siya sa locker niya isang locker pagitan mula sa akin. Amoy ko hanggang sa kinatatayuan ko ang kanyang pabango na hindi ako magsasawang amuyin. Halos mapalunok ako nang bigla siyang tumingin sa aking mga mata ngunit agad din namang nagbawi ng tingin. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Bigla akong siniko ni Sofia kaya napalingon ako sa kanya. "Kuhanin mo na lahat ng nandyan. Tapos 'yong mga itatapon mo, itapon mo na." aniya kaya napatango na lang ako.
Muli kong nilingon kung nasaan si Samuel at nagulat ako nang nakatingin siya sa akin saka umiling-iling at umalis. Ohgod! Anong klaseng reaksyon 'yon? Bakit niya ako tinignan habang umiiling? Is he disappointed? For what?
"Ang ingay mo kasi, agad tuloy umalis." paninisi ko kay Sofia.
"Hanggang ngayon siya pa rin ang gusto mo?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Seryoso Celine? Ang daming lalaki ang nagkakagusto sa'yo pero nagagawa mong magpakatanga sa isang manhid na tao."
Simula grade seven pa lang ako ay gusto ko na si Samuel. Iba kasi ang dating niya para sa akin. Hindi siya gaya ng iba na puro barkada ang inaatupag. CAT siya rito sa campus at tapat siya sa tungkuling ginagampanan niya rito. At bukod pa roon ay player siya ng basketball at bali-balita na siya ang magiging valedictorian ngayong taon. Graduating na siya this year dahil grade twelve na siya.
BINABASA MO ANG
When She Met Him
Short StoryTotoo nga bang kapag nagkagusto tayo sa isang tao ay hindi na natin ito kayang pigilan? Well, I guess so. Like Celine who liked Samuel in the very first time she met him. Tila hindi na nga niya napigilan ang kanyang pagkagusto kay Samuel na nagbigay...