Chapter Twenty : savior

4.2K 119 1
                                    

Sunday nga pala, bumangon na ko at bumaba na.

Di na ko nagulat na nasa sala na si Vylan at naka-upo.

"Goodmorning." Bati niya. Hinanap ko si Mama at ayun, nasa kusina.

"Morning." Tipid na sagot ko habang nag kukusot ng mata.

Kumuha lang ako ng tinapay saka umakyat para maligo.

Pink shirt, jeans at white doll shoes.

Bumaba na ko pag katapos kong mag suklay.

"Babaing babae ka ata?" Hindi ko nalang siya pinansin. Nagpaalam lang kami kay Mama saka umalis.

Pupunta kami sa mall. Tulungan ko daw siyang mag hanap ng gift para sa bestfriend ni lola Pasing.

Ayaw ni lola Pasing mag punta sa mga mall kaya inutusan niya si Vylan. Tapos itong si Vylan naman daw walang alam so eto sinama niya ko.

Kung ano ano yung sina-suggest ni Vylan. Duh! Isang mamahaling bag lang naman ang katapat nun.

Sa dami ng pinuntahan naming shop. We end up buying those bags. Papipiliin nalang daw niya si Mamu.

Habang naglalakad kami, pakiramdam ko...pakiramdam ko may nakatingin samin.

Feeling ko may taong nagmamasid samin simula nung mapunta kami sa mall.

Dumaan kami sa glass door. Makikita ko naman siguro ang reflexion nang kung sino man diba?

Naunang pumasok si Vylan sa loob ng restaurant.

Gotcha! I knew it. Kilala ko yun. Driver siya ni tito Victor.

Why? Tumuloy ako sa loob. Umorder na kami.

Tahimik kong pinapakiramdaman yung lalaki. Ano ba kasing pamilya ang meron si Vylan?

Umupo siya sa pangatlong table bago ang table namin which is table 5. Ganto T1-T2-T3(kuya stalker)-T4-T5(our table)

Makikitang may kausap siya sa phone.

Di kaya hindi pa din naniniwala si tito Victor sa pag papanggap namin? At kailangan niya kaming ipamanman.

Gash! "Hoy. Little ugly mukhang natatae ka." Inis na sabi ng katabi ko.

"Pag may ginawa ako...sumabay ka nalang." Pabulong kong sabi. Kumapit ako sa braso niya.

Halata sa kaniya ang pag kagulat dahil sa ginawa ko.

"Hoy! What are you doing? Kadiri ka." Nakunot na ang noo niya habang tinatanggal ang kamay kong nakapulupot sa braso niya.

"Bitaw nga!" Inalis ko nalang ang pag kakayakap ko. Ang arte para namang may sakit ako na nakakahawa.

Nakatalikod yung phone ni kuya driver/stalker samin. Ibig sabihin, kinukunan niya kami ng picture o video.

Bahala na talaga. Linapit ko ang mukha ko sa bandang tenga ni Vylan. Ang awkward ng sitwasyon namin dahil para ko siyang kini-kiss sa cheek.

"Driver ng tatay mo nakabantay satin. Bobo!" Bulong ko. Nung humiwalay ako nginitian ko ang gulat na naman niyang mukha.

"Ugh! Akala ko ok na! Ano gagawin natin?" Nagugulahan siya alam ko. Kaya nga tinutulungan siya diba?

"Act like we are normal couples. Bobo talaga." Simpleng sagot ko. Tsk. Alam naman niya siguro ang ibig kong sabihin diba?

"Tsk. Ugly."

"Idiot."

"Amazona."

"Brainless."

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon