Oh tama na yung about sa sarili ko. Pag-usapan naman natin yung first day ko sa new school ko. Syempre gaya ng inaasahan kasabay kong pumasok si Ate Jenica, tsaka yung kapatid nyang si Kuya Michael, may pagkabossy yun tsaka ilap saming magpipinsan kaya hindi ko sya kabiruan. Pagpasok namin sa campusmay sumalubong agad na babae kay Ate Jenica. Barkada nya ata? Pero may kasama ding isa pang babae yung lumapit samin ka age ko yun sigurado ko dun. Maganda, may pagkachinita at slim ang katawan PERO mukang papatay ng tao in short MASUNGIT. Yung kumakausap naman kay Ate Jen medyo chubby pero tama lang.
Missy: Sino sya Jen?
Jenica: Ai! I want you to meet my cousin si Shin, Shin si Missy.
Ako: Nice meeting you (sinuklian ko ng ngiti at shakehands yung kaibigan ni Ate Jen)
Jenica: Galing syang America, eh nagdecide sila mommy nya na dito sya mag-aral so ayun.
Missy: Gwapo ah. Haha. Sanay ba syang magtagalog? 1st year lang ba?
Jenica: Hindi masyado pero nakakaintindi naman. Oo 1st year.
Nagulat si Ate Missy, hindi nya akalaing 1st year lang ako. 5'8 ata o 5'9 kasi yung height ko. Pinaulit-ulit nya pang tinanong kung 1st year lang daw ba talaga ko dahil hindi daw sya makapaniwala. Hanggang sa nalaman ko na Architecture din yung kinukuha nung kasamang babae ni Ate Missy.
Jenica: Hi Gem!
Gem: Hi Ate Jenica. Ang daldal ng ate ko no? Naimbak ata lahat ng kwento. Pede naman mamaya sa room nyo.
--Seryosong nagsasalita yung "Gem" daw, nakakatakot sya napaka seryoso ng aura nya. Di ko ata to makakasundo. Magkaiba kami. Pero isa lang masasabi ko. M-A-G-A-N-D-A tapos ang usap! Matangkad din sya. Halos kasing taas ko din.
Jenica: 1st year ka din diba? Anung course mo sis?
Gem: Architecture A po Ate Jen.
Tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Kaklase ko pa pala tong si Gem. Napangiti ako nung nalaman ko yun. Ikaw ba naman kaklase mo yung crush mo di ka matutuwa diba?! Haha. Napansin yun ni Ate Missy. Kaya tinanong nya ko kung anong course ko. Sinagot ko sya at sinabing "Ayos pala kaklase mo si Gem", nagpakilala ako sa kapatid nya. Ganto lang.
"Hi! I'm Shin Leewis", nakangiti kong sinabi yun, inabot ko pa nga yung kamay ko PERO wala napahiya lang ako.
"Gem, Gem Feliciano", sabay alis para hanapin yung room namin.
Ano ba naman tong babaeng to, hindi man lang ngumiti! Ang weird nya para syang sinasaniban ng masamang espirito. Hanggang sa sabay na kaming nakapasok sa room, marami syang kilala siguro mga classmates nya dati na kaparehas ng course nya, or what. Mababait naman yung mga classmates namin, yun nga lang everytime na nakikipag-usap ako. Hahawak sila sa ilong at sisigaw ng NOSEBLEED. Pero wala namang dugo sa ilong. Hindi lang si Gem ang weird pati pala ibang classmates ko. TSSSSS.
At eto na Chemistry Class namin. Hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa o mainis sa nangyayaring kapalaran ko sa school na to. LAB PARTNER ko si WEIRD GIRL!
Ako: Take a look at the cells! Great isn't it??
Gem: Oo. Alam ko. Baka naman pede na nating gawin yung activity natin diba Mr. Leewis?
Tumingin sya sakin na parang gusto nya kong sapakin o kaya naman kainin ng buhay! Nakakatakot talaga to. Tumahimik na lang ako at hinayaang ioperate yung microscope. Kelangan kasi namin matapos ang lintik na homogenous at heterogeneous na to.
Habang tumatagal nag kakapalagayan kami ng loob. Nagsimula yun nung nagtanong sya sakin kung anung sagot dun sa ginagawa naming activity. At syempre ung ichecheck na kung tama yung experiments namin. We got the perfect score. Actually tanging kami lang yung nakakuha non. Habang tumatagal nagiging mabait sakin si Gem pero hindi pa din maalis yung pagka masungit nya.
Nabarkada ko sa barkada nya. Hindi naman sila mahirap pakisamahan, kung tutuusin okay silang kasama. Makukulit, mababait, matatalino, at higit sa lahat punong-puno ng kalokohan sa buhay. Hindi naman nagtagan dahil nga rich families din ang mga pinanggalingan, nung semestral break namin, nagkayayaan kaming mag out of town. Napagkasunduan naming magbakasyon sa Boracay.
---25 reads for the next chapter BESTFRIENDS (The closeness of the weird girl and silent type guy)