Maniniwala ka bang magiging partner-partner ang bakasyon na to? Syempre couples halos lahat ng kasama namin. Dun ko nalaman na may bf pala tong si Gem. Kaso hindi daw makakasama samin, for some personal matters daw.
Well I want you to meet my peers :)
JONAS - Mabait, sweet sa girlfriend nya. Joker ng grupo. Kpag kasama mo sya kumpleto yung araw mo sa kakatawa.
KELLY - Sya yung girlfriend ni Jonas, mukang geek, nerd nga kung tawagin sa grupo, pero hindi sya mukang nerd na may malalaking salamin kung titingnan. Sobrang seryoso lang talaga sa pag-aaral. Maloko din sya kagaya ni Jonas kaya siguro nagkasundo silang dalawa.
SEB - Sebastian yung real name nya, Seb for short, Sya yung music lover sa grupo namin, scene kid kung pumorma, yung parang emo style pero mas astig sa emo. pero di emo yun. Actually halos lahat naman kami scene kid ang porma.
KIMMI - "FASHIONISTA" ika nga nila Gem. Critic sya pagdating sa pormahan, sya yung girlfriend ni Seb. Makulit at maingay, happy go lucky kaming lahat pero sya yung pinaka. Palibhasa anak sya ng governor sa isang probinsya.
GEM - Eto na sya. Nasubgit, weird, abnoy! PERO sweet! Kumbaga sa grupo sya yung advicer. Pag may problema yung isa samin sakanya lang lumalapit, humihinga ng advice kung anung dapat gawing move. Magaling syang mag-advice para talagang isa sa mga critics sa love kapag sa tv. Haha. Pero hindi na ata maalis sakanya yung pagiging moody nya.
AKO - Ako yung tipo ng barkada na tahimik, pero kapag nagbiro siguradong tatawa ka o kaya naman sa pag aadvice iiyak ka dahil masasaktan at tatamaan ka talaga. Madali naman akong pakisamahan ayoko lang talaga sa mga taong may bf/gf na nga nakikipag flirt pa sa iba.
BACK TO THE STORY
Maaga kong gumising dahil ako yung naka toka para sunduin sila. Nagkasundo kasi sila na sasakyan ko yung gagamitin namin. Ayaw naman nila ng sinuggest ni Kimmi na mag plane mas gusto daw nila yung ganito para naman daw JOYRIDE. After kong maligo, mag-ayos ng gamit at mag-almusal, chineck ko agad yung sasakyan ko para sure na walang magiging aberya sa byahe. although pinacheck-up ko na to sa Honda kahapon. After all those activities na ginawa ko una kong sinundo si GEM, sya kasi yung inaka malapit na bahay samin.
SHIN: Good Morning Mrs. Feliciano.
MRS. FELICIANO: Good Morning din Shin. Saan ba ang bakasyon ng barkada nyio't napakaaga nyong umalis?
GEM: Ma, I told you already! Kelangan pa bang uliting itanong kay Shin?
MRS. FELICIANO: Kasama nyo ba si Alvin?
ALVIN - nakalimutan ko pa lang ipakilala sainyo, si Alvin sya yung 3 years boyfriend ni Gem, Sabi nila Seb, sa FEU daw sya nag-aaral, chickboy,warfrerak, at kung anu-ano pang negative comments ang naririnig ko about sakanya. Kaya malaking question mark sa isip naming magbabarkada kung bakit nagustuhan sya ng isang Gem na akala mo bossing at hinding hindi papatol sa ganung uri ng lalaki. Pero wag natin syang husgahan agad. Soon malalaman ko din.
GEM: Nope si Seb, Kimmi, Kelly, Jonas, at yang si Shin lang yung kasama ko.
MRS. FELICIANO: Bakit hindi kasama si Alvin? Aba! Shin ingatan mo yang kaisa-isa kong anak ha?
GEM: MA! Ano ka ba? Kaya ko yung sarili ko. Hindi mo na ko dapat pinagbibilin pa sakanya!
MRS. FELICIANO: Bakit? Anong problema dun? Pinagbibilin lang naman kita.