What? Anong gagawin para makuha yung? Lxw? Tama ba? A=lxw?
Waaahhhh ayoko na. Suko na ko. Sumasakit na naman yung ulo ko.
"Okay ka lang?" Tanong ni Math. Katabi ko kasi siya ngayon.
Absent kase si Yesh. "Sumasakit yung ulo ko." Sabi ko saka sumimangot at naghalumbaba.
Ngumiti siya saka pinatong yung notebook niya. Kalalabas lang kase ni sir Eloyd.
Tinuro niya sakin kung pano kunin yung pinapasolve ni sir.
Sinuntok ko yung balikat niya at ngumiti. "Salamat Math. Bagay talaga yung nickname mo sa subject."
Tinago ko na yung gamit ko at tumayo. Vacant namin ngayong last subject kaya uuwi na ko.
Lumabas na din yung iba. "Fianah sasabay ka ba saken?" Tanong ko.
"Nope. Pupunta pa ko sa Music room. Ingat ka nalang." Tumango nalang ako.
Vice president nga pala siya ng music club. Nakasubsob naman yung mukha ni Vylan sa mesa niya.
"Una na ko Railey,Matthew Babye." Lumabas na si Fianah.
"Una na din ako Math. Salamat uli ah?" Sabi ko saka sinuot yung bag ko.
"Ha? Teka. Sabay na ko." Tinuro ko naman si Vylan. Umikot tuloy yung mata niya at pinuntahan sa likod yung si Vylan.
"Vylan, uwian na." Tinatapik niya sa balikat si Vylan.
"Una ka na." Mahinang sabi nito. Bagong gising kase.
"Are you sure Vylan?" Tanong ni Math. Sa wakas umayos na siya ng upo.
"Yes." Sabi niya at tumayo.
Kinabahan naman ako bigla. Ewan ko kung bakit.
"Ahh. Nga pala Vylan. Mamaya ah?" Tumango lang eto saka umalis.
"Problema nun?" Nagkibit balikat siya saka ngumiti.
Sabay kaming naglakad papunta sa gate. Hihintayin ko pa pala si kuya. Isang oras pa man din yun.
Nagulat ako ng hinila ni Math yung kamay ko at kinaladkad ako.
"Meet Mac." Pinakita niya sakin ang isang magandang kotse. Astig.
"Gusto mo ba kong maka-away?" Tanong ko sabay ngiti ng nakakaloko.
Na-istatwa naman siya sa sinabi ko. "No!!! Teka? Balak mo bang gasgasin ay... mali... sirain?"
Nakakunot noo niyang tanong. nagulat siya nang buksan ko yung pinto.
"Oy teka?" Pigil niya. "Ba't ka jan?" Tinutukoy niya ay ang pag pasok ko sa driver seat.
"I want to drive. Sama ka?" Sinara ko na yung pinto at sinindi yung engine.
"P-Paano mo?" Ngumiti ako sa kaniya. Di niya ba napansin yun? Nasa kamay kase niya kanina yung susi, pero nakuha ko ng di niya napapansin hahaha. May lahi ata akong magna.
"Sama ka nga? Iwan na kita?" Tumakbo siya papasok sa passenger seat.
"San tayo?" Tanong habang nagda-drive ako.
Nanahimik na siya kase hindi naman ako sumasagot.
"We're here. My secret hide out."
Napaka ganda dito. Actually private na lugar to.
Andaming halaman at mga puno. Nakita ko si lola Pasing.
Nag didilig siya nung lapitan namin siya.
"Railey? Nako bakit ngayon mo lang ako binisita?" Niyakap naman niya ko.
"Pasensiya na po. Ito po pala si Math. Kaibigan ko din po."
Lumapit si Math at nag mano kay lola Pasing.
"Mabuti naman at may mga kaibigan ka na." Nagtaka si Math sa sinabi ni lola.
Pinunta ko na din pala sina Yesh at Fianah dito. Nakilala na nila si lola Pasing.
"Tara sa kubo mga apo. Meron akong chocolate bar. Gumawa din ako ng pineapple jam. Papatikim ko sa inyo."
Masayang alok niya. Sinundan namin siya sa kubo.
Isang malaking kubo. Mayaman si lola Pasing, ewan ko kung bakit mag isa siya at nagtitiis sa kubo.
Nakaupo kami sa mahabang kawayan na upuan.
"Ayan. Masarap yan lahat." Hindi ako nag alinlangang kainin yung nasa hapag.
"Hmm wow. Ang sarap. Saan niyo po nabili yung jam?" Manghang tanong ni Math.
"Di ko binili yan. Hehe gawa ko yan." Masayang sabi ni lola.
Nung mag si-six na. Nag paalam na kami kay lola Pasing at pinag drive ko na si Math.
"Babye Math. Salamat sa pag papahiram ng driver seat." Sabi ko pag kababa ko.
May praktis pa si kuya, siguro mga 10 minutes pa bago dumating yun.
"You made me happy. Thank you." Nakangiting sabi niya saka umalis na ang Math na yun.
"Oy! Sino yun? Lalaki mo ?" Tanong ni kuya habang naglalakad palapit sakin.
Hindi ko lang siya pinansin at naglakad na papunta sa kotse ni kuya.
"Snober ka na naman." Inis na sabi ni kuya.
"Ahhhhh! Railey... Mama!!!" Para siyang babae kung makatili.
Nagasgas ko kase yung harap ng kotse niya. Ako ang nag drive at basta.
Nasagi ko kase yung parang trash bean bago ako nag park sa harap ng bahay.
Ang arte niya. Ang liit lang nun kung maka arte kala mo di na gumagana e.
Nasa sala na si mama nung dumating kami at busy sa T.v.
"What's your problem kuya?" Tanong ni mama nung nakita si kuyang inis na inis.
"She scratched my car ma." Galit na sabi niya.
"Di ko sinadya. Mukha neto." Reklamo kase ng reklamo.
"Railey, used kuya when you-" diko pinatapos si mama.
"yah. Whatever." umakyat na ko sa kwarto ko at nag bihis.
Bukas na lang ako mag so-sorry kay kuya. Masyado kong pagod para dun.
Nakahiga na ko at hinihintay na antukin.
"I know what happen last time." Hindi siya marunong kumatok
"What are you talking about?" Tanong ko. Wala kong idea kung ano yung sinasabi niya.
"He stole your first-awww" hindi ko alam kung ano yung binato ko.
Pero inis lang ah? Pano niya nalaman?
"Hahaha. Di ka na lugi nun baby. Pero masakit yung binato mo sa kaniya haha."
Inirapan ko lang siya at nahiga ulit.
"Kailangan mo?" Tanong ko habang nakatalikod ng higa.
"I can't sleep. Im thingking about my car." Malungkot na sabi niya.
Hindi kasi pala yan makakatulog ng may iniisip. Humarap ako sa kaniya at nakita siyang naka pout.
"I'm sorry. Goodnight." Hindi ako actually mahilig mag sorry.
Ewan. Hindi ako sanay. Lumabas na siya at natulog na ko.
---
BINABASA MO ANG
That Bully Loves Me (Book 1)
Teen Fiction(COMPLETED) Thanks for the wonderful cover #1st cover @Ladylightbearer :). #2nd cover @cls_wb :). Mapipilitang lumipat ng bagong school si railey. She will be part of that school. Mabilis lahat ng pangyayari sa buhay niya. Nabully siya agad. Maramin...