KYLE
Pag labas ko sa restaurant, pumunta ako malapit sa play ground dito tsaka umupo sa swing.
Napapikit nalang ako habang inaalala yung ginawa ko kanina. Nasabi ko ba talaga yon kay Heize? Nagawa ko ba talagang lapitan siya?
Unexpected.
Nilabas ko nalang yung yung earphone ko at sinalpak ito sa tenga ko. Habang nag mumuni-muni ako biglang may kumalabit sa akin.
"Kuya, tawag ka ni mommy kakain na." Sabi nung kapatid ko. Tumango na lang ako bilang sagot.
Hingang malamim kyle kaya mo yan. Pag tapos kong sabihin yon sa sarili ko yun, sumunod na ako sa kapatid ko.
Pagpasok namin may nakahain ng pagkain, bigla na lang akong nagutom dahil sa ginawa ko kanina.
Habang kumakain kami biglang nag salita si tita celine.
"So, kamusta kana best?" Tanong ni tita celine kay mommy.
"Okay naman ako, ang tagal na din pala simula nung nag kita tayo no." Sabi naman ni mommy.
"Oo nga eh."
Marami pa silang pinag usapan pero diko na lang pinansin. Napatingin ako kay heize at ganon din siya sa akin. Napa ngisi ako ng nakita ko siyang naka simangot.
Siguradong naiinis pa din siya sa ginawa ko kanina. Hayy. Hayaan ko na lang muna at mag sosorry na lang ako mamaya.
Pag tapos namin kumain at mag kwentuhan nila mommy nag paalam na kami sakanila at uuwi na. Dahil may bussiness trip pa daw si tita celine.
"So pano ba yan? Una na kami hah, ingat kayo." Sabay beso kay mommy at sa akin.
"Sige, ingat ka din sa susunod ulit, bye hija." Sabi naman ni mommy at nakipag beso din.
"Bye." Sabi ko kay heize sabay ngisi. Pero inirapan niya lang ako at sumakay na sila sa kotse nila at umalis na.
Nang hindi na namin ma tanaw ang kotse nila sumakay nadin kami sa kotse at umalis lang. At dun ko lang naalala na di pala ako nakapag sorry kanina hayy pano bayan pag nag kita na lang siguro ulit kami. Habang nasa byahe natulog na lang ulit ako dahil inaantok ako.
May kumalabit sa akin at si karleigh pala yun. "Kuya gising na, nandito na tayo." Sabi niya, tumango naman ako at siya naman ay lumabas na.
Napa sarap pala ang tulog ko, pag tapos ko mag inat-inat, lumabas na din ako at pumasok sa bahay.
Dumeretso na ako sa kwarto ko at nag pahinga. Nakakapagod tong araw na to.
******
HEIZE
Nasa byahe na kami pauwi ng bahay. Tsk nakakainis talaga yung lalaking yon. So siya pala yung anak nung bestfriend ni mommy na sinasabi niya sa akin.
Bakit si tita madeline at karleigh mabait, bat siya hindi kainis. Hindi ko na malayan na nandito na pala kami sa bahay dahil sa kakaisip ko dun sa lalaking yon ano nga pala ulit pangalan nun. Ayon klye.
Nakakainis talaga yun. Tsk. Bumaba na ako sa kotse at dumeretso sa kwarto ko para mag pahinga.
Naalala ko may pasok na nga pala kami sa isang araw so, kailangan ko nang bumili ng gagamitin ko. Hayyy. Matext nga si bal.
YOU ARE READING
Love At First Sight (On-going)
Teen FictionNag-simula ang lahat sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkakilala sa hindi sinasadyang pagtatagpo ng landas nila. Galit at inis ang unang naramdaman ni Heizel Leyanne Carbonnel kay Stephen Skyler Madrigal noong una nilang pagkikita. Arogante, mayaba...