Ang manirahan sa Canada sa loob ng mahigit anim na taon ay hindi gano'n kadali. Laking Pilipinas ako kaya ako ang kailangan mag-adjust sa mga bagay na nakasanayan ko at kailangan kong gawin. Kailangan ko ring pakisamahan ang mga pinsan ko. Hindi naman sa iba ang ugali nila, ang katunayan nga ay mababait sila. Hindi lang talaga ako komportable sa presensya nila, dahil hindi naman kami lumaking magkakasama.
Pero sa huli, ay nakasanayan ko na rin na sila ang palaging nakakasama ko. Wala rin naman akong pagpipilian. Sa bahay nila Tita Cynthia ako tumira habang nag-aaral ako. Binibisita ako roon nila Mommy at Daddy kapag bakasyon, kasama nila ang kapatid kong kambal. Naging masaya naman ako, pero syempre kaakibat ng pagiging masaya ang lungkot.
Isang taon matapos kong lisanin ang Pilipinas ay tinawagan ako ni Sofia. Nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko man lang daw sinabi sa kanya. Naiinis siya dahil bestfriend ko siya tapos hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya. Na-guilty ako syempre, kaya sobra-sobrang paghingi ng tawad ang ginawa ko. Alam kong ngayon ay okay na kami, pero kailangan ko pa ring makausap siya nang personal para humingi ng tawad. Hindi ko man siya makausap ngayon, baka sa susunod na araw na lang.
"Ano? May jetlag ka pa rin ba?" tanong sa akin ni Ate Carla nang pumasok siya sa kuwarto ko rito sa bahay nila.
Umiling naman ako. "Wala na," nakangiting sagot ko.
Tatlong araw na ang nakalilipas simula nang makauwi ako galing ng Canada. Sa ngayon ay dito ako tumutuloy sa bahay nila Ate Carla. Dapat nga sa bahay namin ang diretso namin noong sinundo nila ako sa airport, kaya lang sabi ko sa bahay na lang muna nila ng asawa niya dahil mas malapit, para makapagpahinga na rin ako.
"Buti naman," nakangiting sabi niya at naupo sa gilid ng kama. Naupo rin ako mula sa pagkakahiga ko kanina. "May lakad ba kayo ni Jasper?"
Umiling ako. "Wala naman. Pero ang sabi niya bibisita raw siya rito," sagot ko.
Si Jasper ay 'yong naging kaibigan ko sa Canada simula noong nag-aral ako roon. Pilipino rin siya at naging exchange student siya. Ngayong graduate na siya ay umuwi na siya rito sa Pilipinas pero ro'n sa Canada niya balak magtrabaho pagtapos ng bakasyon niya. Actually, nanligaw siya sa akin noon pero hindi ko pinaunlakan. Hindi pa kasi ako handang magmahal noon 'tsaka nag-aaral pa ako, pero ngayon mukhang handa na muli ang puso ko at handa na rin ako. Ang taong magmamahal na lang sa akin ang hinihintay ko.
"Wow! Totohanan na ba 'yan? Manliligaw na ba ulit siya sa'yo?" tanong ni Ate.
Natawa lang ako. "Ate, we're just friends," sambit ko naman.
He's my friend pero kung dumating man ang pagkakataong humigit pa ro'n ang mangyari, bakit hindi 'di ba? Ayos naman na ang lahat ngayon. Isa rin naman ang gaya ni Jasper sa mga tipo ng kababaihan. Mabait pa siya at palabiro kaya walang rason para hindi ko siya magustuhan.
"What if he courts you again, sasagutin mo ba?"
Tipid akong ngumiti. "Maybe," sagot ko.
Bigla akong pinaghahampas ni Ate habang tumitili. "Omg! Hindi ako makapaniwala. Magkakabayaw na ako!" sigaw niya habang patuloy akong hinampas.
Hinuli ko naman ang kamay niya para matigil siya sa paghampas sa akin. Masakit kaya 'yon. "Ate! Tama na, masakit!," pigil ko kaya tumigil na siya. "'Tsaka anong bayaw ka riyan? 'Wag mong pangunahan ang lahat."
"Ano ka ba?! Masaya lang ako dahil finally, tatanggapin mo na bilang manliligaw mo si Jasper."
"Ate, kung lang naman 'yon. 'Tsaka trabaho ang priority namin, 'no."
Umiling-iling naman siya. "Basta, I'm looking forward for that to happen," aniya.
Napailing na lang din ako dahil sa kakulitan nitong si Ate. Ever since ay boto na sila kay Jasper, dahil noong college pa lang kami ay kinausap na niya sina Mommy at Daddy para ligawan ako. Sobrang galang niya sa mga magulang ko kaya hindi na ako magtataka kung magustuhan talaga siya nila Mommy. Even my sibblings ay gusto rin siya para sa akin. Kaya ano pa'ng aayawan ko sa kanya, kumbaga package na ang isang Jasper Rosales. 'Tsaka noon pa lang ay naipakilala na niya ako sa mga magulang niya sa pamamagitan ng skype at boto rin sila sa akin para kay Jasper. Nakakatuwa nga na gano'n kainit ang pagtanggap sa akin ng pamilya niya kahit sa skype ko lang naman sila nakakausap. Masaya silang kausap, at madalas nilang ilaglag si Jasper sa mga naging kalokohan niya, kaya naging magaan din ang loob ko sa pamilya niya lalong-lalo na syempre kay Jasper.
BINABASA MO ANG
When She Met Him
Short StoryTotoo nga bang kapag nagkagusto tayo sa isang tao ay hindi na natin ito kayang pigilan? Well, I guess so. Like Celine who liked Samuel in the very first time she met him. Tila hindi na nga niya napigilan ang kanyang pagkagusto kay Samuel na nagbigay...