overtime...

4 0 0
                                    

Timeline: 3 weeks passed simula ang paglabas nila Matthew at Dominic. Almost everyday na sila magkasama sa duty... nasanay na sa dami ng trabaho si Dom, laging under the supervision ni Matthew.

Around August na... tag-ulan na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Matt~~~

parang signal # 1.5 (oo, kasi onti nalang signal #2 na)kasi sa  lakas ng ulan. Yellow warning na ang Metro Manila dahil aa habagat. Pero since malapit lang ako sa hosp, 15min walk lang, no excuse if magaabsent ako. Saka di pa naman mataas ang baha. Hanggang leeg ko palang. Char!
Hanggang sole ng sapatos palang. Kaya pa sa ngayon. Pero halos tangayin ang payong ko. Buti din may hooded jacket ako just in case.

"Jusmio Marimar, kala ko di ka makakarating ng buo e. Endorse na tayo, para makauwi naman kami! May 2 for cesarean section kayo ah. Kumpleto na gamit at informed na ang mga doc."-Mam Rica, my co senior nurse na babaeng version ko...

"Whoah teka teka lang, mahina kalaban... pede magbihis muna? ako palang ba at si mam amy (natanaw ko) andito?"

"Oo e... nagpasabi na sila sir Eric at sir Martin absent daw. Hanggang bewang tubig sa kanila."

Pakshet. Sabi na e.
"Kaya mo yan, 3 tao naman katumbas mo diba? Yakang yaka mo yan, kaw pa!"

"Unli uto ba ngayong araw? Ok... may magagawa paba ako? Ganun naman talaga ang buhay e.  minsan pag kelangan mo sya, di mo na mahagilap."

"Sanay ka namang iniiwan sa ere e diba?

"Pinaasa lang nila ako, yun pala, sasaktan lang din nila ako"

"Wag ka kasing umasa. Di kana natuto. Di na uso martyr ngayon. Wala ng magtatayo ng rebulto para sayo"

"Babangon ako at dudurugin ko sila. Itaga mo sa bato, bukas! Luluhod ang mga tala!"

"Wag masyadong mataas ang iyong lipad, mas masakit pag lumagapak..."

Kay agang hugutan sa tag ulan. Pareho takbo ng utak namin ni Rica e.at dahil past 7 na, dali dali ako nagpalit ng scrub suit.

Mejo late ata si Dom ngayon,mga 20min na lumipas pasado alas 7. Nang biglang bumukas ang pintuan ng OR at saktong pagdating nya. Buti wala pa ang bisor namin (na ewan ko if papasok pa)

"Sori, sobrang lakas ng ulan, grabe traffic at baha... buti 1hr ahead ako umalis... alam kong malelate ako ngayon eh"

"Ok lang. tayo palang nila mam Amy andito."

"Ayan naman pala e, andito na inspiration mo e... kaya mo na yan! Tara endorse na!"

Kinilig ako, feeling ko e kami lang tao sa mundo ngayon... magkasama magtrabaho... maghapon ko siyang masosolo! pero in a way, kinabahan ako. Di magiging madali ang araw na to na 3 nurses versus infinity of patients. Nagumpisa nako magtext at tumawag sa mga kaduty dapat na nurse. Dapat kasi 7 kami ngayon. Kamusta naman ang 3???

Natapos ang endorsement at biglang may 2 buntis na manganganak ang sinugod samin. As in sabay na ata lalabas any minute...

Ginabayan ko si Sir Dom sa paglagay ng mga patiente sa delivery room. Pinag skin preparation ko at hinanda ang mga gamit. Takbo ang ob at pedia. Mabilis lang ang mga pangyayari at very routine ang trabaho kaso 2 kasing sabay. At iilan lang kami. Ideally kasi pag magpapaanak, 2 nurse man lang at mga doc bawat pasyente. E di pwede in this case. Si mam amy kasama si doc dahil mejo mahirap yung lagay ng pasyente nila. (1st baby, 35 yo ang ina, mataas ang bp) Ako sinamahan ko si Dom sa pasyente namin (29yo na 2nd baby). Sabi ko siya ang maglabas ng baby...

"Sir matt, alalayan mo ko ah"
"Akong bahala sayo. Basta maggloves kana at lagyan mo ng gauze ang perineum ng pasyente para di mapunit. Alalayan mo lang. Ibuka mo ng mabuti ang pwerta"
Grabe makatili ang mga pasyente, nakikita ko ang kaba sa mata ni Dom.
"Sige push mader! PUSH!"

Open Heart SurgeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon