family history

4 0 0
                                    

Matt~

Ang saya-saya ko ngayon...my first date ever. Pero paguwi ko eto agad ang naabutan ko, si tatay na nakahiga parin sa may sala namin sa kanyang lumang folding bed, at si mama at ang kanyang mga sermon...

"San ka nanaman nanggaling at inabot ka ng gabi? Nagaalala na kami ng tatay mo sayo, maghapon kang wala! Hinahanap ka ng tatay mo..."ani mama

"Oo nga kuya, baka daw narape kana!" Si Mark, nakangisi habang nakatitig sa dala ko.

"Edi mabuti! Nang matapos na ang dry spell ko! At dapat pogi para tapos na ang laban! Charot" sagot ko.

"nahihilo daw tatay mo, kunan mo daw ng presyon, anak!"

"Hay... opo ma. Sori naman, maaaga naman po ako umalis kaso trapik lang po sa daan. Di ko naman kaya lumipad na ala Darna ma!"

Nilapag ko ang mga pasalubong ko sa kanila at tinawag ang mga kapatid ko, sina Mark at Mimi. At hayun,nagsikain sila ng dala ko.

Kinuha ko ang aking sphygmomanometer(bp apparatus) sa kwarto at kinunan ng bp si tatay. Hay buhay nars. Mula pagpasok hanggang paguwi, pati day off, kelangan magamit ang napagaralan.

"160/90 po..."

Antaas. samantalang ang normal ay 120/80 lang.

"Ayan, nahighblood na ang tatay mo sa pagaalala sayo...
"Ma, tatay, sori na nga po... dinalhan ko naman kayo pasalubong lahat e. Maya inom kana gamot ha tay..."
Inalalayan ko si tatay sa pagkakahiga para makaupo man lang

"Anak, alalang alala ako s-sayo, d-delikad-do sa labas ng g-ganitong mad-dilim na e" wika ni tatay. Dahil left brain ang apektado sa kanya, paralysed ang right side ni tatay...hirap siyang gumalaw sa kaliwa at di nya kaya igalaw ang kanang paa at kamay. sabihin na nating matindi ang tama ng stroke sa kanya at di agad na physical therapy dahil laging mataas bp nya. pati paglunok nya mejo hirap siya, speech nya utal utal talaga. Memorya nya ay apektado, at madalas maramdamin. All classical signs ng left brain stroke.

"Sori po, tay"

"Ano ba gi-ginawa m-mo ngayon? P-parang masaya k-ka ata"

"Sobra! Nanood lang kami ng sine ng fren ko. Kaduty ko po siya sa hospital. Kain, arcade, yung parang perya po"

"G-gnun ba? Ano b-ba siya, m-manliligaw mo? K-kwentuhan mo ko sino ba siya"

Si tatay, alam naman nya kung ano ako. Fetus palang ako, duda na sila sakin. Running joke yun sa pamilya namin. Since di pa ganun kamodern ang ultrasound that time, alanganin ang resulta ni mama. Di nila mawari if boy daw ako or girl. Turned out, tama nga sila. Hehe!
Pero tanggap nila ako. Bihira ang ganitong pamilya, at sobra sobrang blessed ako ni Lord dahil He made my family understanding. Sobrang mapagmahal at tanggap nila ang sekswalidad ko. Ever since I was a little girl. charot!

Walang halong biro, 4yo palang ako, napansin nila mas madalas ko kalaro mga babaeng kapitbahay namin. Bahay bahayan, lutu lutuan...yung kalaro ko, si Grace, siya ung nanay... at siyempre kung may nanay, ako naman ang...

Kanyang kumare!

Excuse me, di lahat ng nanay ay may asawa. Sa panahon ngayon?! Pero sure lahat may kumare...

"Tay naman, how I wish manliligaw ko nga siya... Dominic pala name nya. One day makikilala nyo po siya. Pag kami na. Haha!!! Joke lang."

Natawa si tatay... Hay, gustong gusto ko nakikita si tatay na masaya.

"Gwapo siya. Matangkad. Mabait. rich kid siya sa tingin ko. Inglisero. Mejo kelangan lagi akong may baong english pag kasama ko siya. Bagong salta siya samin. Ilang araw palang. Pero bet na bet ko siya kasi mabait siya."

"Talaga lang kuya ha!"
Etong si Mimi, ang bunso namin.

"Oo... nakita mo ba yung stuff toy na dala ko? Para sa bear collection mo oh! Napanalunan namin ni Prince Charming sa arcade!"

"Weh?? TALAGA? thank you kuya!!" Sabay yakap sakin, at tumakbo papunta sa mesa kung san nakalagay ang stufftoy.
"Pero prince charming talaga? Wala kayang poreber, wag ka umasa, masasaktan kalang"

"Echuserang froglet ka! Matapos ka bigyan ng pasalubong, maninira ka ng moment?"

"Biro lang naman kuya... hehe"

"Pero t-tama naman ang kapatid mo, Matthew. Mag-iingat ka sa mga nakapalibot sayo. Ang iba, mapagsamantala pagkatapos makuha ang tiwala mo. Yung iba, nang-g-gagamit. Di k-ko sinasabing g-ganyan ang lahat ng tao, pero m-mabuti ng alerto ka. "

"Opo tay."

"O siya siya, Tama na kwentuhan... gabing gabi na. Bukas na ang continuation. matulog na tayo. May duty kapa bukas Matthew. Ikaw Mimi maaga pa pasok. Si Mark nasa kwarto na... maghilamos kana matthew at magpahinga, ok? Love you nak!" sabi ni Mama sabay kiss sakin.

God... i love my family... di kami mayaman. Simpleng buhay lang. Di marangya. Walang mamahaling gadget. Pero masaya kami.
********************

Naghilamos ako... kept thinking of him. Hay, kung sana lang ay di ko kelangan umuwi agad... feel na feel ko pagka Cinderella e...

Naisipan ko siyang itext...
"Nakauwi nako. U? Salamat sa paglibre sakin today. Enjoy2 ako..."

"Sure! Nextym ulit, paglabas ng xmen... also I missed my weekly Starbucks fix, so that too."

Ay! So may next time pa pala! Wow ha, kanina Cinderella ako, ngayon Rapunzel na sa haba ng hair ko! Gusto pa nya ng 2nd date!!! Ahahaha!!!

"Ok, sabi mo yan. Pero kkb na tayo nun... nakakahiya naman sayo e."

"No biggie. See you tom...nyt"

Ang saya ko... perfect day na talaga! Ayoko pa matulog, at gusto ko pa magdamag siyang itext... pero wala e. Nag goodnight na. Di bale, makikita ko naman siya sa duty bukas so pede na rin!

Open Heart SurgeryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon