Chapter II

61 1 0
                                    


"So ano naman ang umakit sayo at kinuha mo ang course na yan?" Tanong sakin ni Raven actually kanina pa kami nag uusap close na nga kami agad parang matagal na kaming magkakilala, di po ako malandi haha


Nilulon ko muna yung kinakain kong spaghetti, eto din kase yung binili nya sakin chaka sandwich at juice ewan ko ba nahiya nga ako ee sabi ko ililibre ko sya next time pero tumanggi naman sya "ewan ko ba, basta pangarap ko kaseng gumawa mga tulay o kaya mga building, sabi kase nung lola ko bago sya mamatay gusto nya 2nd floor yung bahay namin tapos may veranda sa taas dun daw sya magkakape kaya lang di na nya maabutan pero itutuloy ko pa din yun kahit mag isa nalang ako sa buhay"


Napatingin ako sa kanya nakita ko sa kanyang mga tingin ang lungkot at awa pero nginitian pa din nya ako. "Sorry for that Gwen" sabi nya at kumain na din.

Hindi ko inakala na ganito kabait si Raven dahil ang tingin ko sakanya suplado sya or masungit ngunit sobrang bait nya.

nginitian ko sya, "ok lang yun, di naman ako totally mag isa yung parents ko may kanya kanya nang buhay iniwan na ako" nakatitig lang sya sakin, kumain nalang ako ng kumain.

Dumaan ang mga araw naging close kami ni Raven, lagi nya akong sinasamahan sa library o kaya sinasabayan nya ako pag lunch minsan nga nagpiprisinta syang ililibre akong lunch pinipigilan ko sya pero sadyang makulet si Raven.


Nandito kami ngayon sa subject namin Design iniintay namin yung prof. naming si Engineer Catacutan.



"Rina, eto na nga pala yung pinagawa mo sakin" sabay abot ko sakanya. Aalis na sana ako nang bigla akong tawagin ni Rina



"Gwen, anong meron sa inyo ni Raven?" Tumayo siya at hinarap ako. Sumunod sakanya ang dalawang alipores nya


"Oo nga, anong meron sa inyo ni Raven madalas namin kayong makitang magkasama" sabat ni Alice isa sa alipores nya.



"Ahh wala kaibigan ko si Raven" tatalikod na sana ako pero bigla pinigil ni Joana ang braso ko.

"Joana bitawan mo ko, kaibigan ko lang si Raven yun lang" sabi ko pero di nya binitawan ang braso ko



"Siguraduhin  mo lang, dahil ayokong may umaagaw sa Raven ko" tinignan ko ang mga nanlilisik nyang mga mata. Nang biglang may tumampal sa kamay ni Joana.



"Hoy! Hoy! Hoy! Babaeng pugitang mukang plastikada sinong nagbigay ng karapatang saktan ang bestfriend ko aba ang lakas ng loob nagsama ka pa talaga ng mga Hipon" entrada ni Rainer siraulo talaga tong baklang eto napaka OA pero laking pasasalamat ko dahil dumating sya. Nagtawanan tuloy ang mga kaklase ko.

"Wala kang pakielam Rainer, pakielamerang bakla" sabat ni Joana ngunit hindi nagpatalo ang bestfriend ko.


"Iwww wag ka na nga magsalita ang baho ng hininga mo parang nabubulok na jukalelay tara na nga Gwen baka mahawa ka ng baho dito mabaho na nga hininga mabaho pa ugali" nagtawanan ulet ang mga kaklase namin hinila na ako ni Rainer sa upuan namin dahil magkatabi kami.

Pagupong pag upo namin biglang nagtawanan kami kase siraulong baklang toh pinahiya si Joana sa buong klase. Dumating na ng prof. namin ngunit may kagimbal gimbal nanamang ipapagawa samin..


"Ok BSCE-2A you will have an individual project but you will choose one BSArchi higher or lower year because it will be your partner in your project, kung sino ang may pinakamandang project na miniture flat 1 na sakin sa Design" bigla akong nanlumo dahil bat kailangang architecture pa ang kapartner namin. Pwede namang kami kami lang

Natapos ang klase ng nakatulala lang ako iniisip kung sino ang kakausapin kong magiging partner ko.


"Gwenny!" Bigla akong natauhan isa lang naman ang tumatawag sakin non kundi si Raven lang. Humarap ako dahil nasa likod ko sya

"Raven" tawag ko sakanyang malungkot. Halos close na close na kami ni Raven na kwento ko na yata sakanya ang buhay ko pati din sya.

"Oh bat malungkot ang Gwenny" bigla nya akong niyakap, sanay na ako sa mga ganyang galawan nya. Ngayon ko lang napagtanto na malandi si Raven! Ehem ehem! pati na yata ako haha


"Wala akong kakilalang architecture na pwede kong kapartner sa Design" malungkot kong sabi

"Gwennny wag bobo andito ako architecture kaya ako" ayan dyan din sya magaling sa mga trashtalk nya nasanay nadin ako.


"Oy oo nga noh bat di ko naisip yon, di kase bagay sayo Raven maging architecture tapos graduating pa pero di kaya makaabala ako sayo?"  tanong ko sakanya sabay inakbayan ako.

"kahit kailan hindi ka magiging abala sakin halika Gwenny date tayo sa tinagal tagal nating magkasama di pa kita naidedate" bigla akong namula dahil shet naman idedate ako ng isang Raven Valdez.


"Sige tara! Basta libre mo ha!" Tapang tapangan ko.



Slow down. Enjoy simple pleasures in life.

My Aesthetic RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon