LAFS 7

18 1 0
                                    

HEIZE POV

"Tabi diyan, dadaan ako!" Sigaw ko sa mga naka harang sa may bulletin board. Nag sitabi naman sila kaso may epal pa ring matangkad na naka harang, sino pa ba? Siya lang naman.

"Hoy, lalaking arogante." Kinalabit ko siya tsaka sinamangutan. Nakakainis ang pag mumuka niya.

Humarap naman siya sa akin tsaka yumuko ng kaunti. "Bakit bata?" Naka ngising tanong niya . Lalo naman ako napa simangot.

"Anong bata, ang kapal mo! Tabi nga jan!" Singhal ko sakanya. Napakamot na lang siya ng ulo at tsaka tumabi sa gilid.

Pagka tingin ko sa bulletin board ay nag lakad na ako paalis dun pero lumingon muna ako sakanya sabay irap bago magpa tuloy sa pag lalakad. Hayst! Bigla ako ginutom dahil dun sa lalaking yon! Ang arogante talaga nakakainis! Pumunta muna ako sa canteen at tsaka kumain. Pag tapos ko kumain nag lakad na agad ako sa room ko dahil baka malate ako first day pa naman. Habang nag lalakad ako may biglang sumulpot sa tabi ko at bigla ako niyakap. Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya naitulak ko siya ng bahagya. Nanlaki naman yung mga mata ko nang makita ko kung sino yung nasa harapan ko. OMGGGGGG! KELAN PA SIYA NAKA UWI NG PILIPINAS! 0_0 AT WALA MAN LANG SIYANG SINABI NA BABALIK NA SIYA. Napatunganga na lang ako sa harap niya ng bigla siyang nag salita.

"Ano tititigan mo na lang ba ako jan? Talaga bang hindi mo ako namiss?" Pag tatampo niya. Duon lang ako natauhan. Sus kahit kailan talaga matampuhin tong isang to. "Ah namiss kita syempre. Nagulat lang ako, bigla bigla ka kasi sumusulpot eh." Sabi ko sakanya at sabay yakap. Nginitian niya lang ako sabay yakap din pabalik. "Ikaw ah, ang liit mo pa din hindi naka tumangkad." Sabi niya sabay tawa. Napa bitaw naman ako ng yakap sakanya tsaka ko siya hinampas sa braso. "Hoy ang kapal mo ah, porket tumangkad ka lang maka lait ka jan. Hmpp!" Inis kong sabi sakanya sabay irap. "Ikaw talaga ang pikunin mo pa din, syempre joke lang yun." Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. "Osya! Mamaya na late na ako sa klase ko, bye." Pagka sabi ko nun kumaway pang ako habang tumatakbo at hindi ko na siya hinintay na sumagot pa kumaway lang din siya pabalik ng diko na siya makita nag madali na ako pumunta sa room ko.

Nang makarating ako eh nandito na ang prof ko kaya ang puso ko ay parang mga kabayong nangangarera sa bilis dahil sobrang sungit nito. Nag iisip na ako ng magandang dahilan sana naman makalusot.

"Good m-morning m-miss, sorry i'm l-late." Pautal utal kong bati sakanya. Bigla naman siyang tumingin sa dereksyon ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Where have you been Ms. Carbonnel? Hindi mo ba alam kung anong oras na." Mataray na sabi nito sa akin. Napasimangot na lang ako kahit kelan talaga ang taray! "Ah, may inutos po kasi sa akin si Mr. Lucas sa libary!" Pag sisinungaling ko dito, sana talaga gumana. "Okay, you may take your seat." Pagka sabi niya non bigla akong naka hinga ng maluwag, pumunta na ako da dulo sa may tabi ng bintana dahil dun ko mas gusto umupo.

Aaminin ko, hindi ako nakikinig habang nagi-intro si Ma'am para sa new lesson namin ngayong araw. Nakakatamad makinig, ganitong badtrip na badtrip ako.  Mag-isa akong napa-roll eyes nang maalala ko yung kupal na yon. Hanggang kailan niya ba sisirain ang araw ko? Ang lakas niyang tawagin akong bata! Porke't mas matangkad siya sa akin!

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang room na katapat ng room namin. Hindi naman ganon kalapit, medyo malayo ang pagitan nito kumpara sa pwesto ko pero sapat na para matanaw kung sino ang nasa loob non. Kapansin pansin yung lalaki na nakasandal ang ulo sa bintana habang nakaearphones at nakapikit. Tinignan kong mabuti kung sino yon

Anak ng flatchested oh. Bakit ba lagi kong nakikita yung Skyler na yon? Argh. Hindi ko alam kung hindi ko ba sinasadyang makita siya o hinahanap lang talaga siya ng mga mata ko.

Ang weird.

Yes, I hate him so much but there's a part of me na mayroong ibang nararamdaman sa kanya. And this is not infatuation nor love, of course. Nitong nakaraan ko lang naman siya nakilala. Basta, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sorry na, babae lang, magulo ang utak.

Napabuntong hininga ako at di ko namalayan ang mga mata ko na nakatitig pala sa kanya. At ngayon ko lang din napansin na nakatingin din pala siya sa akin what the fuck, akala ko ba tulog siya?

Kahit medyo malayo si Skyler sa akin, kitang kita ko na naka smirk siya. Bwisit!

I raised my middle finger up at ipinakita sa kanya yon. Akala ko, gagawin niya din yon sa akin pero may tinuro siya, hindi pa siya nakuntento at nginusuan niya pa ako na parang may tinuturo siya sa likod ko. Damn, ang laswa niya.

Dahan dahan akong lumingon sa direksyon na tinuturo niya pero hindi ko pa rin ibinababa ang middle finger ko. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang makita ko si... Ma'am. Nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa akin

Fuck, I'm dead.

"What are you doing Heizel Leyanne Carbonnel?" mataray nitong tanong sabay tingin sa labas, nakatanaw pa rin si Skyler sa amin, "Are you talking with Mr. Madrigal? Nagd-dirty finger sign kapa! Are you insane?!"

Halos lumubog na ako sa upuan ko nang dahil sa hiya. Oo, matapang ako pero peste nahuli ako sa akto! Hindi tuloy ako makapagsalita

"Sunduin mo si Mr. Madrigal at pumunta kayo sa Guidance Office, pupunta rin ako doon para ireport ang kalokohan ninyong dalawa. NOW!"

We're doomed.

Love At First Sight (On-going) Where stories live. Discover now