"P'wede bang manghingi ng pabor?" tanong niya sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. "Anong pabor?" tanong ko at sumimsim sa kape na nasa aking harapan.
Huminga siya nang malalim at iniiwas ang tingin sa akin. Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na hindi ko magugustuhan ang anumang sasabihin niya. Nag-text siya sa akin kanina at tinanong kung p'wede raw ba kaming magkita at mag-usap kaya pinagbigyan ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag, kaya nang makarating ako rito kanina ay nagulat ako nang siya ang makita ko.
"Iwasan mo siya. 'Wag na 'wag ka nang magpapakita sa kanya. Masaya na kami, kaya please lang Celine, layuan mo siya," sambit niya at alam kong malungkot at puno ng pagsusumamo ang kanyang tinig.
Literal akong natigilan at tila kumawala ang kaluluwa ko sa aking pagkatao. Parang hindi kayang iproseso ng aking utak ang mga sinabi niya. Parang kailangan ko munang i-reboot ang utak ko para unti-unting magproseso ang mga tinuran niya.
Hindi ako tanga para hindi malaman na si Samuel ang kanyang tinutukoy. At kanina ko lang din napagtanto na si Dra. Castañeda pala na doctor ni Zaira, ay si Khlea Castañeda.
Bakit ba napakaliit ng mundong ginagalawan namin?
Napangisi ako. "Wala akong ginagawa," natatawang sabi ko. "Nagkataon lang siguro na nagkita kami no'ng check-up ng pamangkin ko. That's not my fault anymore."
"Bakit ka ba nanggugulo ha? Hanggang ngayon ba magiging relationship wrecker ka pa rin?! Damn Celine! It's been six years. Grow up!"
Hindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasampal ko nang malakas ang kanang pisngi niya. Nagulat siya sa nangyari at hindi agad nakapagsalita. Napatingin sa amin ang ibang costumer dito sa coffee shop, ngunit wala akong pakialam. Hindi ko alam kung saan niya hinuhugot ang mga salitang sinasabi niya. Nababaliw na yata siya. Siya ang kailangang mag-grow-up, hindi ako!
Masama ko siyang tinignan. "As I was saying Khlea, wala akong ginagawa. I wonder kung mayro'n nga ba talagang kayo, dahil minsan mo nang sinabi 'yan noon pero hindi naman totoo!" nanggagalaiting sabi ko.
Ako pa? Ako pa talaga ang naging relationship wrecker? Napakawalang-hiya talaga ng babaeng 'yan. Simula noon pa lang naiinis na ako sa kanya, hindi ko lang pinapakita dahil ayokong gumawa ng gulo, pero dahil sa mga sinasabi niya ay siya mismo ang nagtutulak sa sarili niya para masaktan siya.
"Akin lang si Samuel, akin lang siya!" untad niya at nakatingin din sa akin nang masama.
Ngumisi ako. "Iyong-iyo na, walang umaagaw sa'yo, pero naisip ko lang kung ba't nagkakaganyan ka. Are you afraid of losing a king that wasn't yours in a first place?" tanong ko na ikinatigil niya kaya mas lalong lumaki ang ngisi sa aking labi. Ano ka ngayon?
Hindi naman talaga sa kanya si Samuel, a. Si Samuel na mismo ang nagsabi sa akin noon no'ng high school pa kami na hindi niya girlfriend si Khlea. Pero... Hindi ko lang alam ngayon kung ano na nga ba ang relasyon nilang dalawa, at ayoko nang magtanong, ayokong malaman.
'Tsaka it's been two weeks simula no'ng muli kaming magkita ni Samuel at hindi na muling nag-cross ang landas naming dalawa. Hindi ko na siya muling nakita pagtapos ng araw na iyon. Mukhang wala na rin namang rason para magkita pa kami. Binalik niya ang scrap book na binigay ko sa kanya noon. Iyon lang naman ang nagpapaala sa akin sa kanya, e. Pero ngayong binalik na niya, wala ng rason para muli niya pa akong alalahain, para muli pa siyang bumalik sa alaala ko. 'Yong scrap book na 'yon ang magbibigay sa akin ng kirot sa puso kapag muli ko pang tinignan.
Aaminin ko, oo masakit. Nasasaktan ako dahil parang wala lang 'yong mga alaala namin noong high school pa kami. Nasasaktan ako dahil ang lamig ng naging pakitungo niya sa akin, at kung tignan niya ako ay tila wala na talaga siyang pakialam. At nasasaktan ako dahil hanggang ngayon paulit-ulit na nage-echo sa aking utak ang mga tanong na 'paano'. Paano kung hindi ko siya iniwan? Paano kung sinabi ko sa kanya ang totoo? Maiintindihan niya kaya ako?
BINABASA MO ANG
When She Met Him
Short StoryTotoo nga bang kapag nagkagusto tayo sa isang tao ay hindi na natin ito kayang pigilan? Well, I guess so. Like Celine who liked Samuel in the very first time she met him. Tila hindi na nga niya napigilan ang kanyang pagkagusto kay Samuel na nagbigay...