Kabanata 2

696 28 1
                                    

Lumipas ang higit isang buwan at sobrang saya ang nararamdaman ko dahil ang unang beses naming pagsabay sa jeep ay nasundan pa ng maraming beses. Nagtataka na nga sa akin sina Mommy at Daddy kung bakit hindi na raw ako nagpapasundo sa driver namin kaya sinabi ko ang totoo. Hindi naman sila nagalit ngunit hindi ko naiwasan ang mga pangaral nila. 'Wag daw munang humantong sa pagmamahal ang pagkakagusto ko kay Samuel dahil baka masaktan lang daw ako.


Naisip ko nga, bakit hindi ko pa noon ginawa na sabayan siya sa kanyang pag-uwi para mapansin niya? Saan ba nakatuon ang atensyon ko noon para lang mapansin niya kaya hindi man lang ito sumagi sa isip ko? Kung kailan malapit nang matapos ang school year saka pa ito nangyayari. Nakakapanghinayang!


Muli akong narito sa waiting shed kung saan ko siya madalas na hinihintay. Suportado na ako ngayon ni Sofia at hindi na siya kontra dahil daw sa wakas ay napansin din ako ni Samuel.


"Kanina ka pa?" tanong ni Samuel nang makita niya ako. Nakalabas na pala siya.


Umiling ako. "Nasaan ang mga kaibigan mo?" tanong ko. Hindi niya yata kasama ngayon.


"Nauna na. Alam mo namang tricycle ang sinasakyan ng mga 'yon," sagot niya. "Tara na," pag-aaya niya kaya tumango ako.


Hindi ko alam kung ano ba'ng maitatawag sa mayroon sa amin ngayon ni Samuel ngunit masaya na ako rito. Ayokong magtanong dahil baka masaktan lang ako sa katotohanang wala naman talagang namamagitan sa amin kundi ang pagkakaibigang inuumpisahan palang naming mabuo. Nagsisimula pa lang ang lahat at ayokong tapusin ito agad.


"Hm. Kain tayo. Libre ko," nakangiting sambit niya.


Napangiti rin ako. "Ano naman ang kakainin natin?"


Tinignan niya ang mga street foods na narito sa gilid ng school, napalunok naman ako. Kahit na matagal na akong nag-aaral dito ay hindi ko pa nasubukang kumain ng isa sa mga street foods na narito.


"Kumakain ka ba riyan?" tanong niya sabay turo. "Ano'ng gusto mo?"


"Kahit ano," tipid na sagot ko. Mukhang mapapakain ako ngayon dito, a. Pero ayos lang siya naman ang kasama ko. 'Tsaka paniguradong malinis naman 'yan 'di ba?


Lumapit kami sa isang stall na nagtitinda ng hugis bilog na mukhang pusit yata 'yon tapos isasawsaw niya sa harina at ilulubog sa mantika. Anong tawag do'n?


Nagtuhog si Samuel at ibinagay sa akin. Walang-alinlangan ko namang tinanggap 'yon. Pinagmasdan ko muna ang pagkaing 'yon. Talaga bang nakakain 'to?


Dahan-dahan kong nilapit sa aking bibig 'yon at kinagatan nang maliit. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti kaya ngumiti rin ako. 'Yong ngiti na matagal ko ng pinangarap kapag ako ang nasa harap niya. Tila unti-unti ko nang nakakamit ngayon.


"Ano nga'ng tawag dito?" tanong ko. Masarap naman ito at madaling nagustuhan ng dila ko.


When She Met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon