BESTFRIENDS (JEALOUSY)

88 0 1
                                    

Kabado. Nanlalamig. Bago magsalita si Gem, tiningnan nya kami isa-isa. Focus ang lahat sa sasabihin nya. Tahimik sila, at handang makinig. Tinitigan ako ni Gem habang nagsasalita.

GEM: Si Shin? Akala ko tahimik yan, walang pakialam sa mundo, sa paligid nya, sa mga kaibigan nya especially sa ibang tao. Akala ko lagi lang syang nakafocus sa carreer, studies, at syempre sa sarili nya. PERO isang malaking akala lang pala lahat yun. Nung nag-open ako sakanya jidi ko inaasahang ganun syang tao, mabait, sweet at may magic para gumaan yung pakiramdam mo kahit alam mo sa sarili mong hindi mo na kaya, yung gusto mo ng sumuko. In short, na touch ako kay Shin, iba sya talaga. Siguro kung hindi ko inopen yun hanggang ngayon may burden pa rin akong dinadala, pero kahit meron pa din atleast nabawasan yun dahil kay Shin. Natauhan ako. Salamat Shin :)

Nginitian ko sya. Natahimik ako sa mga sinabi nya. Gusto kong magwala, sumigaw! Pero di ko magawa. Gustong kumawala ng puso ko sa mga narinig mula sakanya. Masaya ako sobrang saya ko. Ngumiti sya sakin pero may pagkapilya at parang nang-iinis pa. Ngumuso sya, pinopoint-out nya pala yung bote. PPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAKKKKKKKKK!!! Sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon, di ko namalayang sakin pala nakatapat yung bote! Nanlaki yung mata ko at si Gem pa ang nagprisintang magtanong sakin. Kinabahan ako.

GEM: Ikiss mo sa cheeks yung crush mo dito sa barkada kung wala man dito at nasa school, pagbalik natin ng Manila gawin mo okay? :)

Umapila ko sa gusto ni Gem, Hindi nya pa ko pinapapili kung TRUTH or DRINK. Pero wala na huli na. Nagdalawang isip ako kung gagawin ko ba o hindi, gusto ko mang gawin pero nahihiya ako, kaya pinili ko yung classmate para sakalaing makalimutan man nila di ko na din magagawa and atleast di rin nila ko nabuko. "She's not here." mahina kong sagot. Nag agree naman yung barkada ko. NAAAH! Ang tanga ko. Bakit di ko pa sinabi sakanila yung totoo. Bakit hindi pa ko umamin sakanya. Napakamot ako sa ulo, chance na sana para sabihin sakanya. Nagpakatorpe pa ko. Paano ko na sasabihin sakanya. Nakatulog na lahat ng babae sa sobrang pagod at kalasingan, natira kami ni la Jonas at Seb.

Seb: Wala ka ba talagang gusto kay Gem pre?

Shin: Huh? What are you talking about?

Nabigla ako sa tanong ni Seb, hindi ko inaasahan to, at mas lalong hindi ko alam kung anong isasagot ko sakanya, Kung aamin ba ko o hindi. Pero bandang huli umamin na din ako. Alam ko namang mapagkakatiwalaan sila. Sinabi ko na lahat pati yung tungkol sa spin the bottle, syempre gaya ng inaasahan, kutob na pala nilang nagsisinungaling ako. Sinabi kong nahihiya ako kaya hindi na ko umamin kay Gem, tsaka alam ko naman kasing may bf si Gem, Sinabihan nila ko ng walang tiwala sa sarili, torpe at kung anu-ano pa, pero nangako naman silang hindi nila yun ilalabas, saming tatlo lang.

Lumuwag yung pakiramdam ko para bang nabunutan ng isang malaking tinik, minsan lang kasing mangyari sakin yung ganito ka complicated na sitwasyon. Inlove ako sa bestfriend ko in the same time, inlove ako sa taken. Kinabukasan pag gising ko, may isang lalaking hindi familiar sakin, hanggang sa pinakilala sakin ni Gem.

GEM:  Shin! Si Alvin bf ko, Alvin si Shin bestfriend ko :)

Sinuklian ko ng ngiti si Alvin at Gem. Nakita kong nakatingin sakin si Seb at Jonas alam ko yung mga nasa isip nila daa na rin siguro ng pag oopen up ko sakanila. Nag "okay" sign ako, ngumiti sila pero halata mo sa mata nila na hindi sila makapaniwala. Lumabas ako ng bahay, sa garden naglakad-lakad ako sa private pool. Hanggang sa inaya na kong mag breakfast. Pero wala talaga kong balak sumabay sakanila. After 15 mins. lumabas yung tropa ko. Chineck kung ayos ako at hindi gutom, binigyan ako ng hot chocolate ni Kimmi hanggang sa lahat na sila, pati sila Gem nasa garden na. Lahat nag tatanong kung bakit di ako sumabay kumain isa lang naman yung sagot ko  "I'm not hungry" sabay susuklian ng ngiti. Pero nung nandun na lahat...

Shin: I'm not hungry, but now I am! haha.

Alvin: Makapag-english ka naman ata pre?

Gem: Alvin! Hindi sya ganun kafluent sa Tagalog!

Alvin: Kayabangan lang.

Gem: ALVIN!

Shin: It's okay. Excuse me guys :)

Umalis ako kesa may masabi ako sa bf ni Gem. Maging cause pa yun para pag-awayan naming dalawa. kaya ako na yung unang umiwas. Habang dala yung chocolate na tinimpla ni Kelly, lumabas ako ng tuluyan sa bahay, pagbalik ko nanunuod na sila ng TV, binati ako ni Kimmi, nginitian ko sya. Bakit nga ba ko magseselos, wala naman akong karapatan, kinagabihan hinahanap ni Gem si Alvin, actually kaming dalawa ni Alvin, ang buong akala pala ng barkada ko nasa bar ako, naririnig ko sila sa labas ng bahay, what I mean sa garden. Hindi ko pinansin yung kwentuhan at usapan nila kahit na sinabi ni Kimmi na hindi nya daw maramdaman yung presence ko the whole day, di ko na pinansin, kinuha ko yung gitara ko at sinimulang tumugtog.

"And I don't want the world to see me, Cause I don't think that they'll understand, when everything is made to be broken, I just want you to know, who I am"

GEM'S POV:

 Nakarinig kami ng lalaking kumakanta at napaa galing kumanta, pala isipan samin kung sino pero pagsilip namin sa bintana si Shin pala. Lumapit si Seb sakanya, hinayaan namin.

Shin: I thought you guys went to the bar?

Seb: Bar?! Aano naman kami dun? Eh ikaw nga daw yung pupunta dun sabi samin ni Jonas.

Shin: Naaah! No, I stayed here. I thought the girl who called Alvin is Gem? And Alvin said he'll go to the bar. So I stay.

Seb: Hindi si Gem yun! Andyan si Gem hinahanap din si Alvin!

SHIN'S POV:

Umakyat kami sa bahay at sinabi yung narinig at nalaman ko about kayAlvin at sa mysterious girl na kausap nito sa phone. Mabilis namang tumakbo si Gem sa bar, tumakbo na ko para abutan sya. Napaka kulit nya talaga, hinawakan ko sya nung naabutan ko pero pilit nyang tinanggal. Sinabayan ko na lang sya sa paglalakad. Pagdating sa bar, hinanap namin agad si Alvin. Pero hindi ko inaasahan lahat ng makikita namin.

Gem: Oh. NO! Sabihin mo saking hindi totoo lahat ng nakikita ko Shin!

Nabigla ako. Hindi ko alam na magagawa ni Alvin kay Gem to...

---20 reads for the last chapter of BESTFRIENDS :))

BESTFRIENDS (The Beginning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon