●Raven's POV●
Inaya ko si Gwen na magdate kami. Tagal kong inintay ang pag kakataong ito. Dati ko pa kilala si Gwen bata palang kami dahil katabi lang namin dati ang bahay ng lola nya pero nung naging Senator na si daddy lumipat na kami sa subdivision para mas safe daw. Lagi ko syang nakikita na naglalaro mag isa sa park pero ni minsan di ko sya nilapitan dahil natatakot akong di nya ako pansinin.
Matagal ko na syang gusto kahit na walang syang magulang grabe isa sya sa mga hinahangaan kong babae dahil napaka brave nya ni minsan hindi nya naisip na sumuko sa buhay napakamadiskarteng tao. Kahit simple lang sya napakaganda ni Gwen walang arte sa katawan at ang mas lalong nagustuhan ko sakanya ay ang kabaitan nya.
Nagdadrive ako ngayon dahil pupunta kaming mall nakaupo sya sa front seat, abe kanina ayaw pa dun nalang daw sya sa back seat.
Napakamahiyain talaga ni Gwen pero ni minsan hindi umangal. Hiniram nya yung phone ko dahil makikiopen daw syang facebook kaya sobrang tahimik nya ngayon.
"Raven iaadd kita ha, wag ka nang pabebe iaccept mo grabe ang famous mo pala!" biglang sabi nya
Napangiti nalang ako dahil may side din syang makulet. "Oo baka magtampo kapa e ipakulam mo pa ako" biro ko sakanya tinignan ko sya nakapout lang sya napaka cute tapos bigla akong binatukan. Kung girlfriend ko lang ito hahalikan ko toh.
Nakarating na kami sa mall at palakad lakad kami. Kanina ko pa sya tinatanong kung saan nya gustong kumain pero laging sinasabi busog pa sya.
"Ayaw mo ba talaga kumain Gwen kanina sabi mo basta libre ko?" Tanong ko ulet sakanya baka kase nahihiya nanaman ito kaya sinasabing busog sya.
"Napakakulet mo Raven di pa ako ginugutom, tara nalang mag ice cream" saad nya at nagkunwaring nagiisip
"Ayun oh tara Raven" sabay hawak nya sa kamay ko at hinila papuntang Ice cream shop.
Naupo na kami sa pang dalawahang table. "Ako na oorder ano bang gusto mo?" Tanong ko sakanya, syempre ako nga ang manglilibre ee kaya ako ang dapat mag order
"Hmm kahit vanilla lang po Raven" sabay ngiti nya sakin. Sa mga ngiti palang nya para na akong nalulusa hanep alam mo yung parang nakakita kang angel pag nakikita kong ngumingit sya. Hawak pa din nya phone ko, wala kase syang cellphone kaya sabik na sabik sya palagi pag nanghihiram wala naman akong tinatago dun kaya ok lang.
Nag order na ako ng isang Vanilla at sakin naman ay blueberry cheesecake ang flavor. Tuwang tuwa sya dahil ngayon lang daw ulet sya nakatikim ng totoong ice cream dahil puro sorbetes lang ang nabibili nya dahil kapos sya sa pera.
Nakwento na sakin niya na mag isa nalang sya sa buhay kaya pag gabi nag duduty pa sila nung kaibigan nyang si Rainer sa isang mini stop 7:00 pm - 12:00 am ang duty nya minsan nga naawa na ako sakanya dahil alam kong pagod na pagod na sya pero pinipilit pa din nyang ngumiti kahit na ganun ang nangyayari sa buhay nya.
Naglibot libot kami inaya ko sya sa department store gusto ko kase syang bilan ng ibang gamit. May sumalubong agad saming sales lady
"Hi! Ano pong kailangan nyo sir? ma'am?" Tanong nya samin
"Please kuhanan nyo sya ng lahat ng babagay sa kanya salamat" sabi ko sa saleslady at dali daling umalis
"Raven, hala di ko naman kailangan ito" sabi nya at may bahid ng pagkagulat sa mukha nya
"Gwen you're my date so please stay put and wait ok? No buts" saad ko at hindi na talaga sya kumibo.
Dumating mga saleslady may mga dalang damit halos lahat bagay sakanya sa tuwing mag susukat nga sya nahihiya pa sya saking ipakita. Binilan ko din syang shoes kaya ok na.
Pauwi na kami at ihahatid ko na sya. Habang nasa daan kami napakadaming beses na nyang nagtethank you sakin. At nahihiya daw sya sakin next time daw pag nagsweldo sya bibilan din daw nya ako. Ngunit tinanggihan ko para ipunin nalang nya iyon.
Nandito na kami sa tapat ng bahay nila. Ayos naman yung bahay niya tulad pa din ng dati.
"So Good night Gwen, bye" hahalikan ko sana sya sa pisngi ngunit bigla syang humarap at..
Nahalikan ko sya sa labi..
nagulat kami pareho pero di ko tinanggal pinalalim ko pa yung halik ko aa kanya
akala ko tatanggi sya pero hindi tinanggap nya ako hanggang sa lumalim ng lumalim yung halik namin.
napasandal na sya sa kinauupuan nya ay ako naman lumapit na sakanya, pero nung hinawakan ko na boobs nya dahil init na init na ako bumitaw na ako at baka di ko pa mapigilan sarili ko. tinignan ko sya at sobrang pulang pula ng mukha nya
natawa nalang ako kase kahit na ganon sobrang ganda pa din nya
Maybe I am stupid enough to fall easily.
BINABASA MO ANG
My Aesthetic Romance
RomanceSometimes It's not the kisses, the sex or touches on your body , It's the eyecontact and how everything Started It's the messages at the very Beginning It's the music you liked at this Moment This is what breaks you so badly.