"Gwen! are you busy or not?" tanong sakin ng kaklase kong si Rina
"hindi naman, bakit?" saad ko
"papagawa kase akong Drawing Plates sayo ulet, OMG! di ko kase maisingit sa schedule ko ang pag gawa" maarteng sabi ni Rina, biglang nagningning ang mga mata ko dahil magkakapera nanaman ako dahil kapos ako ngayong linggo wala na akong pera.
"alright, lahat ba kase kung lahat 20 pesos isa, ten plates yon bali 200" sabi ko sakanya.
"here Gwen, keep the change" sabay talikod at abot ng 500, hay ang mga kaklase ko talaga. Di ba nila alam na yung sinasayang nilang pera pinaghihirapan ng iba. Kung sa bagay madaming mayayaman sa department namin.
so. Hi ako nga pala si Gwen Kloe Olivarez, 18 years old, 2nd year College here in Sebastian State University. Kumukuha ng kursong Civil Engineering ewan ko ba kung bat ito ang napili kong course ang lakas din ng loob ko noh hahahaha mantakin mo wala na nga pera yung 5 years course pa kinuha ko. Pero kase pag gusto kayang gawan ng paraan diba? I lived in my own, my parents? wala na sila. pero di pa patay basta di ko alam basta nalang nila akong iniwan sa lola ko and my lola died last year. kaya ako nalang natira buti nalang may bahay ang lola ko kaya di na ako namoproblema sa uupahan.
"hoy! bru ano? nakatunganga ka nanaman iniisip mo nanaman kung saan ka chuchorva mamaya!?" biglang sulpot ng malanding bestfriend kong bakla. Rainer ang pangalan nya pero sa gabi Raina
"Gaga! ikaw lang ang chumochorva, wag mo kong igaya sayo! malandi!" sapok ko sa kanya. tapos ang gaga nagkunwaring nasaktan, nagtawanan nalang kami ganito kami ni Rainer pero kung tutuusin mas babae pa sakin ito, kaya wala nang pag asa maging lalake. isa sya sa mga lalaking masasabi mong sayang dahil gwapo mukang koreano.
"bru alis muna ako, magdodora the explorer muna akes!" sabay takbo na patalon talon pa. Jusko di ko alam kung bat naging kaibigan ko toh. pero masaya ako dahil bugak sya hahahaha
dahil may pera ako ngayon napagdesisyonan kong kumain sa canteen. dati kase pag wala akong pera bihira akong makakain dito dahil akala mo ginto ang pagkain abe pag bumili ka sa dito halos doble ang presyo sa labas.
nang nasa counter na ako, natakam ako sa spaghetti kaya imorder ako kahit 50 pesos isang order. bumili na din akong tubig
habang naglalakad ako biglang may bungga sakin. Shet ang uniform ko puro spaghetti, wala na akong nagawa di naman masama ang ugali ko para sigawan pa ang lalaking nasaharapan ko.
"hala! nako miss sorry di ko sinasadya" sabay luhod nya dahil napaupo nalang ako sa sobrang lungkot dahil sayang yung pinangbili ko ng pagkain.
tumango nalang ako. pero nagulat ako nang alalayan nya ako at iupo sa malapit na upuan.
"miss ayus ka lang ba? pasensya na talaga napakatanga ko talaga" naglabas syang panyo at pinunasan ang mukha at braso kong puro spaghetti.
"nako, ayus lang ako, ako na dyan" sabay kuha ko nang panyo sakanya, dahil nakakahiya naman sakanya.
"miss dyan ka lang kukuhanan kitang pamalit na damit, Engineering din kase kapatid ko" sabay alis nya sa harapan ko, wala na akong nagawa dahil kung aalis ako nakakahiya naman sakanya. napatingin ako sa paligid lahat ng tao nakatingin sakin.
"tss di na nahiya yung babae na yan, lakas utusan yung anak ni senator" narinig kong sabi nung isang babae
bigla akong nagulat, ANAK NI SENATOR! ibig sabihin si Raven Valdez, kilalang kilala sya dito sa school dahil sya ang pinaka gwapo sa Architecture at anak sya nang isang senator.
Napayuko nalang ako dahil nahihiya ako. Biglang bumukas ang pinto ng canteen bumungad ang isang gwapong nilalang.
Tumingin sya sakin at ngumiti "mabuti at di ka umalis, eto nakahiram ako sa kapatid ko siguradong kasya ito sayo" sabay abot sakin ng blue naming uniform
Napayuko nalang ako "nako, di mo naman ako kailangan pahiramin ayus na ako dito maghuhugas nalang ako sa restroom" saad ko
"Ayus lang sinabi ko naman na din sa kapatid ko, halika at sasamahan na din kita sa restroom" wala na akong nagawa kaya nagpatianod nalang ako sakanya. Nakakahiya dahil balak pa nyang dalin ang bag ko di na ako pumayag kase nakakahiya na, sobra na syang nag eeffort
Habang naglalakad "sorry talaga miss, uhmm by the way ako nga pala si Raven, Raven Valdez" pag papakilala nya
"Ahh Gwen nga pala, Gwen Kloe Olivarez ayus lang yon di mo naman sinasadya chaka kasalanan ko din naman dahil di ako nagiingat" napayuko nalang ako dahil panigurado namumula ako, dahil kase!! Crush na crush ko po si Raven since 1st year palang kami.
Nang nakarating kami sa Restroom agad agad akong nagpalit ng uniform, grabe napaka bango netong sa kapatid ni Raven amoy babaeng babae chaka mukang bagong bago, ipapalaundry ko ito.
Nang nakalabas akong restroom nandun pa din sya. "Raven?, bat nandito ka pa din? Isosoli ko nalang ito sayo bukas marami nga palang salamat"
Bigla syang lumapit sakin at nakangisi "tara na, nagugutom na din ako e" nagulat ako dahil bigla nya akong inakbayan
Napaatras ako "nako, di naman ako gutom wag nalang chaka may klase pa ako" tatalikod na sana ako kahit na dalawang oras pa bago ang klase ko
"Gwen, dalawang oras pa bago ang klase mo tara my treat chaka natapon ko yung pagkain mo" nagulat dahil bakit nya alam schedule ko magtatanong sana pero bigla na nya akong hinila.
Di ako makapaniwala pano nya nalaman ang oras ng susunod kong klase..
Even the best fall down sometimes..
BINABASA MO ANG
My Aesthetic Romance
RomanceSometimes It's not the kisses, the sex or touches on your body , It's the eyecontact and how everything Started It's the messages at the very Beginning It's the music you liked at this Moment This is what breaks you so badly.