Ren's POV
"Jake? Ren? Hali kayo dito may sasabihin ako."
Tinawag kami ni mama. "Ano po ma?" Tanong ni jake sa kanya. Yung mukha ni mama mukhang nagagalit yata."May tinatago ba kayo sakin mulang Grade 7 pa kayo?" Napa mulat kami ng mga mata namin ni jake. Mukhang nag iisip si jake ng mga sagot para sa mga tanong ni mama.
"Huh? Grade 7? Wala naman ah?" Sabi ko sa kanya. Hindi naniniwala si mama saamin. "Talaga? Eh nakita ko yung post isa sa mga classmates nyu na itong si Jake daw kapag nasa paaralan nyo tinatrato kanya Ren na parang normal na tao at nagiging pilosopo at masama ito! Jake! Totoo ba ito?!?"Nagulat kami ni jake sa sinabi ni mama nun. At dahil hindi namin mapa ikot si mama sa mga salita namin kaya...
"Umm... Sino nag sabi sayon yan ma?" Tanong ni jake sa kanya."Nakita ko sa FB kanina, anak ng bussiness buddy ko. Yung tito Mark nyo, yung si Ahri Park. Mag kaklase kayo? Shinawt out nya yung buong pangalan mo at sinabi na ang sama mo daw. Pati si Ren hindi mo tinatrato na kapatid sa school nyo. Totoo ba yan?"
"Sorry ma, totoo yun.. At hindi ko kasi mapigilan ang mga ginagawa ko."
"Oh? Bakit dito sabay ang bait mo?" Tatawa sana ako sa sinabi ni mama pero sinamaan ako ng tingin ni jake. "Hindi ko alam.."
"Pwes! Hanggang ngayon dadalhin mo ang ugaling pambahay mo sa paraalan niyo! Hinding hindi kita mapapatawad kapag hindi mo magawa niyan Jake! At sakaling palalayasin kita dito!"
"Tss.. Sorry na ma Oo na oo na."
Wala ako napasabi sa kanila. Lumakad na kami ni Jake at sumakay ng sasakyan.Jake's POV
Puteks na Ahri nayan! Napa shout out yung buong pangalan ko! Bwiset! Ayan tuloy napagalitan ako ni mama! Pero....... Mag kakilala pala si mama at yung tatay niya? Grabeh!Ilang minuto nandito na kaming paaralan. Nakita naman namin sina Smile at yung Ahri nayun -__-
"Dapat tayong mag kita mamaya sa field pagkatapos ng class.""Bakit?" Tanong ni Miss mabarang -__-
"Tsss pumunta ka nalang mamaya! Tatanong kapa kung bakit. Hali kana! Male-late na tayo!" Hinila ko sya papuntang room. Maraming tao nagkatinginan saamin. "Ano bah! Bitiwan mo nga ako!" Binitiwan ko sya at nagpatuloy lang ako sa paglakad.Ahri's POV
Anong nakain ng Jake nato? Tss maraming tao nagkatinginan saamin. Naririnig ko rin yung mga nag bubulungang babae "wow grabeh. Hindi lang pala si Jake ang maangas dito pati narin yung Ahri nayun. Tingin nyu bah bagay silang dalawa?" G1"Oo nga ee First Day ng school nakikita ko yan na nag aaway yan. Pero mukhang Rivals." G2
"Eh paanong nag mukhang Rivals yan? Eh magkasama ngang paakyat yan dito ee. Siguro frienimies?" G3
Aba-abah? Grabeh sila ah? Ang galing pati yung pangalan ko kalat na. Styaka hindi kami Bagay noh! Tao kami! Che! Tapus oo na mukhang Rivals kami! At ever kaming magiging Friends ng mokong yun!
Lumapit si Jake sakin at tinanong ako kung papasok ako. "Hoy Miss mabarang diyan kanalang ba? Hindi kana papasok?"
"Sa tingin mo? Pumunta ako rito para lang tumayo at mag pangiha?"
"Ewan ko sayo"
Pumasok na kaming room.Nag break time na, agad-agad nagsilabasan yung mga kaklase namin. Dito ako kakain sa loob may dala naman kasi akong baong kanin. Kakain na sana ako ng hinawakan ni jake yung Braso ko ng mahigpit. "Hoy ano ba yung post mo sa FB?!? Ha?!? Nakita ni mama yun at napagalitan ako! Talaga lang ha? Na shout out mopa yung buong pangalan ko?" Ay nagalit. Oo nga pala nakapag post ako sa FB ko kahapon. Naiirita na kasi ako e.
