Naging masaya ang relationship namin ni Raven sobrnag sweet niyang tao halos isang buwan na kami. Hindi na nya ko nililibre ng lunch dahil nagluluto nalang sya sa condo nya at sa garden kami kakain. Napakasarap magluto ni Raven kahit anong sabihin ko sakanya nailuluto nya. Naipakilala ko na din sya kay Ding a.k.a Rainer naisip kong yun nalang itawag sakanya short for "baDING" hahaha
"Babe gawin na natin yung project mo sa Design hala ka 3 weeks nalang deadline nyo na" napasapok ako sa noo ko shet bat nga ba nakalimutan ko yung project namin na yon. Bigla akong nanlumo oo nga pala malapit nang mag finals.
"Shit, bat di ko naalala patay ako neto baka di ko mayari!" Pag aalala ko. Bigla syang pumunta sa likod ko at niyakap ako mula sa likod.
"Wag kang mag alala nandito naman ako diba ako ang partner mo simula mamayang gabi mag leave kana muna sa trabaho mo 1 week lang babe tatapusin lang natin project mo dun ka muna sa condo ko dun tayo gagawa. Ano ok lang sayo?" Tapos hinalikan nya ako sa pisngi wala na akong nagawa. Wala naman akong gamit na pwedeng gamitin sa project namin. Kaya tumango nalang ako.
Hinatid na ako ni Raven sa room namin. Magkaholding hands kami habang naglalakad, alam na kase sa Department namin na ako ang Girlfriend ni Raven. At alam na din sa Department nila na Boyfriend ko sya.
"Sige babe alis na ako text mo nalang ako mamaya pag uwian mo na, i love you" yumuko sya sabay smack sakin sanay na ang mga kaklase ko sa eksena ni Raven palagi ganito sya ka sweet at kaclingy.
"I love you too, mag ingat ka" sabi ko sabay ngiti sakanya. Pumasok na ako sa room at nakita ko nanaman ang mga masasamang tingin ng mga pokemon ni Joana. Di ko nalang sila pinansin at tumuloy tuloy na sa tabi ni Ding.
"Jusko Gwen! Ikaw na talaga ang may lablayp!!!! Hanep ka!! Kinikilig ako sa inyo ni fafa Raven!" Tili ni Rainer, napangiti nalang ako. At naalala ko nga palang sakanya ko nalang ipapasabi sa boss namin na maglileave ako ngayon week pumayag naman ang gaga para daw sa ekonomiya.
Natapos ang klase namin at di dumating ang prof. namin sa kasunod kong klase kaya inintay ko nalang si Raven dahil 30 mins. pa bago mayari ang last subject nila.
"Hey ikaw ba si Gwen Kloe Olivarez?" Tanong sakin ng isang parang Freshman student ng Engineering.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at nginitian sya. "Ako nga, bakit anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya habang nakangiti
"So ikaw pala ang kinalolokohan ng KUYA ko" nagulat ako sa sinabi nya. Edi ibigsabihin sya ang kapatid ni Raven sya yung hiniraman ni Raven ng uniform para may maisuot ako nung natapon yung spaghetti ako.
"Girlfriend nya ako" saad ko at napayuko para kaseng ayaw nya sakin kung makatingin sya sakin parang napakalaki ng kasalanan ko sakanya.
"I DONT LIKE YOU FOR HIM! YOU ARE POOR! MY BROTHER DESERVE A BETTER ONE" sobrang sakit ng mga sinabi nya. Yes I'm poor. Alam ko yun sa sarili ko pero hindi naman masama ang ugali ko. Napaisip ako na kung ano ang kinabuti ng ugali ni Raven sya namang kinagaspang ng ugali ng kapatid nya.
"Rolline right? Yeah you're right I'm poor anong magagawa ko kung mahirap lang ako. Hindi naman ikaw yung mahal ko kaya bat kita susundin Diyos kaba?, kaya excuse me at pupuntahan ko pa ang kuya mo" lakas loob kong sinabi sakanya pag ganito kaseng kinakawawa ako lumalaban ako.
Napanganga sya at tinulak ako. Napaupo ako sa sahig grabe napaka sakit ng pagkatulak nya. Nang biglang may sumigaw.
"ROLLINE! WHAT DO YOU DO!? ARE YOU CRAZY" Sabay tayo sakin ni Raven at masamang tinignan ang kapatid.
"But kuya she's poor we dont need like her!" sabay duro duro pa nya sakin. Hindi nalang ako sumabat.
"But i love her. Isang ulet pang gawin mo ito makakalimutan kong kapatid kita" sabay hawak ni Raven sa bewang ko at umalis na kami sa kinatatayuan ng kapatid nya. Masaya ako dahil napatunayan kong totong mahal na nya ako pero malungkot dahil ayokong gawin nya yon sa kapatid nya. Nanatili nalang akong tahimik habang tinatahak namin ang papuntang parking Lot.
I only apologize when I’m wrong. Never for being me.
BINABASA MO ANG
My Aesthetic Romance
RomanceSometimes It's not the kisses, the sex or touches on your body , It's the eyecontact and how everything Started It's the messages at the very Beginning It's the music you liked at this Moment This is what breaks you so badly.