(First Day)
------HEIZE
Kringgg! Kringgg! Kringgg!
Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Pinatay ko lang to tsaka na ako pumunta sa cr at naligo nag babad muna ako saglit tsaka na ako lumabas at nag bihis. Bumaba na din ako para maka kain ako at ayoko ma late first day pa naman ngayon. Pag baba ko bumungad agad sakin si manang.
"Good morning manang." Sabi ko sabay ngiti.
"Good morning din anak, kumain kana jan at baka malate kapa." Tumango na lang ako kay manang at sinimulan ko nang kumain.
Habang kumakain ako biglang pumasok sa isip ko ano kayang mangyayari sa akin ngayong araw. Sana naman walang mangyaring ikasisira ng araw ko.
Pag tapos ko kumain kinuha ko na yung gamit ko sa kwarto ko tsaka na lumabas. Malapit lang naman tong bahay namin sa school kaya pwede ko lang tong lakarin, excercise na din hahah.
Enjoy na enjoy ako sa paglalakad, medyo nagh-hum pa ako habang nakikinig sa kanta ng iPod ko pagkatapos ay halos madapa ako dahil sa gulat ng biglang may bumusina ng pagkalakas lakas.
Tinanggal ko yung earphones ko mula sa tenga ko at padabog na hinarap kung sino mang hangal ang bumusina na yon, hindi ko siya makita dahil malamang, nasa loob siya ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at kinatok siya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko, masama talaga sa akin ang magulat dahil hindi mabuti ang kondisyon ng puso ko.
"Ano bang problema mo at binusinahan mo ako ng pagkalakas lakas ha?!" sigaw ko habang kinakatok ng madiin ang bintana ng kotse niya, "Anong akala mo dito? Express way na pwede kang magsiga-sigaan?!"
Nakita kong bumukas ng kaunti ang pinto kaya lumayo ako, nang lumabas siya halos malaglag ang panga ko. Hinubad niya ang shades niya at tumingin sa akin. Teka! Ganito rin yun eksena niya noong nagkabanggaan kami sa McDo! Naalala ko tuloy kung paano niya ako ipinahiya sa harap ng Mommy ko at Mommy niya. Napaka arogante! Napakayabang talaga!
"Heize.. oh, Heize, right?" medyo tinaas niya pa yung dalawang kilay niya, "Hindi ko naman kasalanan na sumayaw sayaw ka dyan sa daan habang naka earphones. Malamang bubusinahan kita, paano nalang kung may.. m-may nangyari sayo?" medyo alangan niyang binanggit ang huling mga salita.
"Talaga! Kapag may nangyari sa akin, ikaw ang mananagot! Mahal ang buhay ko!" inirapan ko siya at inilagay muli ang earphones sa tenga ko.. bwisit, bakit ganito ang nagp-play? Love Story ni Taylor Swift.. awtomatiko akong napatingin kay Kyle, nakatitig lang siya sa akin habang nakapamulsa.
What the fuck, Heizel! You aren't affected on his presence okay? You aren't! sabi ko sa utak ko.
Huminga ako ng malalim at bahagyang nilakasan ang volume, naglakad na ako palayo sa kanya. Walang mangyayari kung makikipagtalo ako sa lalaking katulad niya, kahit na gwapo pa siya--WHAT?! WHERE DID I GET THAT?
I shook my head, trying to kick him out of my mind. Ayaw kong masira ng tuluyan ang first day ko. Damn, this is so annoying!
Hindi pa naman ako nakakalayo ay narinig ko siyang sumigaw na ikinagulat ko ng sobra.
"Why can't you just be nice to me?! Let's be friends, Heizel!"
Halos madapa ako non pera ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad ko. Hindi ko siya pinansin. How could he?!
Pagkatapos ng mga ginawa niya sa akin? No I won't and we won't be friends kahit na... may isang bagay na namumukod tangi sa kanya, nakakaattrack at nakakahulog ng loob..
YOU ARE READING
Love At First Sight (On-going)
Genç KurguNag-simula ang lahat sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkakilala sa hindi sinasadyang pagtatagpo ng landas nila. Galit at inis ang unang naramdaman ni Heizel Leyanne Carbonnel kay Stephen Skyler Madrigal noong una nilang pagkikita. Arogante, mayaba...