BESTFRIENDS (Ending)

52 0 0
                                    

We saw Alvin kissing and flirting with other girls. Hindi ko alam kung anong sasabihin at paano magsisimula para icomfort si Gem kahit na alam ko talaga na kailangan nya ng kaibigan ngayon. Nabigla na lang ako sa sarili ko ng bigla kong lapitan si Alvin...

Shin: You're a f*cking moron!!! How can you do this to Gem!? You're such an assh*le! F*ck you!

Nasuntok ko si Alvin. Nagkagulo sa bar. Nasuntok nya din ako pero ginantihan ko yun, nakita ko na lang na lumalapit si Gem para hawakan at pigilan ako. Dumating din sila Seb para pigilan kami ni Alvin. Narinig ko yung iyak ni Gem. Nakita ko syang ganito nung nagkwento sya about sa family nya pero eto ibang issue. Hindi worth ni Alvin para iyakan sya ni Gem. Hindi sya dapat umiiyak ng ganito!

"Gem I'm Sorry! Hindi ibig sabihin nun eh..."

Hindi pa tapos mag salita si Alvin pero sinampal sya ni Gem. Nagulat kaming magbabarkada sa nangyari. Tahimik yung lugar. Iyak ni Gem at pakiusap ni Alvin lang yung naririnig namin.

"Lahat Alvin ginawa ko!, Lahat pinalampas ko! Nagpakatanga ko sayo! Pinagtanggol kita sa mga kaibigan ko dahil sabi nila warfreak at hindi mo ko kayang alagaan, mahalin at respetuhin pero I ignore them! Mas naniwala ako sa mga kasinungalingan mo! Mas pinairal ko yung katangahan ko kesa sa pride ko! Nag pakadown ako para sayo tapos eto yung igaganti mo?! Tapos eto yung madadatnan ko dito?! Siniraan ako ng mga kakilala mo pero anong ginawa ko? Wala! Kasi akala ko pinagtatanggol mo ko pero you LIED! I HATE YOU!!! I REALLY HATE YOU ALVIN!"

Tumakbo si Gem papunta sa dagat. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero nung tinangkang sundan sya ni Alvin pinigilan ko sya...

"Stay here! You're not the one who can take care and love her, na dapat na nararamdaman nya! Wag mo syang sundan!"

Susuntukin nya dapat ako pero pinigalan na sya nila Jonas, dali dali naman akong tumakbo para puntahan si Gem. Pagdating ko dun, nakatitig sya sa dagat, napakalalim ng iniisip nya. Tinitigan ko sya sa hinihintay na magsalita pero tahimik pa din, tanging yung alon lang yung maririnig mo.

"Gusto kong mapag isa Shin, Iwanan mo na muna ko please."

"Hindi kita pedeng iwan ng ganito Gem, Don't worry I won't bother you. Dito lang ako Gem. Di kita kakausapin, di kita iistorbohin."

Napuno ulit ng katahimikan yung paligid. Nakatitig na din ako sa dagat ng bigla syang nagsalita.

"Shin bakit ganun? Lahat na lang ng mahal ko sa buhay iniiwan ako, niloloko ako. Bakit ganun kalupit yung buhay ko? Bakit ako pinaparusahan ng ganto?"

Nakita kong unti unting tumutulo yung luha nya habang nagsasalita sya. Tahimik lang ako. Lumapit ako sakanya at pinunasan yung luha nya.

"Shin ayoko na, ayoko na ng ganito, sawang-sawa na kong maiwan mag-isa..."

Tinakpan ko ng finger ko yung lips nya.

"Gem, everything happens for a reason, malay mo kaya nangyari yun para makita mo yung mas worth it. Yung mas deserving ka, atleast you see the real Alvin bago pa kayo umabot ng years right? Just be thankful for what happened, alam kong you're strong and can handle this problems. You're unique to everybody else. Just trust yourself. And tandaan mo, I will always be here for you no matter what happen. Shin is always here for Gem"

I smiled and held her hand.

"Tara na? Masyado nang late, you can catch cold here, kiddo!"

Niyakap ko sya ng sobang higpit.

"Mawala na lahat ng tao sa paligid mo, pero try to look back, makikita mo ko dun nakangiti sayo at sasabihing, Gem nakalimutan mo ko, andito pa din ako para sayo, para inisin ka sa araw-araw at kulitin ka minu-minuto"

Naramdaman kong humigpit yung pagkakayakap nya.

"Shin, salamat ha? Kahit na napaka sungit ko andyan ka pa din para sakin. Kahit na ang taray taray ko sayo, andyan ka pa din para sakin. Ewan ko ba pero napapangiti mo ko palagi. Slamat although hindi ikaw yung inaasahan kong gagawa nito, sobra kong natouch sayo. Salamat."

After 1 week of vacation parang napakadaming nangyari samin. Napakadaming experiences. Parang Ang sarap isipin tsaka alalahanin nung mga memories naming magbabarkda. So today another Monday, speaking of Monday may hang-over pa din ako ng bakasyon.

"Goodmorning Shin! Late ka na! Grabe ka matulog! HAHA."

Bungad sakin ni Kimmi, ngumiti ako at kinusot yung mga mata, hinanap ko si Gem, ayun! nakatunganga at tinitingnan ako, ayoko ng ganong tingin parang mananapak na ewan yung dating so tumabi ako sakanya.

"Goodmorning, aga-aga ganyan ka tumingin!"

"May nakakalimutan ka kasi ata, diba guys?"

Tumingin silang lahat sakin sabay ngiti at sabing "TOMO" naguluhan na ko sa gust nilang iparating sakin.

"Ha?! Nakalimutan? What? I can't remember!"

"Ano ba yan!" Napakamot ng ulo si Gem. "About dun sa truth or dare DUH!"

"Ahh iyon ba? I thought I misplaced something or what."

Lumapit ako kay Gem pero hindi nila nahalata yun. Inangat ko yung mukha nya then I kissed her. Natulala lahat, si Gem hindi makapagsalita, Sila Seb naman nag "ok" sign, sila Kimmi parang kinikilig na ewan. Sino ba naman kasing mag aakala na maiinlove ako kay weird girl diba?

---End---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS (The Beginning)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon