Chapter 41 : Last day of being a Ferrer

3.6K 116 4
                                    

I'm trembling. Nervous from this party. Yeah, I know. Party should be an exciting event, pero iba kase eh.

Sobrang ibang iba to. Party na hindi ko hiningi. Party na hindi ko kailanman gugustuhin.

Gusto ko ng tumalon sa kotse at tumakas. Pero ayokong madisappoint sila Dad.

"Hey are you ok kapatid?" Tiningnan ko si Kuya Racer. Kauwi niya lang kanina.

"I'm fine." Asik ko. Natatanaw ko na yung hotel na pag gaganapan ng party.

Ilang minuto lang nandito na pala kami sa loob. Napakaganda ng lugar pero konte ang tao. Mga hunters, Fianah, Yesha, Math, Valeen. Even the parents of them are here.

Binigyan ako ng ilang minuto para maghanda sa sarili.

Hindi ko pa nakita si Kuya Midz. Sana hindi na siya magpunta. Sana talaga.

Pinuntahan ko sila sa iisang table. Nagwave ako sa kanila.

"Wohoo. Ganda natin ngayon ah?"-Sedfer.
"Nako tumaba nga siya eh. Tsk baboy ka na Ray."-Virus.

"Tse tigilan niyo ko." Sabi ko na siyang pinagtawanan nila.

Naupo ako sa tabi ni Yesh. "So your gonna marry him? Sigurado na yan. Magiging Railey Joy F. Yos ka na?" Ok. Nakakainis marinig yun.

"Hey basta just let us know kung sinasaktan ka nun. Kami bahala." Pag aasik ni Wiesher.

Hay buti nalang may mga ungas akong mga kaibigan.

"By the way guys. Hoy hinayupak kang mokong ka. Ipapasok mo kami? Sa restaurant ng kaibigan mo? Loko ka ba? Sira ulo ka." Maangas kong sigaw.

"He-he. S-si ano. Change topic please?" Inirapan ko nalang siya at bumalik ng tingin sa may stage.

Nakita ko sila Dad sa may gilid na mukhang problemado? May nangyari ba?

"Oy teka lang guys ha?." Nagpaalam lang ako saka nagpunta sa kung na'san sila mama.

"A-anak? He-he. Bakit ka nandito?" Sabi ni Mama.

"May problema po ba?" Tanong ko. Kunwari nag aalala ko, pero ang totoo. Sana merong problema. Sana hindi matuloy.

"Wala naman. Nagtatalo lang kami ng Mama mo tungkol sa story ng crabs. Eh kasi diba nga may crab sa menu." Aish? Yun lang pala. Pero errr disappointed ako.

"Ah. Ok." Malungkot kong sabi saka ako hinila ni mama sa table kung saan nandun ang pamilya ko.

"Ladies and gentle men lets clap our hands to our handsome soon to be groom, Mr. Midz Yos. Together with our lovely soon to be wife, Ms. Railey Joy Ferrer."

Nakakahiya talaga tong gantong pangyayari. Yung lahat nagpapalakpakan at nakatingin sayo.

"Hi. Let's go?" Nginitian ko si Midz ng hilaw. Binigay ko yung kamay ko sakaniya at nagpunta kami sa stage.

Sa buong party parang nabingi ako. Wala kong marinig. Ayokong makinig. Nakikita ko lang ang mga mukha nilang sobrang tuwang tuwa.

"Bessy nakikinig ka ba samin?" Napabalik ako sa ulirat.

"Ha? Ano? Bakit?" Tanong ko. Lahat sila nakatingin sakin.

"Aish. Inaantok na ata si Railey eh. Oy Midz buhatin mo na nga yang Misis mo." Nailang naman ako sa sinabi ni Sedfer.

Sira ulo talaga sila. Alam niyo kung anong ginawa nila?

"Woooohhh..." ayan sabay sabay sumigaw. Mga walang hiya.

That Bully Loves Me (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon