Ahri's Pov*
"Hoy! Ahri! Gising na! Male-late ma tayo!" Ay bwesit! Agang-aga nagsisigaw to'ng si Smile "oh? Ang aga-aga pa Smile! Styaka ano bah 5:46 palang nang umaga matulog kana ulit!" Sinamaan nya ako ng tingin "Hoy bruha! Nakalimutan mo ba na First Day of School natin ngayon sa Griffin High?? Duh! Wake up girl 7:00 yung pasok natin kaya bumangon kana diyan at maligo na choo!" Aba aba? Maka choo to e nasa kwarto ko naman siya sisipain ko 'tong babae na to e! "Oo na! Lumabas kana nga!" Hayss! Buti lumabas na sya. Nga pala ako si Ahri Park half korean ako kasi si mama yung may lahing Kor. At si Smile? Sus bestfriend ko yun! Yan nga lang parang nanakay ko na e! May sariling bahay kami ngayun ni Smile nag to-two Man Living kami ngayon. Yung parents naman namin nag babayad ng kuryente.
Pag katapos namin mag ayos agad-agad kami nag puntang paaralan excited na kasi kame kung ano yung section namin. Pagpasok dun binati namin yung guard tapus tinignan namin yung board kung saan naka lagay yung mga Student's Section at ang Name ng room nila. "Oh! Oh! 3A ako- ay sayang di tayo magkaklase Ahri." Nag pout pasya.
"Ano kaba okay lang yan... Oh ayan nasa 2A ako magkatabi lang yung rooms naten."
"Ay gusto ko sana magkaklase tayo ulit. Haysss" napayuko naman si smile tapus biglang may tumabid saamin na lalake "tss alis!" Oh? First day ng school ang init ng ulo? "Um hello goodmorning sayo umm mainit ngayon yung ulo mo baka pwede mong wag kami pagsigawan? Nakakahiya lang kase e bago lang kaming lipat dito ng school" sabi ni smile sa kanya ng dahan-dahan. Tumingin samin yung lalake.. Woah gwapo nya pala siguro may kaya ito. " pakealam ko ba kung mainit yung ulo ko? E ano naman kung pinagsisigawan ko kayo? Kayo ba may ari ng eskwelahan nato? Bago lang kayo dito at styaka tapos naman kayo sigurong malaman kung ano yung section nyo? Kaya alis na!!" Aba?!? Nasosobrahan ata to a! 'Kala mo kung sino!
"Stoy! Lalake! Ewan ko ba kung sino ka! Ang kapal ng mukha mo e noh?!? First Day na First Day of school ng bwibwisit ka! Ganyan kaba kasama?!? Kung may problema kaman sa buhay mo, pwes! Wag mo kaming idamay dito!" Hindi ko kasi napigilan sarili ko ang sama naman nya, sayang pa kasi ang gwapo nya at mukhang mayaman ganun pala yung ugali parang basura nakakasuka! Matapos kong pagsabi sa kanya yun, natulala agad sya. Oh? Hindi makapag salita namumula yung mukha anong nangyare sakanya? Anong masama sa sinabi ko kanina? Totoo naman yun diba?
Tumalikod sya ang nag lakad na. Hahabulin sana ni Smile kaso pinigilan ko sya "ano bah Ahri?!? Dapat sa kanya suntukin e!" Oh my nagalit XD "hayaan mo na baka makita patayo ng mga guro dito at mapapa Guidance tayo ayoko naman magkarecord dun'" sabi ko sa kanya. Nung nag bell na agad akong pumunta sa classroom kung saan dapat ako. Pagpasok ko sakto yung pagdating ng Advisory namin. Teka mukhang kilala ko ata yung nasa harapan ko.. Siya ba? Siya nga ba? Totoo? Totoo nga! Isya! Yung lalakeng kaaway namin kanina!
Nagsimula ang Guro sa pagsalita "since all of you nandito lang talaga sa Griffin High mula nung Grade 7 kayo mukhang kilala nyu na ata yung Classmates nyo except lang sa isa nating transferee dito.. Ms. park please introduce your self to your new Classmates" naglakad ako sa harapan at pinakilala ko na yung sarili ko "Hi i'm Ahri Park half korean dahil sa mama ko. Umm... Dito ako pumasok kasi akala ko talaga maganda ang school nato e" bigla nalang sumagot yung kaklase naming lalake "ha? E maganda naman tong' Paaralan nato ha? Bakit may problema bah?" Tanong niya sakin halos silang lahat mukhang gusto malaman kung bakit, pati narin yung Teacher namin. Yung lalakeng Nag away samin kanina nakatitig lang sakin. "um.. May masamang ispirito kasi sumalubong samin kanina ang aga-aga umiinit yung ulo niya naasar natalaga kami ng kasama ko e" bigla lang nila tinuro yung lalakeng kaaway namin "Ah siya ba'to? Siya ba tinutukoy mo?" Mukhang buong eskwelahan kilala sya at sa ugali nya a? Well goodjob nalang sayo "yup"
"Sige na hayaan nyu na si jake diyan at salamat sa pag papakilala saamin Ahri you may now take a sit" Jake nga pala ha? Gandang pangalang yung ugali parang basura che!
Nag break time na. Lumabas agad ako ng room namin para sunduin si Smile sa kabilang Kwarto mukhang may bagong siyang Friend.. May kinakausap siyang lalake at ang smile nya parang walang bukas, Sabagay Smile rin yung pangalan niya.
"Oy! Andyan kana pala Ahri! Halika sama ka samin mag kwentuhan tayo!" Yaya niya sakin. Pag upo namin sa upuan ng cateen ipinakilala agad ako ni Smile sa lalake "Ahr this is Ren, Ren this is Ahri" tapus agad kong tinanong yung parteh sa Jake nayon. "So ren nga pala, may tatanong lang sana ako sayo"
"Ano yun?"
"Umm.. Famous bah si Jake sainyong skwelahan dito?"
"Aah yung Jake Khan nayon? Oo famous yun, Negatibong Famous dahil sa kaniyang ugali nayon. Mapapilosopo at mapang asar-"
"Teka! OP ako ha? Sino yung Jake na pinag uusapan niyo?" Singit naman ni Smile
"Umm smile yung kaaway natin kanina. Classmate ko nga pala siya ngayon. Hayss" sagot ko sa kanya at kumain na ng pagkain ko. Nakita ko si Jake papalapit samin. Dinaanan niya lang kami at nalaglag yung wallet niya at umupo sa bakanteng table. Pinulot ko yung wallet nya at inabot sa kanya. " umm Jake sayo ata to. Nalalag mo" tumingin sya sakin at nag iwas narin. Hindi nya ako pinansin. Uminit yung ulo ko "THANK YOU HA!" sigaw ko sa kanya. Tumingin sya sakin at nag smile sh*t ang Gwapo! Wait wait! Focuse Ahri "You're Welcome" ay letse! Pilosopo talaga to! Sisipain ko 'to e! Nagpabelat ako sa kanta at Bumalik naako sa kanila Smile at pinatuloy kung pagkakain kain ko ng ulam ko.
"Ay? Nakakaawa yung saging sa pag tusok-tusok mo ng tinindor diyan Ahri" sabi ni Smile lokong to'
"Wag mo na siyang intindihin. Hayaan mo na yun. Ganyan naman din palagi e. Pero kapag nag karoon ng Girlfriend yan todo sa katinuan at seryoso siya tapos kapag nag break naman balik uli sa dati na parang walang pinag samahan" sanabi ni Ren saamin. Op? Bakit alam nya tungkol kay Jake?
"Oy bakit alam mo yan parteh diyan?" Tanong sa kanya ni Smile
"Abat- siyempre matagal na silang nag aaral dito malamang alam niya yan." Sagot ko. Tumawa saamin si Ren at napakalot naman kami ni Smile sa noo. Ano bas kasi nakakatawa sa sinabi namin? "Kasi kapatid ko yan." Huminga siya ng malalim at kami naman napa nganga sa sinabi niya. Nakakagulat lang ha. "Wait nalilito ako e, kung kapatid nga kayo, bakit di kayo magkasama?" Tanong ko sa kanya.
"Umm kasi kapag dito sa eskwelahan tinuturing niya lang ako na parang ordinaryong Studiyante. Pag nasa bahay kami ang baitbait niyan at ang sweet pa niya."
"Oh? Bakit dun lang sa bahay? Pwede naman siyang magkaganyan dito sa School."
"Ewan ko ba dun"
Bumalik na agad kami sa classroom namin. Nang matapos na yung klase nag paalam na kami agad kay Ren. Nakita ko rin na lumabas ng Room si Jake at Tumingin sakin. Ngumiti sya na parang kinik- ay este na parang may something lang sa ngiti niya.. Hayss...