Weekend is my peaceful day.
Walang bully, walang mayabang, walang maingay at walang Vylan sa harap.
Mataas na ang araw, pero nakahilata pa ko.
Sigurado akong ganto din ang itsura ni mama at ni kuya.
Walang paki alamanan pag weekend morning. Yan ang rule ni mama sa bahay pag sabado. Well sabado lang yung tinutukoy ni mama sa rule niya.
"Shaks... tummy wag ka munang magulo. Gusto ko pang matulog."
Kumukulo kasi yung tiyan ko. Nakapikit pa din ako trying to fell asleep again.
*tok.tok.tok.*
Napatalukbong ako dahil sa katok.
"Railey." Tawag ni mama galing sa labas.
"Hmm? Saturday." Halos pabulong kong sabi.
"I know. But it's already lunchtime. Hindi na umaga." Paliwanag ni mama.
"Ten minutes." Pahabol kong sabi.
"Raileyyyyy" napaupo ako agad sa sigaw ni mama.
Binuksan ko yung pinto at bumaba habang kinukusot yung mata ko.
"Kyaaaaa... You're so cute pala pag bagong gising..." nanlaki yung mata ko dahil sa sigaw na yun.
No! May makulit na taong nakapasok sa bahay.
"Fianah, shhh..." sumenyas naman si Yesh na shhh kay Fianah.
"Why are you here?" Tanong ko at umupo na din sa pabilog na pang six na taong table namin.
"Don't mind Railey. Kain na kayo. Mas masarap yan kesa nung breakfast." Teka? Wag nilang sabihing?
"Hmmm. Wow ang sarap. I love you na talaga kuya Racer." Nakangiting sabi ni Yesh.
Si kuya naman nahihiya at napakamot pa ng ulo.
"Why didn't you wake up Railey pala kaninang umaga tita?" Tanong ni Fianah habang kumakain.
"May isa akong rule dito. Sa twing sabado bawal mang inistorbo ng tulog pag umaga." Sabi ni mama
"Talaga po? Sleep over kami next time. Fianah diba? We're safe here for waking up so early." nagniningning ang mata ng dalawa.
Bago pa man ako maka react. "Gusto ko yan. Hahaha. Good idea Yesh." Masayang sang ayon ni mama.
"What do you think Ray?" Masayang tanong ni Fianah.
"Tsk. Bad ide-awww." Sinipa ako ni mama?
Ang babaing to talaga "Bahala nga kayo." Sabi ko nalang saka kumain.
▪▫▪▫▪
Nasa mall kaming tatlo. Kinaladkad nila ko papunta sa isang boutique shop.
Nag tingin tingin sila ng mga dress habang naka upo lang ako at sobra nang nabobored.
"Ray, bagay ba sakin to? O eto?" Pinakita ni Yesh yung hawak niya. Bumalik lang ako sa pag sasalumbaba at tinuro yung black na dress.
"Ah okay. Sabi ko din ito yung bagay sakin eh."
Kada lalabas sila sa isang boutique may mga bitbit silang paper bags. At mukha nila kung tutulungan ko silang magbitbit.
"Di ka ba bibili ng sayo?" Tanong ni Yesh.
"I told you kase na buy the red dress. It's maganda at bagay for you." Masama kong tinignan yung dalawa.
"Im hungry." Tipid na sabi ko sa dalawa.
"Jollibee!!!" They said in unison. Piste ang saya nila pag kasabi nun na halos mapilay na sila kakatalon sa tuwa.
Agad kaming nag punta ng jollibee. Si Fianah ang nag prisentang umorder. Dahil sanay daw siya makigitgit sa mahabang pila.
Tahimik lang ako, si Yesh naman halatang nagpipigil dumaldal.
"Railey, may problema si Fianah." Pag uumpisa nito.
Yung masayahin at makulit na batang yun? C'mon si Fianah?
"Naka-arranged na siyang mag pakasal. At ang malala... kay Matthew...Matthew Kred." Ang O.A naman ni Yesh? Bakit siya ang umiiyak.
"Kay Matthew pa? Kay Matthew na crush ko. Oy pero maiba ako. Alam mo na ba?" Nakasimangot na naman niyang sabi.
"Ang alin?" Tanong ko naman habang nakatingin sa kaniya.
"Ikaw. Ikaw yung gusto ni Matthew. Kanino ko nalaman? Kay Matthew din lang. Nakakainissss!"
Ughhh nakakahiya. Pinag titinginan kami dahil sa sigaw ni Yesh. Kinuha ko yung isang paper bag at sinara sa mukha ko.
"Magpapakasal kay Fianah ang crush ko na crush ang kaibigan ko? Ughh that's so cruel. Unfair."
Ngayon palang ata nag sisink in sa utak ko yung dinadaldal ni Yesh.
Totoo ba yun? Math likes me? Di nga? Okay lang naman. Maganda ko eh hahaha.
Dumating na si Fianah na parang mandirigma dahil sa hagard niyang pag mumukha.
"Tadaaaan. One bucket chicken at tatlong rice, coke and last ice cream" masaya nitong sabi.
"Thanks." Napatingin sila sakin. Teka? Bakit sila naka ngiti ng ganyan? Parang na a-amaze sila sa mukha ko?
"Yesh, first right? Ahaha. Kahit cold yung pag kakasabi at walang emotion, You're welcome."
Kumain nalang kami at nag umpisa na silang mag daldalan ni Yesh at Fianah.
Teka? Kaya ba? Akala ba niya? Kaya siguro... hahahaha BOBO NI VYLAN EVER #.# .
Kaya ba niya gustong layuan ko si Math dahil akala niya may gusto ako sa bestfriend niya at kaya siguro niya ko pinapalayo dahil ayaw niyang masaktan ako kapag nalaman ko?
Ops assuming yung last na sinabi ko. Haha imposible. Sira ulong lalaki yun.
"Oh em geee. Baliw na ba siya?" -Fianah. "Yes. Baliw na nga."-Yesh.
"Why are you smiling like a crazy one?" Tiningnan ko si Yesh.
Smiling? Mukha niyo. Ngumiti ba ko? Talaga ba? Habang iniisip talaga yung mga thoughts ko? Ughh kadiri tungkol pa man din yun kay Vylan.
---
BINABASA MO ANG
That Bully Loves Me (Book 1)
Teen Fiction(COMPLETED) Thanks for the wonderful cover #1st cover @Ladylightbearer :). #2nd cover @cls_wb :). Mapipilitang lumipat ng bagong school si railey. She will be part of that school. Mabilis lahat ng pangyayari sa buhay niya. Nabully siya agad. Maramin...