--A weird girl, A silent type guy, Became BESTFRIENDS lead to LOVERS--
Bago ang lahat gusto kong ipakilala yung sarili ko sainyo. Ako si Shin Leewis anak ng isang American-Chinese business man at isang Mexican-Filipina. Ang weird ng dugo ko pero walang imposible sa mundong ibabaw. Lumaki ako sa isang mayaman at kilalang pamilya. Hindi namin sakop ang pulitika pero maraming kaibigang matataas na opisyales ang mga kamag-anak ko lalo na ang lolo ko.
Lumaki ako sa America, isang anak lamang ako at pinakabunso sa lahat ng magpipinsan. Late na din kasi nag asawa ang Mommy ko. Di nagtagal nagkasundo ang parents ko na sa Pilipinas na ko mag-aral at mag stay. Masaya at Excited ako! After 5 years makakarating na ulit ako sa lugar na yun.
Eto na nga! Habang papunta kaming airport, hindi ako mapakali napakarami kong binabalak kapag nakauwi na ko dun. Ang dami kong gustong puntahan at syempre medyo kinakabahan dahil another chapter ng buhay ko yung bubuuin ko dun.
Hanggang sa napansin na ng daddy ko na hindi ako talaga mapakali sa kinauupuan ko.
"Shin! Are you okay? Is there something wrong?", tanong ng daddy ko na takang taka sa mga pinagkikilos ko.
"Yes daddy, I'm kinda excited to see my cousins'', nakangiti kong sagot sakanya.
Pagkatapos ng ilang araw na byahe nakarating din kami sa Pinas, sinalubong kami ng tita ko na halatang nagulat pa ng makita ko. Sabagay 5 years ba naman hindi ka magugulat diba?
"Eto na ba si Shin?! Napaka gwapo't binatang binata na ah", may halong gulat at pagtataka na tinanong ng tita ko.
"Oo sya na yan, binabalak na nga din namin na dito na lang sya mag-aral para naman masanay din sya dito, tsaka naman tutal gusto nyang tumira talaga dito'', paliwanag ni mommy habang inaayos yung mga gamit sa sasakyan namin pauwi sa bahay ni lola.
"Hindi naman masama kung dito na sya mag-aaral, infact maganda naman ang ways ng pagtuturo nila dito, ipasok mo na lang sya sa La Salle kasama ng Ate Jenica nya", sabi ni tita ko na halatang natutuwa sa mga nababalitaan kay mommy.
Hanggang sa nakapunta na kami sa bahay ng lola ko walang katapusang chismisan at kwentuhan yung ginagawa nila ni mommy. Napapangiwi na lang nga kami ni Daddy dahil paminsan-minsan yung ibang words hindi na namin maintindihan. Eto na nga ba yung inaalala ko apag andito na ko. Hirap akong umintindi ng malalin na TAGALOOOOOOG!
Humarap ako kay Lola at nagmano. Hindi sya makapaiwalang ako na yung kaharap nya. Gaya ng nakagawian tuwing makikita nya ko nung bata pa ko. Nagpapakiss sya sa cheeks. Ginawa ko naman tinanong nya rin ako sa byahe ko. Okay naman yung byahe medyo pagod lang talaga. Ang sakit kaya sa pwet na umupo magdamagan diba?
Di naman tumagal dumating sila Ate Jenicka at ang iba ko pang pinsan. Bago pala ang lahat nakakapagsalita ako ng tagalog. Hindi lang yung malalalim na salita. Hindi ako ganun kafluent pero nakakaintindi ako. English pa rin yung madalas na ginagamit ko kapag nagsasalita ako.
Biglang-bigla ako sa sigaw ng pinaka cute kong pinsan na si Ate Jenicka. ''SHIN!'' Niyakap ko sya agad nung makita ko sya. "I miss you so much Ate Jen!", sagot ko habang nakangiti sakanya."i miss you too, kumusta ka na? Ang tangkad mo na ah. Nanliliit tuloy ako haha, Ilang taon ka na nga pala?", Gulat na sabi ni ate. Datirati kasi sya yung mas matagkad sakin pero ngayon? Balikat ko na lang sya. "I'm 16 now Ate Jen", sagot ko sakanya. Nanlaki yung mata ni ate na parang ayaw maniwala na 16 ako! "Napaka TANGKAD mo! Ang gwapo mo pa! Kung hindi lang kita pinsan baka ay!", Natatawa ko sa mga pinagsasasabi nitong si Ate Jen walang pinagbago makulit pa rin!
Sige na nga ipapakilala ko sainyo si Ate Jenica, She's 19 years old, simula pagkabata close na talaga kami. Lahat ng kaabnormalan, kalokohan, kabaliwan nagagawa ata namin kapag kaming dalawa yung magkasama. Kapag naman nasa America na ko ginagawa namin lahat ng kalokohan sa social networks. Alam ko iniisip mo ngayon. Wala kaming patawad noh? Haha.
---20 READS i'll make the next Chapter. BESTFRIENDS (THE WEIRD GIRL ON MY FIRST DAY IN COLLEGE)