Anim na taon. Anim na taon na ang nakalilipas simula nang iwan niya ako. Masakit, syempre. Sino ba namang hindi masasaktan na iwan ka ng taong mahal mo 'di ba? Tapos wala pang pasabi. Nagmistula akong tanga dahil umasa ako, umasa ako na pupunta siya noong graduation ko noong high school, pero hindi siya dumating. Hindi siya nagpakita.
"Ruan, wala pa ba?" tanong sa akin ni Mama.
Ngumiti ako nang mapakla. "Wala pa po. Baka na-traffic lang. Hintay lang tayo saglit," sagot ko.
Halos kalahating oras na ang nakalilipas simula nang matapos ang graduation namin pero hindi pa rin siya dumarating. Kahit ni anino niya ay hindi ko matanaw. Nasaan ka na ba Celine? Pinag-aalala mo ako.
Hawak ko ang isang maliit na jar na may lamang maraming sulat para sa kanya. Manila paper ang ginamit kong papel at ginupit ito sa maliliit saka sinulatan at binilog. Sana magustuhan niya. Hindi man ito kasing mahal ng mga nilalagay ng iba sa locker niya, pero at least buong effort ko 'tong ginawa at galing sa puso.
Noon pa man ay may pagtingin na ako sa kanya. Ayoko lang ipakita dahil masyado pa siyang bata noong mga panahong nalaman kong may gusto siya sa akin. Nakikita ko ang mga lalaking naglalagay ng kung ano sa locker niya. Hindi ako mayaman gaya nila, kaya sinubukan kong maglagay ng manila paper doon na hindi naman gano'n kalaki at sinulatan. Hindi na ako umasa na itatago niya 'yon o babasahin man lang, dahil madalas ko siyang makita na itinatapon lang ang mga ito. Pero nagpatuloy pa rin ako. Minsan tatlong beses sa isang linggo akong maglagay ng letter sa locker niya.
No'ng nalaman kong hindi naman pala niya binabasa ang mga letter na binibigay sa kanya ay parang nadismaya ako. Ibig sabihin hindi niya pa rin alam na may pagtingin din ako sa kanya.
"Kuya, wala pa ba si Ate Celine? Nagugutom na ako," malungkot na sabi ng aking bunsong kapatid.
"Wala pa, e. Konting hintay na lang, a," ani ko at nginitian siya saka ginulo ang kanyang buhok.
"Konti na naman? Ang dami na ng konti mo," pagmamaktol niya at naglakad muli patungo kay Mama. Huminga na lang ako nang malalim at pinalakas ang aking loob na darating siya.
Ngayon ko kasi gustong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Alam kong dapat noon pa, pero mas nais ko ngayon dahil graduated na ako. Alam kong wala pa akong maipagmamalaki sa kanya dahil mahirap lang ako at mayaman siya pero mangangako akong pagbubutihan ko ang pag-aaral ko sa college para maging magaling na pediatrician ako. Para may maipagmalaki na rin ako sa pamilya niya, lalong-lalo na sa kanya.
Lumipas ang isang oras, dalawang oras ngunit walang Celine na dumating. Naghintay ako nang matagal para sa kanya ngunit hindi siya nagpakita. Nauna na ngang umuwi sa akin sina Mama dahil nagugutom na talaga ang kapatid ko, kaya naiwan akong mag-isa sa school tapos ako na lang din ang natira.
Umuwi akong bigo. Bigong-bigo.
Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi ko naman ma-contact ang cellphone niya. Tinignan ko ang kanyang facebook account dahil baka sakaling naka-online siya ngunit deactivated na ito. Ano ba ang nangyayari sa'yo Celine?
"Samuel." Natigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin. Nilingon ko kung sino siya at saka nginitian.
"O, Sofia ikaw pala. Bakit?"
"Alam ko na kung nasaan si Celine," malungkot na sabi niya na ikinatigil ko.
Isang taon na ang nakakalipas simula nang wala na kaming matanggap na balita mula sa kanya. Nagpunta kami sa bahay nila ngunit mga katulong lang ang madalas naming madatnan doon at ayaw naman nilang sabihin kung nasaan si Celine. Laging nasa trabaho ang kanyang mga magulang kaya wala kaming napagtanungan kung nasaan siya. Kaming dalawa ni Sofia ang gumagawa ng paraan para lang malaman namin kung nasaan siya pero hindi kami nagtagumpay, hanggang sa unti-unti na kaming sumuko at hintayin na siya na mismo ang magsabi kung nasaan siya.
BINABASA MO ANG
When She Met Him
Short StoryTotoo nga bang kapag nagkagusto tayo sa isang tao ay hindi na natin ito kayang pigilan? Well, I guess so. Like Celine who liked Samuel in the very first time she met him. Tila hindi na nga niya napigilan ang kanyang pagkagusto kay Samuel na nagbigay...