dom

8 0 0
                                    

DOMINIC~

I never thought that this day would come, soon. Aalis na si Jessica. Magmigrate na siya sa Canada. Kinuha na siya finally ng parents nya. Dun narin siya magwork. Shet. Di ko kaya mag isa...

No, if you're thinking I'll die without  her, you're wrong. Di ko kaya magisa, in a sense na sanay akong may girl na laging kasama. Di ako nababakante. Not because I'm so inlove with her. Well, yes, I do love her. Totoong nanghihinayang ako sa kanya. Super hinayang. She's very beautiful. Very sexy. Very mabait din. Mahilig magluto. Not too smart pero pwede na. I will miss her a lot. My nights would be lonely without her. Gone would be the nights of mindblowing orals and animalistic sex.

Now, gusto kong uminom. Finally I had a reason to drink my heart out tonight.

Nalulungkot na talaga ako. Though I still have "sidedrips" or other girls na kaflirtan ko, ka fubu ko, siya kasi yung legit na pinakilala ko sa pamilya ko. Kala ko nga kami na magkakatuluyan e.

Dinampot niya ang cp nya. At nagdial. Number ni Jessica...

"No, hindi pwede to..."
Nagdial muli ng number

"Hello, Dom?? Napataw..."

"Matthew, magkita tayo now na. Susunduin kita senyo in 15min."

Di na hinayaang magsalita ang kausap, binaba agad ang tawag at dalidaling tinahak ang kotseng nakagarahe.
~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagulantang si Matt sa tono ng boses ni Dom. Seryoso, at parang may mabigat na kadahilanan upang magkita sila. Nagtataka siya dahil maayos naman sila naghiwalay sa duty kanina, ngayon e parang may emergency na di mawari. Parang kinabahan si Matt, nagaaalala sa kaibigan at sa kinikilos nito. Nagtext siya agad pagkababa ng tawag, subalit  di it sinagot. naisip nya na baka nagdadrive na ang kaibigan.

Tiningnan ang oras. 10:45pm na. Nagbihis agad siya at nagpaalam sa mga magulang na nanonood lamang sa telebisyon.

"Nay, tay, alis lang ako sandali ah...
"Anak, san ka pupunta? Gabi na ah! Delikado sa daan"

"Nay, may samahan lang akong kaibigan. Parang emergency e. Di ko pa alam kung ano, daanan nya ako now dito"

"Magiingat kayo, at umuwi ka agad. May pasok kapa bukas"

May bumusina sa tapat ng kanilang bahay, sinilip ni Matt mula sa bintana at nakita ang isang puting kotse. Si Dom. "

"Nay ako na po bahala dun... dala ko susi ah, wag nyo napo ako intayin, baka matagalan kami. Alis na po ako ah"

"Di mo man lang ba patutuluyin yang kaibigan mo dito, nang makilala namin?"

"Next tym nalang po nay, emergency lang talaga... ok? Lock nyo nalang po tong pinto, magtext nalang po ako. Bye"

Sumakay si Matt sa kotse ni Dom
"Anong nangyari? Bakit mo ko sinundo?"

"May pupuntahan tayo. Pasok na, dali"

Iritable si Dom, halata ni Matthew yun. Pakiwari nya'y para siyang asong sinusutsutan ng amo, eto naman siyang nagkakandarapa sa pagsunod. Pag sinabing sit, uupo siya. Pag sinabing roll over, iikot siya. Pinapasok siya sa kotse, pumasok naman siya. Tahimik. Di umiimik si Dominic.

Sinubukan ni Matthew na timplahin ang mood ng gwapong binatang nagmamaneho ng sasakyan. Di muna siya nagsalita, di muna nagtanong kahit gaano pa ito kacurious sa mga nangyari. patagong sinusulyapan si Dominic.  Waring nakasimangot, nakakunot ang noo. Tensyonado ang mga balikat. Madiin ang hawak sa manibela, mababaw at mabilis ang hinga.

3min na katahimikan...
"Uhm, san tayo pupunta, Dominic?"

"Sa isang bar. Samahan moko."
"Huh? Anong gagawin natin dun?"
Ok, stupid question... ano paba, alangan namang mamalengke.

Open Heart SurgeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon